Chapter 11: His Ex

351 8 0
                                    


Pagkalabas na pagkalabas ko ng opisina ni Flaze nakita kong naglalakad ang isang babae na para bang modelo, makikita mo sa kaniyang postura ang karangyaan. Dirediretso itong papasok sana sa loob ng opisina ni Flaze kaya naman hinarang ko siya.

"Ma'am, do you have an appointment po?" I said with formality. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa tsaka umiling na para bang nang iinsulto.

"Say to your boss that Alyza is here." pekeng ngiting sabi niya sakin sabay turo sa pinto para papasukin ako. Grabe ang hangin naman dito.

Kumatok muna ako ng tatlong beses tsaka binuksan ang pinto at nakita ko ang magkapatid na nag uusap na seryoso.

"Sir may naghahanap po sainyo Alyza daw po." simpleng sabi ko. Biglang nagbago ang anyo nito. At hindi ko gusto ang nararamdaman ko dahil biglang lumiwanag ang mukha niya at dirediretsong lumabas sa opisina na tila galak na galak. Nakita kong napailing si Ma'am Blaine dahil sa reaksiyon ng kapatid.

"Pagpasensiyahan mo na si Kuya Kairros, miss na niya siguro iyang ex niyang maldita. Haynaku, di ko alam kong ano bang meron doon sa babaeng iyon bakit hindi siya magawang kalimutan ni kuya eh niloko na nga siya." sabi nito na para bang asar na asar may kasama pang pagkadismaya. Tiningnan niya ko sabay ngiti ng matamis." Alam mo nakikita ko sa mata mata mo na may nararamdaman ka kay kuya. Alam ko iyong mga ganiyan tingin eh but don't worry I want you for my brother naman. By the way, can we be friends?" matamis na sabi nito habang may nangungusap na matang nakatingin sa kin.

Nabato ako dahil sa pagiging prangka niya." Ah. Mali po kayo ng iniisip wala po akong gusto sa Kapatid niyo ma'am. "tarantang sabi ko. Hindi ko din kasi alam kung ano ba talaga nararamdaman ko, kasi kapag malapit si Flaze ay natataranta talaga ako ewan ko kung bakit.

" You're obvious Laciah don't deny it. Tayo lang nakakaalam hahaha. "nakatawang sabi niya. Ganun ba ako kaobvious ni hindi ko nga alam kung may gusto ba talaga ako sa kapatid niya eh.

" Can we be friends? "ulit na tanong niya.

" Ah yes ma'am "alanganing sabi ko kaya namannagulat ako ng yakapain niya ko." Call me Blaine please. "pakiusap nito saakin.

" Okay, Blaine. "nakangitibg sabi ko.

Biglang nagring ang cellphone nito kaya naman lumayo muna siya para sgautin ito.

" Give me a sec. I'll just answer this. "paalam nito tsaka ako iniwan. Pagbalik nito ay para siyang natataranta kaya naman nilapitan ko na.

" Ahmmm. Maiwan muna kita dito huh may problema kasi sa Resto kailangan ako doon. See you soon bye Laciah" nagmamadaling sabi nito kaya tinanguan ko na lang at tsaka ito lumabas.

Lumabas na din ako ng opisina upang ipagpatuloy ang mga kailangan kong gawin ngunit bigla akong napatigil. Ano kaya ang ginagawa ni Flaze ngayon? Saan siya pumunta? Nalulungkot ako sa mga iniisip ko. Mahal niya pa talaga ata iyong ex niya. Ngayon ko lang nalaman na may ex pala siya akala ko kasi wala pa siyang pinasok na serious relationship.Lugmok ako buong araw dahil tinawagan ako ni Flaze para sabihing icancel ko lahat ng meetings niya at may importante siyang gagawi n if I know kasama niya ngayon iyong ex niya.

Womanizer series #1: The Pain Is Killing MeWhere stories live. Discover now