Pagkadating na pagkadating namin sa isang restaurant nilapitan agad siya ng isang server na parang palagi na siya dito dahil pagpasok palang tinuro na ang isang table na kakaserve ang mga pagkain. Wow naman automatic. Regular customer na siguro siya.
"Palagi ka dito?" manghang tanong ko dahil puno na ng pagkain ang mesa at nakita ko palang ang mga pagkain ay natatakaman at nakapaglalaway.
"Not really, actually my sister own this restaurant. Sinabihan ko lang siya na Ireserved yung table para satin tsaka alam na non ang mga pagkaing gusto ko. So, let's go." sabi nito sabay hawak sa kamay ko at binitawan niya bago iurong ang upuang para sakin. Ang gentleman naman daw.
" Nakakahiya naman na nag abala pa iyong kapatid mo alam ba niyang empleyado mo lang ang kasama mo? "alanganing tanong ko kasi naman nakakahiya baka akalain nung kapatid niyang dating kami grabe oo inaamin ko minsan ko na ring inimagine pero hindi pwede hindi kami bagaynoh alam niyo kasi diba boss ko siya empleyado niya ako, isa pa mayaman siya mahirap ako maraming mas babagay sakaniya hindi iyong tulad kong wala napapatunayan sa buhay.
" Yeah, alam niya. Wag kang mag-alala mabait iyon. Masungit lang kapag hindi ka type." pananakot pa niya sabay buntot ng tawa na parang nang aasar.
"Bahala ka na nga jan." simpleng sabi ko at hindi na pinatulan ang pang aasar niya. Sinimulan ko na lang kumain kahit nahihiya ako walang mapapala ang hiya ko gutom na ko eh, bakit ba.
"Asar talo ka talaga. Sige na nga kain na tayo." pahalakhak na sabi niya tingnan mo to may pahabol pa talaga.
Habang kumakain kami hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya nakakaagaw kasi ng atensyon yung pagnguya niya, iyong pagtaas - baba nung adams apple niya parang nang aakit.
" Earth to Laciah. Are seriously oggling at me? I'm flattered. Sobrang gwapo ko talaga. Don't worry maganda ka rin naman." sabi nito nagpasamid sakin dali dali kong ininom iyong nakuha kong wine glass. Malas nga naman oh wine pala iyon kung ano na lang kasi nakuha ko sabay lagok eh.
" Hey, hear drink this " sabay abot niya sakin ng tubig shet na malagkit buti nalang hindi ko naibuga kanina yung wine sa bunganga ko doble dobleng kahihiyan ang aabutin ko kung sakali. Dali dali kong ininom yung tubig na bigay niya. "Relax, take it slow baka masamid ka ulit." dagdag pa nito.
"Ikaw kasi kung ano ano lumalabas jan sa bibig mo." sumbat ko sakaniya pagkatapos ubusin iyong tubig. Inirapan ko nalang siya.
Matapos naming kumain lumabas na kami ng restaurant ng kapatid niya akala ko maabutan pa namin siya kaso busy daw sa paperworks at pagbabasa ng bagong contract nito sa agency niya sa modelling industry buti naman kasi hindi pa ko handa noh tsaka ganito iyong itsura ko baka mapagkamalan pa kong pulubi kung itutulad sa mga nakakasalamuha nila.
Bago pa man kami makapasok sa sasakyan niya nahagip na ng aming paningin ang kaibigan nitong si Brecken na may kausap na magandang babae sa palagay ko nag aaway sila kasi dinig na dinig pa dito ang sigawan nilang dalawa sa loob ng parking lot.
"Hanggang kailan ka ba ganiyan, hanggang kailan ko ba titiisin ang pambabae mo ha hindi ko alam kung ano plano mo satin dahil hindi na kita maintindihan.. Ang hirap hirap mong intindihin. Ang hirap mong mahalin. Hindi ko na alam." sigaw nung babae kay Brecken.
" Sino bang nagsabing mahalin mo ko? Hindi ba ikaw itong ibinigay ang sarili sakin kaya wag mong isumbat sakin yan dahil una palang alam mo ng laro lang ang lahat. At di ko masusuklian yang pagmamahal mo. "pigil hingang ganti din ni Brecken.
" Tara na, wag na tayong makialam problema nila yan. "yaya sakin ni Flaze sabay alalay sakin papasok sa front seat ng sasakyan niya. Nagpaubaya nalang ako sakaniya. Nang makarating kami sa bahay ay niyaya ko na siyang pumasok sa loob para makapagpahinga saglit galing sa pagmamaneho.
" Ano pong gusto niyong inumin sir tubig, kape, juice..." di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol na niya.
"A water will do. Thanks" ngiting sabi niya. Aba, pinutol ba naman yung sasabihin ko kainis.
"okay. Wait kukuha lang ako sa kusina." dadali akong pumunta sa kusina matapos mailapag ang bag ko sa maliit na sofa sa masikip namin living room feeling ko nga hindi siya kakasya doon masyado kasi siyang matangkad.
Matapos niyang inumin ay nagkwentuhan kami saglit tungkol sa araw namin kahit siya lang naman ang nagsasalita meron daw siyang meeting na pinuntahan matapos makausap iyong babaeng sumugod kanina. Ewan ko nagtutunog defensive siya habang nagkwekwento eh hindi ko naman tinatanong iyong nangyari.Umalis na rin siya dahil may kailangan pa siyang asikasuhing branch nila sa Antipolo.
Natapos ang araw ko ng hindi ko alam pero nalulungkot ako. Sanay naman akong mag-isa sa bahaypero bakit ngayon may hinahanap ako. Matawagan na nga lang si Lianna siya lang ang pwede kong maka usap ngayon dahil alam kong di na siya busy ngayon.
[Hello, Ciang ano ang kailangan mo at napatawag ka aber? "] sagot nito sa pangalawang ring. Kahit kailan talaga bunganga nitong babaeng ito napaka.
" Wala naman nabobored lang ako ewan ko ba. "walang ganag sagot ko.
[Jusko. Magjowa ka na kasi para hindi ka na mabored may maglalambing na saiyo. HAHAHAHHAHAHA."] sabi nito na may pabuntot pang malademonyong tawa. Baliw na talaga ang isang ito.
"Akala mo naman may jowa ka din. Makapagsabi ito pero totoo yanang pwede ka bang pumunta dito wala akong magawa eh." nagmamaakaawang sbai ko sabay puppy eyes kahit di niya nakikita
[Aba anong oras na sa tingin mo? hoy babae alas 8 na ng gabi juskoo ka.] parang nahihirapang sabi niya.
" please. " dagdag ko sabay kunwari singhot. Haha bibigay na yan.
[Sige, hintayin mo ko sa labas ng gate niyo. Gaga ka hmp!] buntong hiningang sabi nito sabay patay ng tawag.
See, di ako matitiis niyang babaeng yan. Ilang minuto lang ay nasa labas na siya ng gate kababa ng tricycle.
Inirapan niya lang ako at pumasok na tingnan mo ito di ako pinansin. Tinawanan ko nalang ang pagmamaldita niya. Sanay na ko noh.
"Grabe, ano bang gagawin natin dito huh? nakapantulog na ko babae ka nakakhiya kaymanong driver nakapikachu na pajamas pa ko liche." madramang sabi nito at kunwaring nagpupunas ng luha grabe kanina lang nagsusungit tapos ngayon may pa drama hay ewan ko nalang dito sa babaeng ito.
" Kwentuhan, tapos kakain ganun? " alanganing tanong ko.
" Ano!? Iyon lang ang pinunta ko dito akala ko pa naman may ichichismis ka na sakin. Bakla kaaaaa!" tumili pa ang loka akala mo talaga kinaganda niya eh haha syempre joke lnag maganda itong bestfriend kong ito sarap ngang itinda sa arabo eh ng magkaper naman.
" Ahh. Ehh. " utal na sbai ko ayaw ko naman ikwento iyong tungkol kay Flaze baka kung ano pa ang isipin ng isang ito.
"Ahhh Ehhh Ano? Hoy babae ano ba iyong sasabihin mo may nanliligaw na ba sayo? Sabihin mo lang ng mainterview ko na at masampolan." may malademonyong saad nito.
"Wala huh." maiksing sabi ko pero bakit nagmumukhang defensive ako kasi lumabas nanaman iyong kakakibang ngiti niya eh may binabalak nanaman ito.
"Okay sabi mo eh." may nanunuyang ngiti sa labi nito na pilit tinatago napairap nalang ako dahil bigla siyang tumawa.
YOU ARE READING
Womanizer series #1: The Pain Is Killing Me
RomanceA womanizer who fell inlove on his Nanny's daughter. Everybody known him by his playboy personality but everytime he lay his eyes on the beautiful daughter of their mayordoma his heart beats fast and it takes his breath away..... Not until he saw hi...