Kabanata 2

3.9K 118 4
                                    

Kabanata 2

Darkly

Tahimik ako hanggang sa makarating kami sa school. Halos hindi ko maibuka ang bibig dahil ramdam ko pa rin ang labi niya sa akin. Mabuti nalang at hindi nakita ni Cavios ang ginawa ni Calvino sa akin sa kotse. Takot na takot pa rin ako sa mga kinikilos niya e! Minsan kasi kahit saan ginagawa niya iyon, lalo na kapag sa school. Siraulo kasi talaga si Calvino at hindi ko pa makontrol dahil ang gusto niya lang sundin ay ang gusto niya.

Napahinga ako ng malalim, tahimik na katabi si Salvacion. Tinignan ko siya, sobrang busy sa pagmi-make up at paglalagay ng pulang lipstick sa labi niya. Pinigilan ko pang ngumisi dahil nakataas ang kilay niya habang ginagawa iyon. Katulad ni Calvino, ganito rin ang ugali ng babaeng ito. Magpinsan nga naman talaga! Nasa lahi na siguro nila ang pagiging mapag-angkin. Ganito rin kasi itong si Salve e, palaging nasa bar at maraming lalaki. Well, sa ganda rin naman kasi niya kaya pinaghahabol ng mga lalaki dito sa school namin.

“Hays bitch, kung ako sayo maglagay ka rin ng lipstick dyan sa labi mong namumuti! Para kang manang sa itsura mo ngayon, Chel! Mag-ayos ka naman jusko!” she said while rolling her eyes.

Napahinga ako ng malalim, mabilis na pumasok sa isip ko ang banta ni Calvino. Oh God, bawal akong mag-ayos gaya ng sa kanya. Siguradong papagalitan niya ako, lalo pa’t natatakot ako sa kanya kapag ganoon siya. Gusto niyang ganito lang ako, yung simple at walang arte sa mukha. Kaya palagi niyang sinasabi sa akin na umiwas ako kay Salvacion dahil bad influence daw ito. Ayokong nagagalit sa akin si Calvino, kasi kapag galit siya nag-aaway sila ni papa. Palagi kasi akong pinagtatanggol ni papa kaya sa huli, silang dalawa ang nag-aaway.

“Bawal ako dyan e.” mahina kong sabi.

Umirap na naman siya, nakanguso dahil hindi pa niya tapos lagyan ng lipstick ang labi niya. Mabuti pa siya, walang may kumo-kontrol sa buhay niya. Tapos nagagawa niya pa ang mga gusto niya. Kumusta naman ako? Wala akong kalayaan sa buhay ko dahil nakikitira lang ako sa pamilya ni Calvino. Ni hindi ko nga alam kung sino ang mga magulang ko e! Kaya kailangan kong sumunod sa mga gusto nila, lalo na kay Calvino dahil siya ang hari ng pamilya nila.

“Sus, jusko masyado kang pabirhen e! Be wild and free, bitch! Minsan lang ang buhay, malay mo bukas hindi ka na magising diba? Kaya dapat sulitin mo.” payo niya sa akin.

Tumango ako at napabuntong-hininga nalang.

“I can’t be like that, Salve.” I said.

“Hays, masyado kang hawak sa leeg ng Calvino iyon! Bahala ka na nga sa buhay mo!” inis niyang sabi.

Tumalikod siya sa akin at pinagpatuloy ang paglalagay ng pampaganda. Huminga ako ng malalim at napailing sa sarili. Buti pa siya kayang gawin ang mga gusto niya. Bukod sa pagiging anak ng Costiño, isa rin siyang promising artist ng bansang ito. Maganda ang boses, magaling umarte tapos sumayaw kaya nasa kanya na halos lahat. Kung totoo lang siguro akong anak ni papa at mama, baka magawa ko rin ang nagagawa niya. I envy her so much! Her freedom, her career, and everything about her.

Ako kaya? Kailan kaya ako magiging katulad sa kanya? Kailan kaya ako magiging malaya? Simula pa kasi noon, hindi ko na maramdaman ang kalayaan sa buhay ko e. Pakiramdam ko wala na akong buhay pa na sarili kong hinahawakan. Hawak kasi ako sa leeg ni Calvino. Maging ang isip at puso ko, hawak niya rin. Paano ko magagawa ang mga gusto ko kung ganito kahigpit ang lalaking iyon?

Pumasok ang teacher namin sa unang subject kaya tumahimik ang classroom namin. Pero si Salvacion parang wala lang ang presensiya ng guro namin. Todo ayos pa rin ng kilay niya habang hawak ang maliit na salamin. Napailing ako, grabe ang lakas talaga ng loob niya.

“Miss Salvacion, can you keep your make-up things. We are having our class now.” the teacher said.

Tumaas ang kilay niya, nilapag ang salamin habang mataray ang tingin sa teacher namin.

Costiño Series 8: Tagu taguan (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon