Kabanata 10

3.6K 106 7
                                    

Kabanata 10

Over again

I broke up with Arko. Why? Because I saw him fucking a girl in his dorm. Yung babaeng kasama niya sa cafeteria, yun din yung babaeng kinama niya kaya doon palang ay napagtanto kong kailangan ko na siyang hiwalayan. Hindi man tumagal ang relasyon namin, nagpapasalamat pa rin ako na nandito siya para samahan ako sa kalungkutan. Pumayag naman siya sa hiwalayan namin dahil wala naman daw itong patutunguhang relasyon.

Lumipas pa ang panahon hanggang sa tumuntong ako sa fourt year college. Bagama't parang bago palang sa akin ang lahat, masayang-masaya pa rin ako dahil nandito na ako ngayon. Nakaabot ako sa last year of college. Kaya mas lalo kong pinagbutihan, ginalingan ko sa mga akademiko at nag-join na rin ako sa mga club para mas lalong mapansin ng mga professor na active ako sa organized. Time flies when I took up my internship in Cebu.

That was my second semester as a college student. Hindi naging madali sa akin ang internship dahil nahirapan ako sa trabahong pinapagawa sa akin. But at least, I finished it well. Kaya hindi na ako nahirapan pang mapasama sa mga list of graduating ngayong year. I am so happy that today, I am wearing a black toga while getting my diploma as a certificate that I finished my education. Masayang-masaya rin ako dahil nandito ngayon si papa at mama para um-attend sa ceremony at makita ang pagrampa ko sa stage.

Sinalubong ako ni papa ng isang mahigpit na yakap ng matapos kami sa graduation ko. Nandito na kami sa after party na hinanda nila para sa akin. Tuwang-tuwa ako mga pasabog na ginawa ni mama para sa akin, maging si Cavios na binata na ay tumulong sa preperasyon nila. Ngumiti ako kay papa at nagpasalamat sa lahat.

"Congratulations, hija. You deserve it!" aniya sa proud na boses.

I nodded and my tears flow slowly. Tumingin ako sa paligid at may hinahanap, nadismaya lang ulit dahil hindi ko siya nakita. Shit, natapos nalang ako sa kolehiyo hindi siya umuwi! Ang sabi ni papa, ilang buwan lang daw siya doon pero ngayong tapos na ako ay wala parin siya! Ano na bang ginagawa niya sa ibang bansa? Nami-miss ko na siya! Miss na miss ko na!

Malungkot ako sa gabing iyon, inaasahan na makikita siyang muli ngunit hindi pa rin pala. Ang sabi niya after two years ay uuwi na siya! Bakit wala siya ngayon dito ah! Umupo ako sa natatagong bench at doon nagpahinga. Malakas ang boses ng sayawan dahil sa mga bisita naming nagsasayaw. Ang mga tito's and tita's ko ay nandito ngayon at nakiki-celebrate sa amin.

Huminga ako ng malalim bago tumingala sa kalangitan. Ang dami ng bituin sa langit, nagliliwanag dahil sa buwan. Ilang oras ko pang pinagmasdan ang langit bago nanginig ang cellphone sa bulsa. Kumunot ang noo ko at nagtaka, sino naman kaya ito?

Mas lalo akong nagtaka dahil unknown number lang ang nakalagay sa text. Gayunpaman, binasa ko parin iyon.

Unknown number:

In my room, now.

Dumagundong ang puso ko sa kaba. Sino 'to? At bakit niya ako pinapapunta sa kwarto? Saang kwarto naman? Ano ba 'to? Bagama't gulong-gulo, pumunta parin ako sa kwarto niya. Hindi tiyak pero umaasa na siya ang nag-text sa akin. Napalunok ako habang kaharap ang pinto niya, nanginginig ang kamay habang pinipihit ang siradura pabukas. I nip my lip tightly as I open the door. Bumungad sa akin ang dilim, mas lalo akong kinabahan. Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito simula ng mag-aral ako ng college at mawala siya. Hindi ko manlang nadalaw ang silid niya, natatakot kasi ako na baka umiyak lang ako kapag mamalagi ako dito.

Wala namang tao dito e! Baka wrong send lang yung nag-text sa akin! Pinagloloko ba ako ng texter no'n? Umiling ako at aalis nalang sana ngunit may matigas na bagay ang humawak sa palapulsuhan ko. Nanlaki ang mata ko ng bigla akong higitin ng taong nasa loob at ipasandal sa gilid ng pinto. Sinarado ang pinto kaya mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Napalunok ako, nanginginig ang labi dahil kitang-kita ko mula sa pwesto ang mga mata niyang sobrang pamilyar sa akin.

Costiño Series 8: Tagu taguan (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon