Frances' POV
6pm. Tita Naomi's here. Sumakay nako sa kotse.
"Si Daddy po?."
"Well, he's still in the office marami pa raw syang dapat tapusin."
"Pero anong oras na po ah--"
"Hayaan mo na. Alam mo perfect kasi medyo matagal tagal narin akong di nakakakain sa labas. What do you want to eat? Japanese? Chinese? Korean? Mediterranean--"
"Uhm you're offering food po right?."
"Of course silly haha. Well, I also wonder what humans actually taste like--"
"Tita--"
"Haha I'm kidding, chill. So, ano nga?. Your choice."
"Kahit ano po."
"I wish may restaurant na may KAHIT ANO sa menu."
"Well, be careful what you wish for." Nastuck kami sa traffic. Hindi ko inaasahan na makita si Jaydee walking downtown with uhm some friend, a female friend. Hindi nila ako nakita, masaya kasi silang nag-uusap. Kumakain sila ng barbecue, naghihintay nalang siguro sila ng masasakyan.
"Sinong tinitingnan mo dyan?."
"W-wala po." Lihis ko ng tingin, finally umusad narin.
So, Tita decided na kumain kami sa isang restaurant na nagluluto ng Traditional Filipino dishes. We ordered bulalo, pancit palabok, sisig and konting lechon kasi sobra ko talagang namiss yun. Well madalas balat lang kinakain ko.
..
Jaydee's POV
Nawala nalang ang saya ko nang makitang nakapatay ang ilaw ng bahay namin. Masama ang kutob ko.
"Nando parang wala naman atang tao." Sabi ni Karla sakin.
"Hindi, ano baka natutulog lang. Lolo, andito napo ako, lolo--" Katok ko sa pinto.
"Jaydee, yung lolo mo--" Biglang lapit ng kapitbahay naming si Manang Ising.
"P-po? Anong nangyari?."
"Wala na siya. Inatake sya sa puso kaninang mga bandang alas dos ng hapon. Sinubukan naming dalhin sya sa hospital pero talagang hindi na kinaya, pasensya na--" Di ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko. Please naman universe sana panaginip lang lahat ng ito. Di pwede.
"S-si Lola po?."
"Sinundo siya rito kanina ng Tita Juana mo. Kanina ka pa nga nilang hinahanap eh. Sila na daw mag-aalalaga sa lola mo." Si Tita Juana ay pinsan ni Mama. Siya yung isa sa mga kamag-anak naming medyo nakakaluwag luwag. Pero yun nga lang, sugarol. May pinsan ako sa kanila dalawa, sina Beatrice at Mark. Siguro elementary na sila ngayon.
"Ho? Eh pano na si Jaydee?." Nag-aalalang tanong ni Karla.
"Pumunta din pala kanina dito yung baklang Tito Henry mo. Gusto ka nyang kunin, pumayag naman si Tita Juana mo ukol dun. Pero ikaw parin ang magdedesisyon kung sasama ka ah. Alam mo di ka na mahihirapan pa kung--" Tito Henry is gay, pinalayas na daw yan ni Lolo dati same with Madie's brother Kuya Mands. Ang kaibahan lang ay drag queen type si Tito Henry.
"Pero itong bahay--" Sabi ko.
"Isa to sa kasali sa gagawing demoliton next month, kaya siguro tamang pagkakataon narin para mangyari lahat ng to. Pasensya na talaga Jaydee." Sabi nito at bumalik na sa bahay niya.
"Dun ka muna sa bahay." Sabi ni Karla. Kaya dun muna ako.
Ilang balde na siguro ng luha ang naiyak ko sa gabing yun. Bakit ba nangyayari sakin to?. Anong klaseng sumpa to ha universe?!.
KINABUKASAN
Pumasok ako ng school na may namamagang mata. Si Madie yung nakakausap ko kapag may ganito akong problema pero oo nga pala, isa na rin sya sa problema. Tinitingnan nya lang ako pero di nya ko kinakausap, ngayon pa naman din ang panahon na kailangang kailangan ko siya.
Recess.
"Jaydee, pinapatawag ka sa Principal's office." Lapit ni Ate Abby sakin. So pumunta nako. Nakasalubong ko naman si Frances sa labas ng office. Pumasok nako.
"Maupo ka Jaydee." Sabi ni Mr. Pinlac.
"So, nakarating na sakin ang balita. Condolence."
"Salamat po." Nakayuko kong sabi.
"I also heard that your Tito Henry would take custody of you and honestly, I don't think that's a good idea kasi maliban sa kung sino sinong lalaki ang dinadala nya sa bahay niya may history din siya ng drug addiction at attempted murder. You know your dad and I used to be good friends in highschool, that's why I want to give you a favor."
"Ano pong ibig nyong sabihin?."
"I would like to adopt you."
"W-wait, what?."
..
Frances' POV
Pinatawag ako ni Daddy kasi may gusto lang daw sana syang itanong sakin and he asked me about my thoughts in terms of having a sibling so I assumed na baka buntis si Tita Naomi pero napag-usapan na namin yun ni Tita kagabi, ang sabi nya hindi naman daw sya buntis and there's no way she would kasi Dad's too busy sa work.
Nakikinig parin ako dito sa labas ng Principal's office at narinig ko lahat ng pinag-uusapan nila.
Wait, seryoso ba siya?. Aampunin nya si Jaydee?. I know Dad's a little crazy sometimes pero--wait, fine. Dad was just doing it because he's a good man and he had no idea that I already have feelings for Jaydee which could make everything more awkward between us. I mean come on, I just confessed to her and she rejected tapos ngayon malalaman kong my father is planning of adopting her?.
Pakiramdam ko tuluyan na talaga akong masisiraan ng bait.
Pero ang totoo, I feel really really sorry for Jaydee. Hindi madali yung mga pinagdaanan nya. Kaya kung wala na talaga syang ibang pwedeng puntahan then so be it. She'll be my sister soon sa ayaw at gusto ko.
YOU ARE READING
CUPID ON VACATION (FRANDEESAL)
Hayran KurguIn Roman mythology, Cupid is the son of Venus, the goddess of love. In Greek mythology, he was known as Eros and was the son of Aphrodite. According to Roman mythology, Cupid fell madly in love with Psyche despite his mother's jealousy over Psyche's...