Warning!
Long Chapter. Kumain muna kayo bago magbasa, baka malipasan kayo. Enjoy!
###
Azra
"Kung gano'n ikaw pala 'yon."
Pinasadahan ko ng tingin ang nilalang na nasa ilalim ng mga paa ko. S'ya ang babaeng Shapeshiter na binago ang anyo para maging isang higanteng ibong gawa sa hangin.
"Ang alin?" Sinuyod ang kalupaan sa ibaba, walang bahagi ang nakakaligtas sa panginin ko. We're currently traversing the arial teritory on the western part of 2nd Realm.
"Ikaw pala ang Necromancer ng OVERRIDE," saad ng Shapeshifter.
"Kilala mo 'ko?"
"Personally, no. Pero marami akong naririnig tungkol sa'yo. Hindi lang sa'yo kundi pati na rin sa buong OVERRIDE. Sino ba ang hindi? Gumawa kayo ng ingay noon dito sa buong 2nd Realm. Tumalo kayo ng isang buong Guild. At hindi lang 'yon. Tinalo n'yo rin ang dalawang hukbo ng Judicator ng Ironvale at Crystaldust. Sa kasaysayan, wala pang nakakagawa no'n maliban sa inyo."
"Wag kang maniwala basta-basta sa mga naririnig mo. Palsipikado ang ibang impormasyon."
Narinig ko ang bahagyang pagtawa ng babaeng may anyong ibon. "Buong 2nd Realm gano'n ang tingin sa inyo. Kahit exaggerated ang bali-balita, atleast enjoy the veneration."
"Kung kilala man kami sa buong 2nd Realm dahil sa mga ginawa namin, hindi namin 'yon ipinagmamalaki. Ilang beses na kaming nalagay sa alanganin dahil sa mga maling akala, at hindi 'yon nakakatuwa," saad ko.
Hindi na s'ya umimik kaya't nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan namin. Pagkatapos ay muli s'yang nagsalita. "Sa'yo ba ang espadang 'yon?"
Alam kong ang espadang gamit ni Douhamell ang tinutukoy n'ya. "Ako ang nagpagawa no'n."
"Kaya pala atat na ata kang mahanap s'ya. Ang pinagtataka ko lang, isa kang Necromancer pero nagpagawa ka ng isang espada. Ano ba'ng silbi sa'yo no'n?"
"Wala akong nakikitang dahilan kung ba't dapat mong malaman."
Binuksan ko ang Dashboard at tumingin sa Mini-map. Isang berdeng bilog ang makikitang nakapwesto sa mapa, 'di kalayuan sa kasalukuyan naming posisyon. Isang safe zone."Malapit na tayo sa Crestwood Village," saad ko.
"Talaga? Ibig sabihin makakarating na ako sa susunod na safe zone? Okay ah, ang bilis!"
"Wag ka munang matuwa. 'Di ko pa nakikita ang hinahanap ko."
"Oo nga pala. 'Wag kang magalala, tutupad ako sa kasunduan. Atleast alam ko na kung nasaan ang susunod na safe zone."
BANG!
Naalerto kami nang dumagundong sa buong rehiyon ang isang malakas na pagsabog.
"Ano 'yon?" Gulat na tanong ng kasama ko.
"An explosion. Mukhang nanggaling 'yon sa safe zone."
"Ano?! Ang safe zone ko!"
"It seems like Vulacan's on Crestwood. Move quick."
Agad namang tumalima ang kasama ko at mabilis na ipinagaspas ang pakpak. Mas lalong lumakas ang hampas ng hangin sa akin kaya't minabuti kong lumuhod sa likod ng Shapeshifter para mapanatili ang balanse.
Kahit sa malayo, mahahalata na ang maitim na usok na nanggagaling sa safe zone. Sunud-sunod din ang malalakas na pagsabog habang papalapit kami.
Mas naging malinaw sa amin ang nangyayari sa bayan ng tuluyan kaming makalapit. Sira-sira ang ilan sa mga gusali, ang iba naman ay nasusunog na. Nagkakagulo ang mga NPC, pati na rin ang mga Players na nasa bayan sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
Eizengard Online: OVERRIDE (Book 1)
FantasyA game which can break through the line between the real world and cyberspace, the successful Virtual Reality MMORPG - Eizengard Online (EGO) - continues to dominate the world of gaming for years. Following the release of EGO five years ago, its fo...