Brother
"Damn you!" I pushed him with all my might.
He chuckled and let me go. Agad siyang umatras at kinalas ang mga kamay sa barandilya. Nanatili akong nakahilig doon sa pagaakalang gagatungan niya pa ako pero namula ang pisngi ko nang hindi na siya muling lumapit.
Sa hiya ko ay agad akong umalis sa balkonahe. Natatawa siyang sumunod sa akin pababa ng hagdan habang ako'y umaaktong nagpupuyos.
"Come on, Grace. I was just playing. I thought you'd play around, too..." pahabol niya.
Ngumuso ako nang hindi mapigilang mapangiti. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kanya. Ni hindi ko alam kung bakit ako nangingiti. Maybe because of the thrill? I know my way around men but not him. Madali ko silang napapatiklop pero si Julius, hindi. Maybe this is just the thrill that I finally found my equal.
"Where are you going? I thought you were gonna stay the whole day?"
"Uuwi na ako. I'll just stay in the library with my cousin," sagot ko.
Nagulat ang mga tauhan nang nakitang lumabas na ako. Nagsitanguhan sila sa akin kaya bahagya rin akong tumango. Nahagip ng paningin ko ang dalawa ko pang bodyguard na inatasan na huwag magpapakita sa akin at babantayan ako nang patago. Maging ang driver ay nagulat dahil inakala niyang magtatagal ako gaya ng madalas.
"Senyorita..." bati ng mga tauhan.
Agad tumakbo si Manong patungo sa sasakyan. Nagtaka ako nang hindi na naman niya ako pinagbuksan. But then Julius immediately caught up on me and opened the door for me. I glared at him while clenching my jaw so the smile won't creep in.
"Ma'am," he nodded and smirked.
Umirap ako at hindi na napigilan ang pagngiti kaya agad na akong pumasok. Nahuli ko rin siyang nagpigil ng ngiti kaya agad sinarado ang pinto at tumalikod.
He convoyed using his motorbike. May isa pang SUV na nakasunod sa aming Limo para sa dalawa ko pang bodyguard.
I spent the whole day reading books with Conor in the library. Nang matapos kami ay pumunta naman sa music room at tumugtog siya ng piano, ako naman sa cello habang magiliw na nanunuod si Lola. Naisip kong maglaro na lang ng archery sa mga araw na nasa Tarlac sila.
The next day, Papa went to the metro for some errands. Si Lola naman ay nasa hacienda. My parents and my grandmother will stay in Tarlac for a few months, then another set of months in Manila. Malapit nang mag-summer at si Conor ay kolehiyo pa ngunit nagbabakasyon sa mansion. I feel relieved knowing that I can somehow be free for the next months. Kahit alam kong walang ibang gagawin si Mama kundi kulitin ako sa pagtatrabaho sa kompanya.
"What are your plans now that you're a fresh graduate? It's been weeks since you arrived from the UK but I haven't heard from you about your work in the companies."
Tuwid ang upo ko sa mahabang dining table sa engradeng dining area ng mansion. The chandelier was lit up and two housemaids stood by the side waiting for errands. Mama was stoic as she elegantly cuts her food using the knife and fork. Taas-kilay at tuwid din ang upo.
"Uh, can I take a break, Mama? I just graduated and I think it would be nice if I can rest for a month or two-"
"A month or two?! Are you kidding me?" natigilan si Mama.
My heart thumped as I looked at the knife. Her red nails looked perfectly done. Napatuwid ako ng upo. Nilingon ni Mama ang dalawang kasambahay na agad napayuko.
"Leave us, please..."
I gasped. Alam ko na agad ang susunod kapag pinapaalis niya ang mga kasambahay.
BINABASA MO ANG
Dulling Glisters of the Diamond (Casa Fuego Series #5)
RomanceAs the only female Villacorta in her generation, the ever so glamarous Grecianna Alexandra Villacorta lived a queenly and luxurious life. But just like how diamonds form under pressure, Grecianna lived a life dictated by her mother's pressing expect...