Cherry’s POV
Pumasok ako sa isang bar para mag shopping. De joke lang para uminom syempre. Ilang buwan na rin akong ganito. Masyado kong dinidibdib yong lovelife ko. Mahal ni Bestfriend ang mahal ko! At syempre mahal din sya nong taong mahal ko. Sila na nagmamahalan at ako nganga.
“Isang vodka pa nga” sbi ko doon sa bartender.
“Maam baka malasing na naman po kayo.”
“Adik ka ba? Kaya nga ko pumunta dito para maglasing eh. Tapos sasabihin mo baka malasing ako? Anong gusto mong gawin ko dito titigan ka hanggang sa lumuwa tong mga eyeballs ko?”
“Sorry po Mam. Nag aalala lang po kasi ako.Halos gabi gabi na po kasi kayong naglalasing. Tapos ang bigat bigat nyo pa naman po pag hinahatid ko kayo sa labas para pasakayin ng taxi”
“Aba nanunumbat ka pa. Asan ba yong Manager nyo dito?”
“Naku Maam hindi po. Eto na po yong order nyo.” Magbibigay din naman pala dami pang sinasabi.
Nakailang shots din ako hanggang sa naramdaman ko na naman na parang domodoble na yong paningin ko. Iinumin ko na sana yong alak sa may shot glass pero may pumigil at kinuha ito sa kamay ko.
“Tama na yan. Maawa ka sa katawan mo at maawa ka sa bartender , gabi gabi mo na syang ginagawang diary para lang ikwento yang lovelife mo.” Napatingin ako don sa nagsasalita. Medjo Malabo na yong paningin ko at medjo familiar sya sakin.
“Sho? Umalish ka nga dito. Di kita kailangan.” Nilagay ko ang mga braso ko sa may mesa at pinatong ang ulo ko.
“Cherry” banggit nya sa pangalan ko habang hinahaplos nya yong likod ko.
“Shino ka ba kashee?” tanong ko sa kanya pero ganon pa rin yong pwesto ko.
“Sige iiyak mo na yan pero promise mo last na yan ha. Simula bukas kakalimutan mo na si MM.” napatingin ako sa taong yon at hindi ko napansin basang basa na pala yong buong mukha ko.
Humagulhol ako ng iyak.Sinandal ko yong ulo ko sa dibdib nya. Niyakap nya naman ako at haplos haplos nya pa rin yong likod ko.
“Pangako” bulong ko at patuloy pa rin ako sa pag iyak.
(The next morning)
Nagising ako dahil may kung anong bagay na gustong lumabas sa tyan ko.Pati yong ulo ko ay parang sasabog na sa sobrang sakit. Dumiretso ako sa banyo pero takteng yan. Kailan pa nalipat yong banyo ko at kalian pa nagbago ang kwrarto ko? *O*
“Good you’re awake” napatingin ako sa pumasok
“A-anong g- ginagawa mo d-dito sa kwarto k- ko?”nauutal kong tanong dahil nagulat ako sa nakikita ko
“Excuse me kwarto ko to at hindi mo to kwarto. Nalasing ka lang nang aangkin ka na ng bahay na may bahay.Hahaha” inilapag nya yong isang tray na punong puno ng pagkain.
Tinignan ko yong hitsura ko at ngayon ko lang na-realized na iba na yong suot ko at naka undies lang ako
BINABASA MO ANG
" Fan girl meets The Popular Lesbian"
FanfictionGirl to girl story.. P.S I do not write this story to influence people its just I respect LGBT Community and Yes I'm a super fan of Tina Jittaleela