RHIANNE
"35."
'Yon ang nakasulat sa papel na binigay sa akin ni Miss Gaiza mula sa pulang kahon.
35? Para saan kaya 'yon?
Kinabukasan, pagkapasok ko pa lang sa aming classroom ay numero na agad ang pinag-uusapan nila.
"Anong number mo?"
"Maganda 'yong nabunot ko, number 24."
"Baka lucky number natin 'to?"
"Ayah, anong number nabunot mo?" tanong ni Lilia. Si Lilia ang pinakamaalalahanin at motherly sa aming lahat. Magkaibang-magkaiba sila ng kambal niyang si Andrei. Ang pagkakatulad lang nila ay ang cute nilang mukha at ang mga mata nilang kulay green.
"Two."
"Oh, okay. Ako, 30."
Napansin ko na kanina pa nag-iisip nang malalim si Ayah. Kanina pa siya tulala at nananahimik sa tabi ko. Ilang beses na siyang sinubukan na kwentuhan ng best friend niyang si Cesar pero hindi niya ito pinapansin. Si Cesar ang isang peace officer namin at magkababata sila ni Ayah.
"Ano kaya ang ibig sabihin ng mga numero na 'to?" Ngayon lang sumingit sa usapan si Alexander. Minsan lang kasi siyang makipagusap. Kadalasan kasi ay naka-earphones lang siya habang nagbabasa sa upuan niya.
"Hindi rin namin alam. Baka nga lucky numbers natin 'to," natatawang sabi ni Luraine.
"Pupunta muna ako sa library. Gawin niyo na kung ano man ang gusto niyong gawin." Tumayo na si Ayah at lumabas. Nabo-bother na talaga ako sa mga kilos ni Ayah. Best friend ko siya kaya nag-aalala ako. Nagkatinginan na lang kami ni Ynna. Ano kaya ang problema ni Ayah?
***
"Rhianne, may sasabihin ako sayo." Kinalabit ako ni Alexander. Medyo kinabahan ako kasi ngayon lang niya ako kinausap na kaming dalawa lang. Pinasunod niya ako sa kanya. Napansin ko na papunta kami sa music room na matatagpuan sa dulo ng fifth floor. Mas kinabahan ako lalo dahil walang katao-tao rito.
"Alam mo na ba ang tunay na ugali ng Special Section?" Nagtaka ako sa sinabi niya. Ugali?
"Oo naman. Tatlong buwan na akong nag-aaral dito. Malamang kilala ko na kayo."
"Hindi mo ako naiintindihan. Ang dali lang itago ng sarili mong ugali sa harap ng iba." Palakad-lakad siya. Paikot-ikot. Bakas naman sa mukha ko ang pagtataka.
"Parang mga nakamaskara. Oo, mga nakamaskara sila. Kami. TAYO. Nakamaskara tayong lahat sa Special Section. Lahat tayo ay may tinatagong ugali, tinatagong sikreto, tinatagong baho. We are, of course, in Hillton University. Hindi ito nilalantad sa labas ng school pero I know that you know it, too. This is a school for troubled teens like us. Dito tayo tinapon ng mga magulang natin. Am I right, Rhianne?"
Tumigil siya sa harap ko. Lumapit siya sa tainga ko at bumulong.
"Ano kaya ang tunay mong ugali?" Ngumisi siya. Ramdam ko ang mainit niyang hininga dahil sobrang lapit niya sa akin. Mas lalo akong nakaramdam ng kilabot, ng takot. "Ano kaya ang tinatago ng isang Rhianne Mari Isabela Cortes?"
Nanlaki ang mga mata ko. Alam niya kaya ang... Hindi. Impossible. Ayokong malaman niya ang nakaraan ko. Ayokong kaawaan nila ako.
"Wala akong tinatago," nanginginig kong sabi. Ngumisi siya.
"Wala nga ba talaga?" Lumapit siya lalo sa akin. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa kanang pisngi ko. Parang... inaamoy niya ako.
"Wag kang magugulat sa unti-unting pagbabago ng mga ugali nila, dahil 'yon ang tunay nilang ugali." Lumayo na siya sa akin. Napansin ko na kanina pa pala ako hindi humihinga. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
Lumabas na siya at iniwan niya akong puno ng pagtataka. Nanginginig na rin pala ang aking mga tuhod.
Ano nga ba ang tunay na ugali ng Special Section?
***
Nagtungo na ako sa canteen upang bumili ng tubig pampalamig. Pagdating ko sa canteen ay may nadatnan akong nagkakagulo.
"Sa susunod, mag-ingat ka. Kilala mo ba ako? Taga-Special Section ako! Gusto mo bang ma-expel sa school na ito? Napakatanga mo. Nakakahiya ka!"
Nang marinig ko ang pangalan ng section namin ay nagmadali akong lumapit. Parang pamilyar sa akin ang boses na 'yon. Si Megan, ang isa naming peace office, ang sumisigaw. Basa ang kanyang uniform habang may babaeng nakaluhod sa harap niya.
"Sorry po, Miss Megan. Sorry po." Humagulgol ang babae habang nakayuko. "Hindi ko po sinasadya. Sorry po."
"Ano ba ang problema dito?" Dumating si Alexander at agad na tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang kakaiba 'yong tingin niya. Hudyat yata 'yon na dapat tutukan ko ang nangyayari.
"Paano ba naman kasi, maglalakad kami ni Ynna nang biglang may bumangga na babae sa akin. Ang tanga kasi, tumatakbo habang may dalang tubig! Pa-expel na natin 'to." Nakakapanibago ang ugali ni Megan. Mabait, maunawain at napakaresponsableng tao ang pagkakakilala ko sa kanya. Ngayon, ibang-iba siya.
"Si Ayah ang kausapin mo tungkol diyan. Vice President lang ako. Magpalit ka na lang muna ng uniform," sabi ni Alexander. Pagkatapos ay umalis na rin ito.
Pag-alis ni Megan ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na tulungan 'yong babae sa pagtayo. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang suot kong uniform, ang tanda na ako'y taga-Special Section.
"Wag mo po akong lapitan! Huwag mo po akong saktan! Bitiwan mo po ako!" Binawi niya ang braso niyang kanina ay hawak ko. Tumakbo siya palayo sa akin.
Bakit takot na rin siya sa akin?Ganito ba talaga ang ugali ni Megan?
BINABASA MO ANG
Special Section (Published under Pop Fiction)
HorrorThe students of Special Section are dying, one by one. Some say it's a curse, but the transfer student believes that someone is killing her classmates. How can Rhianne stop the killing when anyone can be the killer? Will she be able to find the kill...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte