Amethyst
"Bilisan mo!"
Muli na namang nagpintig ang ugat sa sentido ko nang marinig ang nang-uuyam na boses ni Koga.
Ipinatong ko ang isa sa kapiraso ng nagkabasag-basag na leap gate sa isa pang bahagi nito na mistulang bumubuo ng jigsaw puzzle at nilingon ang lalaki.
Inip na inip ito habang nakakrus ang mga bisig at nakatuon ang tingin kay Rand na hapong-hapo na sa kakabuhat ng malalaking bahagi ng gate.
"Pwede bang magpahinga?" Reklamo ng Enchanter matapos mailagay sa tamang pwesto ang dala-dalang piraso ng lagusan. Napasalampak s'ya sa sahig at napabuga ng hangin.
"Tumayo ka d'yan! 'Di ka pwedeng magpahinga. 'Yan ang parusa mo sa pagsira sa leap gate."
"Sandali nga, ba't ako ang sinisisi mo d'yan?"
"Malamang ikaw ang gumamit ng spell para sirain ang kisame ng fortress."
"Atleast nawala 'yong silence."
"At muntik pang makatakas ang Drake dahil sa ginawa mo."
"Wag ka ngang magsalita d'yan na parang 'di ka naman natuwa sa ginawa ko kanina."
"Matutuwa na sana ako kung 'di ka lang sablay."
Mas lalong nag-init ang dugo ko dahil sa patuloy na sagutan ng dalawa. Napapabuntong-hininga na lang ako dahil sa pagiging isip-bata ni Aries. Pati ba naman sa bata nakikipag-diskusyon.
"Tumigil na nga kayo. Kanina pa ko rinding-rindi sa inyong dalawa." Pinilit kong pigilan ang tono ng boses ko. "At ikaw naman Koga, ano kaya kung tulungan mo kami dito sa pag-aayos ng leap gate?"
Nagkibit-balikat lang ang lalaki at umiwas ng tingin. Ang walang hiyang 'to!
"Bakit n'yo ba kasi tinutulungan ang uhuging Enchanter na 'yan? S'ya naman dapat ang umayos ng lagusan, nang mag-isa."
Bahagya kong pinagpag ang mga palad at inilagay ang mga 'yon sa bewang kong hapit ng bakal na armor.
"So 'di ka talaga tutulong?" Tinaasan ko s'ya ng kilay pero mukhang 'di n'ya naman 'yon pansin dahil nanatili s'yang nakatingin sa ibang direksyon.
"Hindi."
'Yon lang naman ang hinihintay kong sagot n'ya. Kanina ko pa talaga s'ya gustong upakan.
"Koga!" Gigil kong tawag sa kanya sabay hablot sa balabal na nakapulupot sa leeg n'ya.
Sa isang kisap-mata, lumipad ang lalaki mula sa dati n'yang kinatatayuan papunta sa kabilang dako ng silid.
"Waaah!""Miss Amethyst! Iniligtas mo 'ko mula sa kamay ng halimaw na si Koga!" Halos magningning naman ang mata ni Rand dahil sa ginawa ko.
Bumaling ako sa kanya at binigyan s'ya ng isang thumbs up at kindat.
"Ako ang bahala sa halimaw na Koga'ng 'yon," gatong ko pa sa sinabi n'ya."Ang sama n'yo!" Dinig naming reklamo ng ninja mula sa kabilang dako ng silid.
Napatingin ako sa harapan kung saan nakapuwesto ang binubuo naming leap gate. Hindi kami sigurado kung gagana pa 'yon matapos masira. Ito ang unang pagkakataon na may nasirang leap gate. Dati kasi, imposibleng masira ang isang leap gate. Ayon sa sinabi sa'kin ni Azra, ang mga Immortal Objects kagaya ng Leap Gate, Protective Walls, o maging mga NPC Merchants ay invulnerable. Hindi nasisira o namamatay. But that was back then when everything was "normal".
At tungkol naman sa leap gate, kung nasira ito, na dapat ay hindi naman, malamang maibabalik din ito sa dati. Basta kumpleto ang mga bahagi. That's also the same logic on it's activation. Fixing the gate. That's the rule. Well everything here is govern by rules.
BINABASA MO ANG
Eizengard Online: OVERRIDE (Book 1)
FantasíaA game which can break through the line between the real world and cyberspace, the successful Virtual Reality MMORPG - Eizengard Online (EGO) - continues to dominate the world of gaming for years. Following the release of EGO five years ago, its fo...