Dungeons ang pinaka-delikadong lugar sa Eizengard kung saan naninirahan ang daan-daang normal at elite-rank demons. Pero hindi lang sila ang panganib ng lugar.
Bawat dungeon ay pinamumunuan ng isang boss-rank demon.
Ang Dungeon Boss.
Ilang beses na mas malakas kumpara sa iba. Nagtataglay din ito ng special skill na wala sa mga ordinaryong demons.
Ang mapa ng Eizengard ay binubuo ng pitong realms. Sa bawat realm ay may halos di mabilang na dungeon.
Para makatawid ang isang player papunta sa susunod na realm, kailangan n'yang i-clear ang ultimate dungeon ng kasalukuyang realm at talunin ang Final Boss para bumukas ang leap gate na nasa Boss Chamber, ang pinaka-mapanganib na silid sa isang dungeon.
***
Azra
Inobserbahan ko ang loob ng kweba habang nakaalerto sa biglaang pagatake ng mga demons. Gano'n din si Amethyst. Kalmado kaming naglalakad papunta sa pinakadulong bahagi ng dungeon pero halos sabay-sabay na gumagana ang limang senses namin.
"Kinakabahan ako sa lugar na 'to." Halos pabulong na saad ni Amethyst.
"Unang beses mo bang pumasok sa isang dungeon?"
Tumango s'ya.
"Normal lang ang kabahan. Alalahanin mo na nasa isang delikadong lugar tayo. Nagkalat sa paligid ang hindi mabilang na halimaw." Dahil malayo na kami sa tarangkahan, wala nang liwanag mula sa labas ang pumapasok sa kasalukuyan naming kinaroroonan. This is another challenge. We can't use any source of light inside a dungeon. We can't afford to attract hordes of demons.
"This is the right place to level up. Sa dami ba naman ng pagkain dito."Kahit sa madilim na lugar, naaninag ko pa rin ang pagtaas ng kilay n'ya. "Kadiri ka."
Ngumisi ako nang nakakaloko dahil sa reaksyon n'ya.
"Pero sa tingin ko, sa lahat ng pwedeng kainin dito, ikaw ang pinakamasarap.""Ang bastos mong bwisit ka!"
Asik n'ya na halos sumabog ang mukha sa sobrang inis. Hindi ko napigilang tumawa. Ang sarap n'ya talagang inisin. Her reaction is priceless. She's amusing."Bwisit!" Tumikhim s'ya at pilit iniba ang usapan. "S'ya nga pala, ano na'ng plano natin? Wala ka naman sigurong planong maglakad na lang dito nang mapayapa."
"Sigurado akong wala din silang intensyong bigyan tayo ng kapayapaan," saad ko na ang tinutukoy ay ang tumatakbong grupo ng carnage wolves mula sa kabilang direksyon, papunta sa amin.
"Sabi ko nga." Itinaas na ni Amethyst ang kalasag at espada, at naghanda sa napipintong sagupaan.
"Makinig ka, ito ang plano sa ngayon." Itinutok ko rin ang dulo ng tungkod ko sa anim na carnage wolves na pawang mga level 14. "Slay demons as many as we can. Kailangan nating umabot sa level 20 o higit pa bago tayo pumunta sa boss chamber. By that time, you should already have your fourth skill, Adamant Vanguard. Kakailanganin natin 'yon mamaya sa boss fight."
"Now that's a plan," saad ni Amethyst kasabay ng paghampas n'ya sa lupa. "Ground Break!"
Nasira ang lupa sa harap namin na nagmistulang mga matutulis na kutsilyo. The earth shards were about to impale the wolves. Pero bigla silang nagbalak tumalon para iwasan ang mga 'yon.
Kakaiba 'yon. Sa bilis ng pagatake ni Amethyst, malabo silang makapagreact nang ganun kabilis. Maaring isa 'yon sa in-update. Mas pinatalas ang reaction time ng mga demons.
Bago pa sila makaiwas sa atake ni Amethyst, pinakawalan ko ang pinakauna kong skill.
"Debuff: Plague"
BINABASA MO ANG
Eizengard Online: OVERRIDE (Book 1)
FantasyA game which can break through the line between the real world and cyberspace, the successful Virtual Reality MMORPG - Eizengard Online (EGO) - continues to dominate the world of gaming for years. Following the release of EGO five years ago, its fo...