KIZANG's POV
Alas syete na ng gabi kami nakarating sa resort and take note sampu kaming mag ti-training dito. Iba-ibang schools. Yung iba pa nga ang so-sosyal eh. Pagkadating namin, naghintay muna kami sa may lobby lounge at kakausapin daw kami ng General Manager.
Binigyan din kami ka agad ng uniforms namin para daw sa event namin mamaya. Oo nga pala may welcome Party pala sila para sa aming mga trainees.After kami kausapin ni G.M dumiretso agad kami sa mga assigned rooms namin at kasama ko sa room sina Marchelle at Rhudilyn.Pumunta na agad kaming Pavillion dahil don gaganapin yong small event.
Konting pakilala lang naman yong ginawa namin tapos nag message lang samin yong mga bosses namin. Ok naman sila. Napag alamanan ko din na isang Manager ng sikat na Artista sa Thailand pala yong may ari ng resort na to at yong family niya ang nag ma-managed dito.
Lumaki pa nga yong tenga ko eh kasi narinig ko yong Thailand. So ibig sabihin lang non kilala niya si Fafa Mario Maurer ko. Hindi lang kilala noh. KILALANG KILALA pa! Maka-close nga yon si Manager. ^_^ At ang swerte ko lang she's having her vacation now here sa Pinas. Yeeeeehhh. Excited na ko ma-meet siya.
Tapos na rin ako magpakilala kaya nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Kahit kasi gabi na maliwanag pa rin at kitang kita ang mga kumikislap na liwanag sa dagat. Yeeee. Napakaganda naman kasi talaga dito eh. Katabi kasi ng Pavillion na to ay isang infinity pool at ang kaharap ay isang beach.
Tumingin ako sa dagat at pinilit kong maaninag yong tubig pero napansin kong may nakatinging guest sakin. Nung una pa nga hindi ko pa alam kung ngingitian ko ba siya. Pero dahil nga trainee ako so kailangan kong gawin yon. So nginitian ko siya pero binaling niya yong tingin niya sa iba.Ay sayang effort.Baka lang hindi niya napansin yong smile ko. O baka banlag lang talaga siya.Ahhh baka nga.
"Uuuuy Kizzane gwapo ni Jade noh?" siniko ako ni Marchelle
"Eeeeh. Gwapo ba yan? Ikaw lang na gwa-gwapuhan dyan eh." sagot ko sa kanya and I rolled my eyes.
"Tumigil ka na nga dyan Marchelle! Alam mo namang stick to one yan si Kizzane. Ayieeee.. Diba diba diba?" si Rhudilyn ang isa pang adik din. =_=
"Bakit kayo na ba ni MM huh Kizzane" tanong ulit ni Marchelle na nakataas pa talaga ang kilay.
"H-haaa? H-hindi pa noh!"
"Juice colored!Maka stick to one! Duh!! Haha" at nagtawanan silang dalawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
Matatapos na yong event.Salamat naman. Gusto ko po kasi maglibot eh. Pinayagan din naman kami gawin muna lahat ng gusto namin hanggang sa matapos ang gabing to. Oh diba ang bait talaga ni General Manager. ^_^
"Girl tara na sa room?" aya ni Marchelle
"E-eeehh. eeehhh. Punta muna tayo don. Videoke tayo. Dali na Kizzane kanta tayo." hinili hila ni Rhudilyn yong kamay ko.
"Sige ba!! Gusto ko yan!" kung hindi niyo naitatanong mala Julie Ann San Jose tong boses ko noh. Hahaha!!
"Wait!!Dyan tayo dadaan?" dagdag ko.
BINABASA MO ANG
" Fan girl meets The Popular Lesbian"
FanfictionGirl to girl story.. P.S I do not write this story to influence people its just I respect LGBT Community and Yes I'm a super fan of Tina Jittaleela