Chapter 28: Fragment of Truth

169 19 40
                                    

Warning!

Ang chapter na ito ay naglalaman ng mga 'di kanais-nais na eksena para sa mga inosente at nagpapaka-inosente. Oo, rated SPG 18+ ang chapter na 'to. Read at your own risk. Binalaan kita ah.

Enjoy!

#######

Amethyst

Isang patak ng malamig na bagay sa pisngi ko ang nakapagpabalik ng malay ko. Unang sumalubong sa pandinig ko ang munting huni ng mga ibon sa paligid atq ang mahinang pagihip ng hangin na sinundan naman ng lagaslas ng mga dahon.

Unti-unti kong binuksan ang mga talukap ng mata ko. Muling pumatak sa pisngi ko ang yuruunaipong hamog sa dulo ng dahong nasa itaas.

Dahan-dahan akong bumangon. Ngayon ko lang din napansin ang kumot na nakatakip sa akin.

Iginala ko ang paningin ko. Napapalibutan ako ng luntiang kapaligiran. Nagtataasang puno, pinong damo, at ang samyo ng mga namumukadkad pa lang na mga bulaklak sa paligid.

Malinaw ang bughaw na kulay ng kalangitan. Halata na rin ang papasikat na araw. Lumulusot sa pagitan ng mga dahon ng punong kahoy ang sinag nito kaya't kumakalat sa lupa ang hiwa-hiwalay na tuldok ng mga liwanag.

Nasa'n ako?

"Amethyst? Gising ka na!" Isang boses ng babae ang nakaagaw ng atensyon ko. Ipinilig ko ang ulo ko sa kanan ko kung saan, isang babaeng may makintab na dilaw na buhok ang nakaupo sa isang bato habang nakatingin sa akin. Maaliwalas ang maganda at bilugan n'yang mukha, na binagayan pa ng matamis n'yang ngiti.

"Linaly."

Lumapit s'ya sa akin at tinulungan ako sa pagtayo. "Mabuti naman at nagising ka na."

"Gaano na ba ako katagal na natutulog?"

"Isang buong araw na," sagot n'ya.

"Insan!"
Napatingin ako sa taong tumawag sa akin. Si Koga 'yon. Kasama n'ya si Rand na dala-dala ang isang basket ng mga prutas na ngayon ko lang nakita. Nagmamadali silang tumakbo palapit sa amin.

Kaso lumampas si Koga at dumiretso kay Linaly. Ang hinayupak na 'to!

Akmang yayakapin na nito ang babae nang lumitaw mula sa kung saan si Arnen at mabilis na hinarangan si Koga. Grabe, mas mabilis pa s'ya sa alas kwatro pagdating kay Linaly.

"Lumayo ka sa kanya, Ninja!"

"Ang KJ mo naman Arden!"

"Wag kang magkakamaling hawakan si Lady Linaly, kung hindi latay ang aabutin mo sa'kin!" Hinablot nito ang itim na malong ng Ninja. "At Arnen ang pangalan ko, mang-mang!

Nagkatingin kami ng babae at natatawang napailing na lang.

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

Tumabi naman sa amin si Rand at iniabot ang basket ng mga prutas. "Nandito tayo ngayon sa isa sa mga lumulutang na isla, hindi kalayuan mula sa Wailing Fortress."

Tinanguan ko ang binatilyo. Pasimple kong sinuyod ang paligid. Bukod sa aming tatlo, at sa dalawang lalaking nagbabangayan pa din, wala na akong nakitang ibang tao sa paligid.

"Nasa'n si Azra?" Takang tanong ko nang hindi ko s'ya makita.

"Umalis s'ya kani-kanina lang. Magpapahanging lang daw s'ya saglit," sagot ni Linaly sa tanong ko.

"Ah, okay."

Magpapahangin? Parang hindi naman 'ata. S'ya 'yong tipo ng taong laging nagmamadali, hindi marunong magsayang ng oras. Tapos aalis s'ya para magpahangin? Hindi naman kaya masama ang loob n'ya dahil sa nangyari kahapon?

Eizengard Online: OVERRIDE (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon