Chapter 21

931 69 8
                                    

Jaydee's POV

9pm. Sa kwarto.

"Grabe, first day palang ng rehearsals nakakapagod na. Pano na kaya sa mga susunod pang mga araw?." Sabi ni Frances. Minamasahe ko ngayon ang paa nya.

Kanina sa rehearsals parang wala talaga ako sa sarili ko. Naiisip ko parin kasi si Madie.

"Hey, medyo down ka today. May problema ba?." Nag-aalalang sabi ni Frances.

"Wala." Yuko ko ng ulo ko.

"Are you sure?."

"Of course." Tingin ko sa kanya.

"Okay." Sabi nya lang at nagfocus na sa phone nya.

"How about this Jaydee?. Bagay ba sakin?." Pakita sakin ni Frances ng nakita nyang gown online.

"Y-yeah. It looks good on you hehe."

FLASHBACK

1 year ago. Di pako nagtatrabaho sa pabrika.

5pm.

Sa bleachers ng school oval. Maraming nagtetrain na athletes sa field.

"May problema ba?." Nag-aalalang tanong ni Madie.

"Wala." Nakayuko kong sagot.

"Are you sure?."

"Of course. Okay ako, ano ka ba?." Tingin ko sa kanya.

"I know you're not. Si Terrence yan no?. Tsk. Naku Jaydee, ako pa lolokohin mo eh basang basa na kita. Kaya tell me, what did he do this time?."

"Sinabi na sakin ni Iñaki ang totoo that Terrence's been cheating on me with Yssa." Malungkot kong sabi rito. Di ako gaya ng ibang babae dyan na kung makaiyak dahil sa lalaki wagas, pero di ibig sabihin nun di nako nasasaktan.

"Sinasabi ko na nga ba tsk. Naku, pag nakita ko talaga yung Terrence na yun babalatan ko sya ng buhay. Alam mo, simula palang talaga masama na kutob ko sa lalaking yun eh. Pero nakinig ka ba sakin? Hindi. Kasi pinairal mo na naman yang marupok mong puso." sermon ni Madie sakin.

"Pero ganyan naman talaga ang buhay. Alam mo ikain nalang natin yan ng ice cream. My treat." Ngiti nya. Kaya ayun, kumain nalang kami ng ice cream at parang effective nga.

EOFB

Jaydee, ano ba?. Si Frances yung andito. Bakit si Madie parin ang nasa isip mo?. Tsk.

KINABUKASAN

Pumasok na ako sa classroom at umupo na nang dumating si Madie at umupo naman sa tabi ko. Seatmates kasi kami. Awkward parin ang atmosphere between us.

"Morning." Medyo nag-aalangang bati nito sakin.

"Morning." Pangiti na sana ako nang biglang dumaan si Laney sa gitna namin.

"Excuse me." Sabi pa nito na para bang sinasadya nyang gawin yun.

..

Amy's POV

Tsk. Yun na dapat yun eh, nagkakamoment na ulit si Jaydee at Madie. Seatmate ko si Madie. Nakaupo naman sa likod nito si Laney pero sa first subject lang ang arrangement nato, sa iba kasi seatmates na kami.

I have to do something.

Antahimik ng classroom.

Habang nakafocus ang lahat sa sinusulat ni Miss Anne sa board na dapat naming sagutan sa Precal ay dali dali ko namang isinulat ang kunwari love letter para kay Jaydee na galing kunwari kay Madie.

CUPID ON VACATION (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now