Chapter 24 (burst of emotions)

1.6K 44 11
                                    

A/n: this chapter is dedicated to @rhenv09. Thankyo sweetie!mwa! Merry Christmas!! Regalo ko. Whahaha.




THIRD PERSON’s POV

Lumabas si MM para mag tungo sa kwarto ni Kizzane dahil napag alamanan nya nakainom ito. Nakonsensya sya sa hindi paghintay nito sa labas ng Casa kaya napag isipan nyang yayain itong matulog katabi nya. Nakailang text at tawag na rin ang ginawa ni MM pero ni isang beses hindi sya sinagot ni Kizzane hanggang sa hindi nya na ito makontak.Nakaramdam ng pagkainis si MM kaya  bago sya pumunta sa kwarto ni Kizzane dumaan muna sya sa Mini Bar ng resort at bumili ng alak. Nakalimang bote muna sya ng beer bago nya tuluyang iwan ang lugar.

“Bubu?!! Buksan mo tong pinto!” katok ni MM sa kwarto nina Kizzane pero ni isang beses walang nagtangkang magbukas dahil ni isa walang tao sa loob,kahit ang mga kasamahan ni Kizzane na sina Lyn at Sheng ay saktong nakaalis na din papuntang kabilang resort dahil doon sila in-assign hanggang matapos ang training nila.

“KIZZANE! Open this door!!” sigaw ni MM habang katok pa rin ng katok sa pinto.

“PWEDE BA WAG KANG ISTORBO!!” sigaw ng babaeng kakabukas lang ng pinto sa kabila at lumaki ang mata nito ng makita nya si MM.  “M-mariah?” mahinang banggit nito sa pangalan ni MM

Napahinto si MM sa pagkatok ng pinto at napatingin ito kay Yindee. Maya maya ay biglang nyang niyakap ito at walang ibang  nagawa si Yindee dahil masyadong mahigpit ang pagkakayakap ni MM sa kanya.

Dahan dahang humiwalay si MM sa pagkakayakap nya at tumingin ulit  ito sa mga mata ni Yindee. Punong puno ng sakit at selos ang mga tingin ni MM  at ramdam na ramdam ito ni Yindee. Hihiwalay n asana si Yindee ngunit bigla syang hinalikan ni MM. Halik na punong puno ng pagkasabik. Hinawakan ni MM si Yindee sa may ulo at yakap yakap nya to habang patuloy sa paghalik  hanggang nakapasok na sila sa loob ng kwarto.

“M-mariah. S-s-si D-dao. K-kwarto to ni D-dao” hindi pinakinggan ni MM si Yindee at patuloy nya itong hinalikan pababa sa leeg at onti onti nyang tinutulak si Yindee pahiga sa may kama. Gustuhin  man ni Yindee na pumiglas sa ginagawa ni MM sa kanya ay hindi nya din magawa,kahit utusan nya ang katawan nya na humiwalay dito ay hindi ito sumusunod.

Hinalikan din ni Yindee si MM at niraramdam ang mga labing dumadampi sa kanyang leeg. Ramdam na ramdam nito ang malalambot na labi ni MM na humahalik sa kanya. Walang tigil ang paghalik nila sa isa’t isa hanggang sa makarating na sila sa  kama. Pumaibabaw si MM kay Yindee habang ang  isang kamay nito ay onti onting tinatanggal ang pang-itaas na damit ni Yindee.

“S-s-sorry ”napahinto si MM sa ginagawa nya at agad nyang binalik ang pang itaas  na damit ni Yindee. “H-hindi ko kaya gawin s-sayo t-to. P-patawad”lumabas ng kwarto si MM na punong puno ng pagsisisi kaya hindi nya mapigilan ang  pagpatak ng mga luha nya. Hindi nya lubos maisip na nagawa nya ang bagay na yon. Pero isang bagay ang hindi nya maintindihan dahil habang hinahalikan nya si Yindee ay mukha ni Kizzane ang kanyang nakikita. Napahawak sya sa kanyang dibdib at pakiramdam nya ay may malaking kasalanan syang nagawa.

Habang tumatakbo sya ay paulit-ulit na bumabalik sa isip nya yong mga panahong nakilala nya si Kizzane. Mga panahong hindi pa bumabalik si Yindee at handang handa na nyang kalimutan ang kanyang nararamdaman. Mga panahong magkasama sila ni Kizzane na masaya na wala silang ibang iniisip kundi ang isa’t isa. Kung paano nila mapapasaya ang mga araw na magkasama sila at kung paano nya nakuha ang buong tiwala na binigay ng Mama ni Kizzane sa kanya at ngayon ay napagtanto nya  na kung sino talaga ang laman ng puso nya.

Pababa na ng hagdan si MM ng makasalubong nya si Kizzane. “M?”napaangat ng ulo si MM at nagtagpo ang mga mata nila. Hindi napigilan ni MM ang kanyang sarili at bigla nyang niyakap si Kizzane habang patuloy pa rin sa pagbaba at pagtaas ang kanyang mga balikat.

" Fan girl meets The Popular Lesbian"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon