Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 6

800K 19.6K 4.2K
                                    


AYAH

Bago pa mamatay si Cesar, may kutob na ako sa nangyayari.

"Ayah, bye na. Magdidilim na kasi. Baka pagalitan ako ni Papa."

Ramdam ko na natatakot si Rhianne sa mga nangyayari. Hindi ko siya masisisi. Kailangan niyang maging matapang lalo na't siya ang sisisihin 'pag marami na ang nawala.

Sayang kasi hindi na ako makakatulong. Alam kong ako na ang susunod. Ako ang number two. Ang pangalawa.

Naiwan ako mag-isa sa library. Binalikan ko ang librong binasa ko, ang librong nagbibigay sa akin ng impormasyon tungkol sa kaguluhan na ito. Napansin ko na may nakaipit na class picture sa libro.

Nagulat ako sa nakita ko. Siya ba 'yon? Hindi. Kamukha niya.

Wag mong sabihing...

Siya... siya ang dapat mamatay.

***

May hinala na ako kung sino ang dapat mamatay. Tumayo ako upang habulin si Rhianne at sabihin ang nalaman ko, ngunit namatay bigla ang lahat ng ilaw.

Kinabahan ako. Alam ko na ang mangyayari.

May narinig ako. Parang may kasama ako sa loob ng library. Ramdam kong hindi ako nag-iisa.

"Kahit kailan talaga, Ayah, pakialamera ka." Pamilyar sa akin ang boses na iyon. Kabisadong-kabisado ko ang boses niya.

"Nababaliw ka na ba? Bakit mo ginagawa 'to!" Galit na galit ako. Hindi ko aakalain na siya ang pasimuno nito.

"Akala ko ba alam mo na? Sa tingin mo ba 'yon lang 'yon? Sa tingin mo ba ganoon ako kababaw? Hindi ko alam na isa ka palang inutil, Ayah!" Ramdam ko na malapit na siya sa akin... ang pinakademonyo sa aming lahat.

"May atraso ka rin pala sa akin, Ayah. Dapat ako 'yong class president 'di ba? Pero dahil sa nandaya ka, ikaw pa rin ang nanalo." Naramdaman ko ang matulis na bagay na idinikit sa leeg ko. Nanlamig ang aking katawan.

"Hayop ka! Traydor!"

"Mas traydor ka! Paalam na. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo." Tuluyan na itong bumaon sa aking leeg.

Napasigaw ako sa sobrang sakit. Kitang-kita ko ang sumisirit na dugo mula sa aking leeg. Hindi pa siya natapos dito. Sunod-sunod niyang sinaksak ang aking dibdib. Kitang-kita ko ang kanyang mukha, para siyang demonyo.

Tuwang-tuwa siya sa kulay ng dugo.

Special Section (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon