Kabanata 3

3.3K 119 5
                                    

Kabanata 3

Invading

Mahigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ko habang hinihila ako papunta sa kotse namin. Ang kaba sa puso ko ay hindi na magkamayaw dahil sa kanya. Alam kong nag-aalburuto na naman ang lalaking ito kaya ngayon ay hinihila ako papunta sa kung saan niya gusto. Wala akong magawa, hawak niya ako sa leeg kaya nagpahila nalang ako at hinayaan siya.
Madilim ang mukha niya ng binuksan ang pinto, pinapasok ako at malakas na sinarado ang pinto kaya napaatras ako. Hinaplos ko ang dibdib sa kabang naramdaman. Hindi nagtagal at pumasok naman siya, gaya nung una ay madilim pa rin ang itsura niya. Kinagat ko ang ibabang labi, takot na takot sa kanya. Ni-lock niya ang pinto ng kotse at bumaling na sa akin. Umiigting ang panga, namumutok ang labi sa galit.

Dulot ng kaba at takot, mabilis kong sinapo ang mukha niya at walang takot na sinakop ang labi niya. Ramdam ko ang pagkatigil niya sa ginawa ko kaya pinagpatuloy ko iyon hanggang sa tumugon na siya sa halik ko. Alam kong ito ang magpapalamig sa galit niya kaya ginawa ko ito para hindi na siya magalit ng tuluyan sa akin. Niyakap niya ang baywang ko at walang hirap na kinarga papunta sa kandungan niya. Napasinghap ako sa ginawa niya, hindi akalain na gagawin niya ito.

Ramdam na ramdam ko ang bukol sa gitna ng kandungan niya. Napahinga ako ng malalim at hinayaan iyon para makapag-focus sa labi naming naghahalikan. Lumalim pa iyon hanggang sa bumitiw siya sa halik at bumaba ang labi sa leeg ko. Pinigilan kong mapaungol dahil sa kiliti ng dila niyang nagbibigay init sa katawan ko ngayon. Mahigpit niyang yakap ang baywang ko kaya hindi ako makakilos. Huminto siya at tumingin sa akin, ang dilim sa mata niya ay napalitan ng pamumungay.

“Ang galing mong tanggalin ang galit ko ah! Tsk!” aniya sa nakangising labi.

Namula ang pisnge ko, nahiya pa dahil first time kong gawin iyon sa kanya. Siya naman kasi ang umuuna sa akin kapag naghahalikan kami. Siya ang first move kaya ngayon natutuwa siya dahil ginawa ko ito. Napahinga ako ng malalim, hindi makayang matitigan ang mata niya. Oh God, Calvino is a very good looking guy! Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya, alam ko iyon dahil mismong mga classmates ko ay may gusto sa kanya.

Hindi naman kasi mapapantayan ng ibang lalaki ang angking kagwapuhan niya e. Sa daming lalaki na nakakasalamuha ko at nakikilala, hindi ko mahanap ang katangian ni Calvino sa kanila. Oo, bagama’t binu-bully niya ako noong bata pa kami, bigla naman iyong nawala nung tumuntong kami sa junior high. Ang bilis magbago ang pakikitungo niya sa akin. Madalang nalang din sila ni papa mag-away, at nangyayari lang iyon kapag sobrang mahigpit na siya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit walang nagagawa si papa kapag galit na siya, siguro’y kailangan niyang magpababa dahil anak niya iyon, tunay na anak.
Dumating rin sa puntong hindi nalang sumasagot si papa sa kanya, siya na talaga ang hari sa bahay. Lahat ng gusto niya ay nasusunod, dagdagan pang mayaman ang pamilya nila at kayang-kaya bilhin ang lahat ng gusto namin. Sa ngayon, nawala na yung pagiging bully niya pero napalitan naman iyon ng sobrang pagiging higpit sa akin. And very jealous type of man! Sa sobrang higpit at seloso niya, hindi na ako halos tumingin sa mga lalaki kapag magkasama kami. Very spoiled and tactless!

“Why are you there?” he asked.

I bit my lower lip, trying to make myself comfortable even I’m not.

“G-gusto ko lang kasi na maglibot muna sa buong campus habang hinihintay ang huling klase namin. Yung building ng mga taga industrial arts ang hindi ko pa napupuntahan kaya sinubukan ko.” mahina ang boses.

He rolled his eyes, indication that he didn’t like what I did.

“Hindi mo naman kailangan na makita pa iyon e! Puro mga lalaki ang nandoon kaya hindi ka pwede sa building na iyon! Sa susunod, bago ka gumawa ng mga bagay na labag sa batas ko, alamin mo naman ng maayos ang magiging consequences no’n sa akin. I am your rules, Jachel. You are born for me, understood!” he said warningly.

Costiño Series 8: Tagu taguan (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon