Chapter 42: Behind Enemy Line

104 11 5
                                    

Azra

Sa nakalipas na dalawang araw, walang tigil ang ginawa naming pakikipagpalitan ng atake sa bawat kalabang humaharang sa daan namin.

Wala kaming tigil sa paglustay ng mga items, mana, at lakas.

We were trying to minimize the fights as much as possible, but the path were plagued with endless danger. Tumatakbo kami, pero hindi kami nakakatakas. And the only way to survive is to strike back.

We continue to advance, yet we don't have any idea where to head. Nawawalan na ng morale ang mga kasama ko, at patuloy na nauubos sa bawat sandaling dumaraan.

"Bumalik na lang kaya tayo." Halata sa batang enchanter ang panghihina. Kumpara sa aming anim, si Rand ang may pinakamataas na adaptability sa ganitong uri ng klima. Mataas din ang mana reserve n'ya pero maging s'ya halos 'di na rin makalaban ng maayos.

"Malayo na ang narating natin, ngayon pa ba tayo babalik?" Matagal na ring nabura sa mukha ni Koga ang ngiting dati halos di nawawala sa kanya.

"Pero gaano tayo nakakasigurong may mapapala tayo kapag pinagpatuloy pa natin 'to?" Sumabat na rin si Arnen sa usapan. Nasa tabi n'ya si Linaly na yakap ang kasuotang panlamig at nananatiling walang imik habang nakatingin sa apoy na nasa gitna.

"Kung babalik tayo, mas lalong wala tayong mapapala," depensa ulit ng Ninja.

"Atleast hindi tayo mamamatay kapag ginawa natin 'yon."

Biglang hinablot ni Koga ang kuwelyo ng suot ni Rand at hinila patayo.

"Bakit kanina mo pa 'ko binabara?! May problema ka ba sa'kin?"

Marahas na tinampal ni Rand ang kamay ni Koga para alisin ang pagkakahawak ng huli sa kanya, at sinalubong ang matalim na tingin nito. "Sinasabi ko lang ang totoo. Kung gusto mong magpakamatay, 'wag mo na kaming isama."

"Kung gusto mong bumalik, bumalik ka duwag!"

Sa pagkakataong 'yon namagitan na si Amethyst. "Tumigil nga kayong dalawa! Ano ba kayo? Imbis na ireserba n'yo ang mga lakas n'yo, sasayangin n'yo pa sa pagaaway."

She tried to lower her voice in effort not to wake the boy sleeping on her lap.

Muling umupo ang dalawa at nanahimik pero halata pa rin ang init sa pagitan nila.

Tahimik akong humugot ng hininga bago ibinalik ang atensyon sa pagbabantay sa paligid. Hindi ko sila masisisi kung ba't nagkakaganyan sila. Sa sitwasyon namin ngayon, sino ba naman ang matutuwa.

Iginalaw-galaw ko ang mga daliri para maramdaman 'yon. Napapansin ko kasing unti-unti nang namamanhid ang mga 'yon dahil sa lamig. The night has fallen, the weather is getting colder for every second that passes.

Na kay Amethyst pa rin ang cloak ko, mas kailangan n'ya 'yon dahil nasa batang kasama n'ya ang panlamig n'ya.

Pati ang mga paa ko ay unti-unti na ring nawawalan ng balanse dahil sa pagkamanhid. Pero kahit gano'n, hindi pa rin nakaligtas sa malakas kong pandama ang marahang pag-uga ng inaapakan ko. Maaaring dinadaya lang ako ng imahinasyon ko, pero alam kong hindi.

Hindi ko na kailangang mag-isip pa para mapagtantong may paparating.

At hindi maganda ang kutob ko.

"Patayin n'yo ang apoy!"
Mabilis namang nakuha ni Amethyst ang sinabi ko at tinabunan ng nyebe ang siga namin.

"Ano'ng nangyayari?" Nagtataka man, agad na inalerto ni Koga ang sarili. Gano'n din ang iba pa naming kasama.

Itinaas ko ang kamay para patahimikin sila. Ilang sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid na tanging pagihip lang ng malamig na hangin ang maririnig.

Eizengard Online: OVERRIDE (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon