ANDREI
"Sino ang mga assigned cleaners ngayon?" tanong ni Alexander sa amin. Siya na ang class president namin. Maayos naman siya magpatakbo. Hindi katulad ni Ayah na plastik.
"Ako," sagot ko.
"Ako din pala," nadinig kong sinabi ni Micah.
"Kami rin!" sabi nina Kristina at Ellen.
"Okay. Kayo na bahala sa mga kalat." Umalis na si Alexander. Umuwi na rin 'yong iba naming kaklase. Lima dapat kami ngayon kaso wala na si... Cesar.
"Andrei, pakikuha naman 'yong dust pan sa janitor sa baba. Hiniram niya kasi kanina," utos sa akin ni Micah.
Bumaba na ako at hinanap ang janitor. Sampung minuto na akong paikut-ikot pero hindi ko pa rin siya makita. Nandoon lang pala siya sa first floor, tulog.
Kinuha ko na ang dust pan namin at umakyat na. Bakit ba kailangan pa namin maglinis?! We're rich. Para saan pa 'yong binabayaran namin kung paglilinisin din pala kami? Sinuot ko na lang ang earphones ko at pinatugtog ang paborito kong kanta.
Pagbukas ko ng pinto ng classroom, nabitawan ko ang cellphone ko.
Hindi ko akalain na ito pala ang sasalubong sa akin.
***
RHIANNE
Tahimik na naman sa loob ng room namin. Nagulat ako dahil umaasa ako na maingay na naman sila. May nakita ako na nakasulat sa aming pisara.
Rest in peace
Micah, Kristina and Ellen
Nagulat ako. Bakit sunod-sunod? Three, four and five. Kinakabahan na naman ako.
Paano matatapos 'to? Kailangan ko nang mahanap ang anak ng transfer student 20 years ago. May kutob ako na alam niya ang lahat. Nakakakilabot nga lang isipin na... isa siya sa mga kaklase ko.
"Bakit ba 'to nangyayari?" Nagwala si Andrei. "Wala akong nagawa! Iniwan ko lang sila saglit to get the dust pan tapos pagbalik ko, patay na sila! Wala na! Wala nang buhay!"
Sinipa niya ang mga upuan. Nakita ko na pilit siyang niyayakap ng kakambal niyang si Lilia. Bumuhos na ang mga luha ng iba. Ang sakit nga naman kasing makitang sinisisi ng kaklase namin ang sarili niya dahil sa pagkamatay nila Micah. Mas lalo akong nakokonsensya... dapat hindi na kasi ako lumipat dito.
"Rhianne! Hoy, Rhianne! Hindi mo ba pansin? Simula noong lumipat ka dito, sunod-sunod na silang namatay! Ikaw ba ang may kagagawan nito? Ikaw 'yon!" Nagulat ako kasi pinagtututuro ako ni Andrei. "Payapa naman buhay namin dati! Leche ka!"
Ang sakit sa puso. Kahit alam kong hindi niya sinasadyang sabihin ang mga nasabi niya, masakit pa rin.
"Tumigil ka na nga, Andrei! Hindi 'to kasalanan ni Rhianne. Huwag mo siyang sisihin. Wala ka ring kasalanan sa pagkamatay nila," awat ni Alexander. Pinaupo niya na si Andrei.
"Malaman ko lang talaga na ikaw ang may pakana nito... papatayin kita," patuloy ni Andrei.
Hindi ako ang pumapatay pero nakaramdam ako ng matinding takot dahil kitang-kita ko sa mga mata ni Andrei na kayang-kaya niya itong gawin.
BINABASA MO ANG
Special Section (Published under Pop Fiction)
HorrorThe students of Special Section are dying, one by one. Some say it's a curse, but the transfer student believes that someone is killing her classmates. How can Rhianne stop the killing when anyone can be the killer? Will she be able to find the kill...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte