Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 9

765K 22.3K 2.8K
                                    


RHIANNE

Hindi ako makatulog nang maayos dahil sa mga nangyayari sa school. Isang linggo na ang nakakalipas simula noong namatay sina Micah.

Nandito ako ngayon sa harap ng pintuan ng classroom. Hinga nang malalim at 'wag pansinin ang sasabihin nila.

"Nandito na si Rhianne..." anunsyo ni Lilia.

"Guys, abante nga tayo sa harap. Iwanan natin sa likod 'yong malas," singit ni Megan.

Ito na naman sila. Lalayuan ako at magpaparinig.

"Rhianne, dito ka na umupo! Tabi na tayo," tawag sa akin ni Ynna. Napansin kong sa likod siya nakaupo. Uupo na sana ako nang...

"Ynna, halika nga dito! Tabi tayo." Hinatak siya ni Megan. At dahil doon ay mag-isa akong nakaupo sa likod. Tahimik na lang akong tumingin sa harap. Alam kong pinagtitinginan nila ako at pinag-uusapan. Hala sila. Halatang inaasar nila ako para mapikon ako at umalis.

"Maaari bang umupo sa tabi mo?" tanong ni Maxwell. Tumango ako kaya umupo naman siya sa tabi ko.

"Tatabi rin ako." Umupo rin si Alexander sa tabi ko. Nagsimula na namang magbulungan ang mga kaklase ko.

"Ang landi," parinig ni Megan. Lumabas siya ng room kasama sina Ynna at Lilia. Nagbago na sila. Hindi na sila ang mababait na kaibigang nakilala ko.

"Rhianne." Nilingon ko ang babaeng tumawag ng pangalan ko. Si Rose. Nagulat ako kasi minsan lang siya makipag-usap.

"Pwede bang tumabi rin sa inyo?" Tinignan ko sina Maxwell at Alexander kung sang-ayon sila. Alam kong nagulat din sila dahil ngayon lang nakihalubilo si Rose.

Dark red at laging nakalugay ang kanyang buhok. Matangos ang ilong, maputla ang mukha at walang expression ang mga mata.

Ang mas ikinagulat pa namin ay ang nakakaloko niyang ngiti. Hindi dahil sa ngayon lang namin siya nakitang ngumiti, kundi dahil nakakakilabot ang mga ngiti niya.

***

Nilalayuan na nila ako. I deserve it. Kasalanan ko naman. Kahit hindi ko ginusto, ako pa rin ang may kasalanan. Kung hindi ako nag-transfer dito, buhay pa sana sina Cesar at Ayah. Buhay pa sana 'yong iba. Masaya pa sana sila.

"Rhianne... kanina ka pa tahimik." Nagulat ako sa sinabi ng katabi ko. Oo nga pala, si Rose.

Nginitian niya ako. Pansin kong lahat ng tao dito sa canteen ay tinitignan kami. Ewan ko kung sino ang tinitignan nila. Ako ba na nilalayuan na ng Special Section o si Rose na minsan lang makihalubilo sa iba?

"Kasama niya 'yan?" narinig kong sabi ng babae sa table na malapit sa amin. Ano ba ang meron kay Rose? Ang alam ko ay loner siya, laging nakaupo sa pinakadulo at hindi nakikipag-usap kahit kanino.

"Nagtataka ka ba kasi kinausap kita?" Napakahinhin ng boses niya, malamig sa tainga.

"Medyo," nahihiya kong sagot. Ayoko siyang ma-offend.

"I knew it. I've been alone... I mean I'm always alone. That's why I want to change. Kaya I tried na lumapit sayo," sabi niya.

Tahimik lang ako na nakinig sa kanya. "My parents died when I was seven years old. Wala na akong natitirang relatives kasi my grandparents passed away at parehong nag-iisang anak lang sina Dad at Mom. Wala silang kapatid kaya wala akong tito at tita. Wala na ring gustong kumupkop sakin."

Hindi ko akalain na ganoon pala ang buhay niya.

"Dinala nila ako sa orphanage. Isang taon akong nag-stay doon. Nung akala ko wala nang kukupkop sa akin, she came," sabi niya.

"Sino?"

"My adoptive mom. Siya ang nag-aalaga sa akin hanggang ngayon." Nginitian niya ako. Tinignan ko lang siya. I pity her. I never thought na malungkot pala ang buhay niya.

"I have an adoptive sister. She never loved or liked me. She never treated me like a sister." Nag-iba ang tono ng boses niya. Tonong galit pero may halong lungkot. Napansin kong naging cold ang expression niya.

"I sure wish na ako na lang ang anak ng adoptive mom ko," patuloy niya.

"Don't be like that," sabi ko sabay patong ng kamay ko sa balikat niya. I smiled at her.

"Gusto mo?" Inalok niya sa akin ang raisin bread niya.

"No, thanks," sabi ko. May napansin lang ako sa kanya. Puro band-aid 'yong kamay niya.

"Napano 'yan?" tanong ko sabay turo sa kamay niyang puro band-aid.

"Roses." Nginitian niya ako ulit.

"Anong ro—" Naputol 'yong sasabihin ko kasi nag-bell na. Uwian na pala?

"Rhianne, I have to go! Bye." I felt chills noong niyakap niya ako. Umalis na siya.

Kahit kinwento niya na sa akin ang tungkol sa family niya, parang may mystery pa rin akong dapat malaman sa kanya. She's so mysterious.

Rose. Roses.

Special Section (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon