RHIANNE
It's been three months simula noong lumipat ako sa Hillton University. Nakakatuwa dahil agad nila akong tinanggap at pinagkatiwalaan. Naging best friends ko na sina Ayah at Ynna. Masayahin na kaibigan ni Ayah samantalang malambing naman si Ynna. Bagay kay Ynna ang pagiging muse ng Special Section dahil ang unique ng ganda niya.
Maingay kami sa classroom ngayon dahil wala pa si Miss Gaiza. Sa tatlong buwan na tinagal ko rito, tinuturing ko nang second mother si Miss Gaiza. Nandiyan siya palagi sa tuwing kailangan namin ng payo o tulong. Ready palagi ang kanyang mga balikat kung sakaling naiiyak ang isa sa amin. Ready palagi ang kanyang tainga para makinig. In short, she is the best teacher ever.
Tumahimik kami nang may tumawag kay Ayah dahil kailangan daw 'yong class president. Pagkatapos ay nagdaldalan at nag-ingay na ulit ang lahat. Sanay na ako sa ganitong eksena sa classroom. Lahat naman siguro ng klase ay ganito, kapag walang teacher, syempre magkukwentuhan. Pero iba pa rin sa amin, dahil lumaki ang mga kaklase ko sa pamilyang mayaman kaya disiplinado sila.
Maya-maya'y dumating si Ayah at pansin kong namumugto ang kanyang mga mata.
"Lumipat na daw ng school si Maam Gaiza. Hindi man lang siya nagpaalam." Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ayah. Maraming nagbulungan. Marami din ang nalungkot.
Bakit siya lumipat? Kahapon lang, nakikipagbiruan pa siya sa amin. Oo, medyo bothered siya, pero... bakit aalis si Ma'am?
"Wala pa raw tayong substitute teacher. So, for now, mag-self-study daw muna tayo."
***
Tahimik kaming nakaupo sa loob ng aming silid. 'Yong iba nagbabasa ng libro, 'yong iba nakikinig lang sa kanta, at 'yong iba'y tahimik na nagkukwentuhan lang.
Biglang bumukas ang pinto. Nagulat kami nang pumasok si Miss Gaiza. Sinara niya ang pinto at mga bintana at dahan-dahan siyang naglakad papunta sa gitnang bahagi sa harap ng silid namin. Tinignan niya kami isa-isa.
Kinilabutan kami kasi kakaiba ang itsura ni Ma'am. Magulo ang kanyang buhok at nanlilisik ang mga mata niya habang isa-isa niya kaming tinititigan. May hawak siyang kahon na maliit.
"Gusto niyo bang maglaro?" Walang sumagot sa tanong ni Ma'am. Nagtinginan lang kaming lahat. Karamihan ay tumingin kay Ayah. Inaasahan siguro nila na si Ayah ang magsasalita since siya ang class president.
"Ito na rin ang magsisilbing pamamaalam ko sa inyo. Pasensya kung hindi ko sinabi na lilipat na ako, ha?" Binuksan niya ang pulang kahon na hawak niya.
"Bibigyan ko kayo lahat ng folded paper. Basahin niyo kapag nakauwi na kayo sa mga bahay niyo. Hulaan ninyo kung para saan ang nakasulat diyan. Kapag nahulaan ninyo, alam niyo na ang susunod niyong gagawin." Nginitian niya kami at isa-isa niya na kaming binigyan ng papel.
Pagkatapos niyang ipamigay ang papel, pinaalala niya na sa bahay na namin ito basahin. Umalis siya pagkatapos 'non.
Bago siya lumabas ay muli niya kaming tinignan isa-isa.
Ano kaya ang nakasulat sa mga papel?
BINABASA MO ANG
Special Section (Published under Pop Fiction)
HorrorThe students of Special Section are dying, one by one. Some say it's a curse, but the transfer student believes that someone is killing her classmates. How can Rhianne stop the killing when anyone can be the killer? Will she be able to find the kill...
Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte