Kabanata 14

3.5K 124 11
                                    

Kabanata 14

Malagpasan

Tahimik ang tanawin, malamig ang simoy ng hangin. Ito ang hinahanap ng katawan ko, ang payapang lugar kung saan walang problema, walang iniisip na lalaki at walang sakit sa pusong nadarama. This is what I want, to have a peace in life. Though, may pagkakataon na naghahanap ako sa kanya pero mas malakas pa rin ang desisyong manatili dito at mamuhay na lang ng tahimik. Kaya ngayon, walang akong pagsisising nararamdaman para sa pinili kong landas.

Isang buwan na ang nakalipas simula ng umalis ako sa buhay ng pamilya ko. Isang buwan na ang lumipas at sobra akong masaya dito. Tahimik, mababait ang mga tao at walang problema na iniisip. Gumaan ang kalooban ko, pumayapa ang lahat sa akin. Simple life makes me happy genuinely. Kaya kahit ilang ulit kong napapanood sa telebisyon ang paghahanap sa akin nila mama at papa, hindi pa rin ako umuwi at manatili na lang dito na siguro ay habang buhay.

Sa Isang buwan na lumipas, masasabi kong sobrang saya ko. I feel fresh, new life and new ambiance to feel. Medyo pasaway din ang anak ko, maraming hinahanap na sobra akong nahihirapan na ibigay. Tulad ng paglilihi, sobra akong pihikan sa mga bagay. Lalo na sa pagkain, dapat ay magugustuhan ng kalamnan ko. Kaya nahirapan din naman ako sa pagbubuntis ngayon. I have to be careful because my baby is very sensitive. Sa umaga, nananakit ang baywang ko dahil sa pagdadalang-tao. Nung una ko itong naramdaman, nagpakonsulta na agad ako sa doctor at ang sabi ay normal lang daw iyon dahil sa pagbubuntis ko.

Kaya ngayon, tinitiis ko siya kahit pa masakit minsan. After one month, a lot of things happen to me. Nung bumaba ako mula sa bus pag-alis ko sa lugar na iyon, dito ako dinala ng mga paa ko. Sa lugar ng Daram. It is an isolated island, far away to the city. Usually, mangingisda ang pangunahing trabaho ng mga tao dito. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa, basta nung bumaba ako ng bus, sumakay na lang ako sa pump boat na hindi alam kung saan patungo. Mabuti na lang at mabait ang driver kaya dito ako sa lugar ng Daram binaba. At first, I was stranger to the people here. Nagtataka sila kung sino ako at bakit ako nandito pero kalauna'y unti-unti nila akong tinanggap.

Nagpagawa ako ng simpleng bahay sa may harap ng malawak na dagat. Hindi naman ako malayo sa kabahayan dito, pero may distansya ng kaunti sa mga bahay nila. Kinuha ko lahat ng pera na naipon sa bank account at iyon ang ginamit ko sa pamumuhay dito. Mabuti nga't nakuha ko agad yung para dahil pagkatapos ibigay ng bank teller sa akin yung pera ko, biglang nag-cut yung account ko. Ibig sabihin, pinutol ni Calvino ang bank account ko para siguro hindi ko makuha ang pera. Umalis ako at bumili ng maraming grocery para sa stock ko. Nagbayad din ako sa gumawa ng bahay ko at syempre, bumili ng mga gamit para naman may pang-aliw ako dito.

Sa ngayon, may kaunti pa akong pera na naiwan. At iyon ang ginagamit ko para sa pang araw-araw dito. Tinutulungan din ako ng mga tao dito, tulad ng kapitan ng lugar na ito. He's very supportive in his constituents. At nagulat ako na sobrang bata pa niya niya para hawakan ang lugar na ito. He's young, maybe at twenty eight. May itsura at mahal na mahal ng mga tao dito. Tinutulungan niya ako sa mga bagay na nahihirapan kong gawin. Nung nalaman niyang buntis ako, gumawa siya ng paraan para mabilis akong makapasok sa clinic at makapagkonsulta. Mabait talaga siya at sobrang matulungin kaya hindi na ako magtataka kung bakit sobra siyang mahal ng mga tao.

Marami din akong naging kaibigan dito, tulad ni Chacha at Bambam. Si magkambal sila at mababait na dalaga. Kasalukuyan silang nag-aaral ng kolehiyo ngayon kaya tinutulungan ko din sila sa mga subjects na nahihirapan sila. Sa sobrang bait nila, halos dito na sila tumira sa bahay ko. Well, wala namang problema sa akin iyon dahil mabuti nga't dito sila tumira sa akin, at least may kasama na ako. Pero hindi pa rin sila pinapayagan ng magulang nila. Pero nandito sila tuwing gabi pagkatapos ng klase. Maganda dito, tahimik at mabait lahat ng mga tao. Kaya hindi ako nagsisisi na dito pumunta at mamuhay ng tahimik.

Costiño Series 8: Tagu taguan (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon