Amethyst
Wala kaming imikan ni Azra simula pa kanina, hanggang sa makabalik kami sa Snowacre.
Dahil sa nangyari, parang wala na akong mukhang maihaharap sa lalaki. S'ya naman sa kabilang banda, hindi rin gumagawa ng daan para buksan ang usapan tungkol sa nangayari.
O sadyang wala lang talaga s'yang pake do'n?
After what he did? Parang hindi man lang s'ya apektado.
The heck! Kanina lang halos hubaran n'ya na 'ko.
On second thought, ang OA ko ata sa part na huhubaran.
"Nandito na rin kayo sa wakas!" Masiglang salubong sa amin ni Rand, kasunod si Arnen. Sa hitsura ng dalawa, mukhang katatapos pa lang nilang magensayo.
Napansin kong silang dalawa lang ang nasa labas ng tinutuluyan naming bahay.
"Nasa'n sina Linaly at Koga?"Bago pa man makasagot si Rand, isang pamilyar na magic circle na nababalot sa liwanag ang lumitaw.
Isang 'yong Leap command.
"Yo! Hanap n'yo ko?" Sinalubong kami ng nakangising si Koga nang mawala ang magic circle.
"Sa'n ka galing?" Tanong ko.
"Tinignan ko ang kondisyon ng limang checkpoints dito sa 3rd Realm. And guess what? Nakatayo pa ang lahat ng Resurection Temples."
Sabay-sabay na nagliwanang ang mga mukha namin dahil sa magandang balita. Ibig sabihin 'di na namin kailangang sumuong sa mga panganib at laban habang nakasunod sa'min si kamatayan.
Yet we can't kick off the fact that we're still vulnerable till we reach the nearest checkpoint which is the Winterflame City.
"Nakabalik na pala kayo, Amethyst, Azra."
Napatingin kami sa babaeng may makinang na gintong buhok na naglalakad palapit sa amin. Nakasuot s'ya ng makapal na balabal bilang panlaban sa lamig. Katulad ng nakasanayan, maaliwalas pa rin ang mukha nito at hindi nawawala ang ngiti sa mga labi."Lady Linaly, mukhang natagalan ka ata sa paglilibot sa bayan." Linapitan s'ya ni Arnen at marahang binalutan ulit ng sariling balabal.
Awww.
Ang sweet naman ng lalaking 'to. Ang kaso pati mukha ni Linaly tinakpan n'ya.
Napasimangot ang Cleric kaya natawa na lang kami sa kanilang dalawa. Ang cute nila.
"Ang OA mo Arnen," puna ni Linaly.
Sabay-sabay na napa-awang ang mga bibig namin dahil sa sinabi ng babae.
Tinignan n'ya kami ng may pagtataka pero hindi pa rin nawawala ang ngiti nito sa labi. "Bakit? Kay Amethyst ko natutunan ang ganong pananalita. Ang cool diba?"
Kung kanina natigagal kami, ngayon naman naglaglagan na ang mga panga namin.
Tinawanan n'ya lang kami. "Kung nakikita n'yo lang ang mga mukha n'yo, nakakatawa. Mabuti pa pumasok na tayo sa loob at do'n na lang natin pagusapan ang mga dapat gawin. Ipagluluto ko kayo ng mainit na sopas."
Sabay-sabay kaming nagdiwang dahil sa narinig. Ang kumain ng napakasarap na sopas na luto ni Linaly sa gitna ng nakakangatal na klima ang isa sa pinakamagandang bagay na pwedeng maisip ng kahit na sino.
Nauna nang naglakad ang apat papasok sa tinutuluyan namin. Sa pagbaling ko sa direksyon ng bahay, hindi sinasadyang nagkasalubong ulit kami ng tingin ni Azra.
Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas bago kami sabay na nagbawi ng tingin at itinuon ang atensyon sa kung saan basta 'wag lang sa isa't isa.
Nang tinignan ko ang mga kasamahan namin, sinalubong kami ng mga titig nilang puno ng malisya.
BINABASA MO ANG
Eizengard Online: OVERRIDE (Book 1)
FantasyA game which can break through the line between the real world and cyberspace, the successful Virtual Reality MMORPG - Eizengard Online (EGO) - continues to dominate the world of gaming for years. Following the release of EGO five years ago, its fo...