After that talk nagpaalam na ko kay Inay na uuwi na ko dahil may lalakarin pa kong mga papeles. Pagkauwi ko di na napigilan ng luha kong tumulo. Grabe, ansakit sa dibdib parang pinipiga. Hanggang kailan ko kaya mararamdaman to? Pagod na ko, ayoko ng magpanggap na okay lang lagi. Na ayos lang sakin. Pero ano nga bang magagawa ko? Sakaniya na mismo nanggaling na walang makakapantay at makakapalit sa babaeng MAHAL niya. Kaya pipilitin ko nalang maging maayos at masaya para sakaniya, sakanila.
After how many weeks, I decided to visit Nanay again in Consuevas Mansion. I'm now brave to face him. Even though nagtratrabaho ako sakaniya hindi ko naman siya nakakasalamuha dahil nagleave daw siya at nagstay nalang sa bahay at di ko alam ano ang dahilan niya. Maybe to have more time with the love of his life. Oh, I sound so bitter again.
I rode a tricycle para makapunta sa mansiyon ng mga Consueva. Di naman maipagkakailang kilala sila dahil kahit di mo sabihin ang eksaktong lokasyon ng mansiyon ay alam na ng mga tao agad. Isa ang Consueva sa pinakakilalang angkan sa bansa, sila ang nagsusuply ng iba't- ibang materyales pambahay, may pag-aari din silang Malls at Resort kaya tiyak na kilala na sila sa buong bansa o should I say, sa ibang bansa pa dahil sa kanilang business.
"Manong, dito na lang po sa tabi. Maraming salamat ho. Ito po ang bayad ko." magalang sa saad ko kay manong driver na may kaedaran na rin.
" Ay naku ineng sobra sobra itong bayad mo. Wala ka bang barya jan? Bente pesos lang ang pamasahe mula rito." tila nag-aalangang sabi ni manong driver kaya naman napangiti ako.
"Hindi na po manong, sainyo na po iyang sukli at dagdag kita niyo na rin po ngayong araw. Maraming salamat po ulit." nakangiting sambit ko. Nakita ko namang sinuklian ni manong ang ngiting yun ng isang tunay na ngiti.
"Naku, salamat ineng at malaking tulong na ito dahil unti palang ang kita ko ngayon unti nalang kasi ang sumasakay ng tricycle dito at puro na mamahaling kotse." natatawang sabi ni manong. Kaya natawa rin ako. Tama nga naman puro kasi mayayaman mga tao dito napakalalaki ng bahay.
"Walang anuman po manong. Una na po ako ah. Ingat po!" paalam ko sabay kaway sakaniya. Tinanguan niya naman ako sabay paandar ng tricycle paalis sa lugar. Napabuntong hininga ako. Akala ko matapang na kong harapin siya pero ba't ngayon parang nababahag ako. Jusko po.
Napatingin ako sa malaking gate ng mansiyon at napabuntong hininga nalang. Nakita ko si manong guard sa may gilid ng gate kaya nginitian ko siya at nilapitan.
" Hello po manong. Bibisitahin ko lang po ulit si inay. " Nakangit sambit ko sakaniya.
"Ay neng lumabas ang inay mo kasama si ma'am dahil mag grogrocery daw sila saglit at may dadaanang kaibigan." sagot nito sakin.
"Ah ganun po ba? Hintayin ko nalang po siya sa loob manong. Salamat po!" Binuksan niya naman ang gate para makapasok na ko.
" Sige at doon ka na maghintay baka matagalan pa kasi sila at halos kakaalis lang." alanganing sabi niya. Kaya ngumiti nalang ako sabay pasok sa loob.
Pagkapasok ko sa loob ay nilibot ko ang aking paningin. Napakaganda talaga ng interior ng mansiyon nila. Mamahaling chandelier at paintings. Dumako ang tingin ko sa isang painting sa ikalawang palapag na makikita dito mula sa baba ngunit ganun nalang ang gulat ko ng masalubong ko ang malamig na tingin ni Sir Flaze. I cleared my throat and avoided his gaze. Yumuko na lamang ako dahil di ko kayang salubungin ang malalamig niyang mga mata.
Nagtaas ako ng tingin upang tingnan ko sakin pa rin nakatutok ang mga mata niya ngunit ganun nalang ang pagkakadismaya ko ng sa likod ko na siya nakatingin kaya sinundan ko ang titingnan niya at para akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Sino bang hindi masasaktan diba? Andito lang naman nakatayo sa harap ko ang pinakamamahal na babae ni Flaze at kung titingnan mo ang lalaki ngayon. Ang kaninang malalamig na mata ay nabuhayan at kumikinang na.
"Hey, babe! missed me?" matamis na turan ng babae sa lalaking punong-puno ng pagmamahal ang pagtingin sa babaeng kausap. Tumakbo ang babae papunta kay Flaze sabay angkla ng braso sa leeg nito. Ganun nalang ang paglaki ng mata ko at pagkawasak ng puso ko sa nasaksihan.
Gigil na naghahalikan ang dalawa sa harapan ko na para bang sila lang dalawa ang narito kung hindi ko pa nabitawan ang hawak kong bag ay hindi pa sila titigil. Nagkanda ugaga naman akong pulutin ang laman ng bag ko. Pagkatapos ko mapulot lahat ay tatalikod na sana ako pero napansin ko ang lihim na pagngiti ng babae,she smirked o namamalikmaata lang ako kaya pinagsawalang bahala ko nalang ito. Aalis na sana ako ng biglang may naapakan ako na siyang nagpadulas sakin, inaasahan ko na ang paglagapak ko sa sahig ngunit hindi iyon dumating sa halip ay isang matigas na bagay ang nagtamaan ng ulo ko. Pamilyar na amoy ang lumukob sa ilong ko kaya naman napasinghap ako at alis sa pagkakayakap nito sakin at dali daling tumakbo palabas ng mansiyon.
I guess, next time ko nalang bibisitahin si nanay. Itetext ko nalang siya. Maybe this is my hint and sign that I will never be the woman he love or will going to love and I will be forever lost.
YOU ARE READING
Womanizer series #1: The Pain Is Killing Me
RomanceA womanizer who fell inlove on his Nanny's daughter. Everybody known him by his playboy personality but everytime he lay his eyes on the beautiful daughter of their mayordoma his heart beats fast and it takes his breath away..... Not until he saw hi...