RHIANNE
Monday.
Tatlong linggo na ang nakakaraan noong nilayuan nila ako. Ako ang sinisisi nila sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga kaklase namin. Three weeks na rin nang unang lapitan ako ni Rose. Pero up to now, she's still a mystery to me.
Noong minsan nga, pumunta ako sa C.R. para mag-ayos ng buhok. Pagpasok ko, nakita ko siya na nginingitian ang sarili niya sa salamin at nagna-nod up and down. Parang may kinakausap siya o may kumakausap sa kanya. Kinilabutan ako no'n.
Pagpasok ko sa classroom, ganoon na naman ang mga tingin nila sa akin. Parang diring-diri sila sa akin. Mamamatay-tao ang tingin nila sa akin.
"Bakit ba ganyan ang turing niyo kay Rhianne?!" galit na sabi ng lalaking nasa likod ko.
"Alexander, okay lang. Tama na," mahina kong sabi.
"Okay lang?! Okay ka lang?! Mukha ka bang okay sa mga nangyayari?!" sabi ni Maxwell na kakapasok lang ng classroom.
"Oh my God, nandiyan na ang knights-in-shining-armor niya," mataray na sabi ni Megan.
"Bakit ba siya ang sinisisi niyo sa pagkamatay nila? Mukha siyang mamamatay tao? Hindi naman di ba?" sabi ni Alexander.
"Best friend niya si Ayah. Hindi niya kayang patayin ang best friend niya. Hindi niyo alam kung paano o gaano katagal siya umiyak noong namatay si Ayah. Mas malinaw pa nga na kayo ang pumatay kay Ayah! We all know how much you hate Ayah." sabi ni Maxwell.
Hinawakan niya ang kamay ko. Tumutulo na pala ang mga luha ko kaya mabilis naman na inabot sa akin ni Alexander ang kanyang panyo.
"Pero simula noong nag-transfer siya dito, nagsimula na ang gulo dito sa section natin!" sigaw ni Andrei.
"Paano ka nakasisiguro na siya nga ang pumatay? Malay mo coincidence lang na nag-transfer siya at may pumatay kila Ayah? Nakita mo ba si Rhianne na pinatay sila? Hindi di ba?" mahinahong sagot ni Alexander. Halatang pinipigilan niya ang galit niya.
***
LILIA
Natahimik kaming lahat sa classroom. Bakit nga ba si Rhianne ang sinisisi namin? Hindi naman kami sigurado na siya nga ang pumapatay pero sobra na ang trato namin sa kanya. Naniwala kasi kami kaagad kay Megan. Nakalimutan namin ang tunay na ugali ni Megan at kumampi kami agad sa kanya.
Tinignan ko si Megan. Halatang nag-iisip siya ng magandang rason para kamuhian namin si Rhianne. Kilalang-kilala ko si Megan. Kaya niya ginagawa 'to dahil naiinggit siya kay Rhianne. Nawala kasi sa kanya ang atensyon ng lahat nang dumating si Rhianne.
"Paano kung si Rhianne nga? Hahayaan na lang ba natin na mapatay tayo ni Rhianne?" Tumayo si Megan at nakahawak pa sa baywang niya.
"Paano kung hindi siya? Maaaring iba. Maaaring si Andrei, o kaya si Alexander, o kaya ako. Paano kung ikaw?" sabi ni Maxwell. Natigilan si Megan. Pansin kong may pagtingin pa rin siya kay Maxwell. Umupo bigla si Megan at nanahimik. Hindi niya pa rin kayang magalit o makipagtalo kay Maxwell.
"Lahat tayo ay maaaring mapagbintangan sa pagkamatay nila, hindi lang si Rhianne. Kaya dapat malaman na kung sino ang demonyong pumapatay," madiin na sabi ni Alexander.
Tahimik pa rin sa classroom. Umupo na sa upuan nila sila Maxwell. Wala pa rin kaming teacher. Iniiwasan nila ang magturo sa section namin. Dahil na rin siguro sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga estudyante.
Narinig kong bumukas ang pinto.
"Saan ka pupunta Rhianne?" tanong ni Maxwell. Si Rhianne pala ang nagbukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Special Section (Published under Pop Fiction)
HorrorThe students of Special Section are dying, one by one. Some say it's a curse, but the transfer student believes that someone is killing her classmates. How can Rhianne stop the killing when anyone can be the killer? Will she be able to find the kill...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte