Kabanata 13
Dalhin
Blangko pa rin ang isip ko habang pinagmamasdan ang PT na hawak. Nanginginig ang kamay, hindi pa alam ang gagawin. Honestly, ngayong buntis na ako hindi ko pa talaga alam ang gagawin. Nakasara pa rin ang isip ko para sa mga gagawin sa pagbubuntis. Ngayong hindi ko rin alam kung nasaan si Calvino. Oh my God, what will I do now? Anong pwede kong gawin? Should I continue bringing the baby? Or…no! No way! Ayokong gawin iyon! Ayokong humantong sa mga ginagawa ng mga babaeng nagpapalaglag kapag nabubuntis.
Hindi ako hahantong sa gawaing iyon! Hinding-hindi! Kahit pa wala akong maisip na pwedeng gawin ngayon, gusto ko pa ring mabuhay ang anak namin. It's a blessing from God! Kaya wala akong karapatan na tanggalin siya sa akin. Napahinga ako ng malalim, tumayo na ako at inayos ang kasuotan. After that, lumabas na rin ako para magsimula ng magtrabaho. For now, I should keep it from my parents. Hindi pa ako handa para sabihin sa kanila na buntis ako.
Paano kung sabihin ko at magtanong sila tungkol sa ama ng bata, anong isasagot ko? Yung anak nila? Na nabuntis ako ni Calvino? Shit! Hindi pwede! Tiyak na magagalit si papa at mama kapag iyon ang isagot ko. Dapat ko munang ilihim sa kanila ang bagay na ito. Sasabihin ko na lang kapag handa na ako. At kapag nakausap ko na si Calvino tungkol sa anak namin. Umupo ako sa swivel chair para makaupo ng maayos. Kinalma ko ang sarili dahil alam kong may big announcement na magaganap ilang sandali na lang.
Tinignan ko ang mukha sa maliit na salamin, hindi naman halata na nagbubuntis ako kaya okay naman. Kinuha ko ang lipstick sa bag at nilagyan ang labi para hindi mahalata na namumutla ako. After putting my lipstick, I smile genuinely. Ramdam kong uuwi na si Calvino kaya kailangan kong maging handa at masaya. Positive thought! Kailangan kong mag-isip ng positibong pananaw. Napatingin ako sa babaeng pumasok sa office namin. Tumingin siya sa akin na kinakabahan.
"Yes?" I asked.
She sighed heavily.
"Miss, the big announcement will start for a moment. Your presence is need in the venue." she said.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. She smiled back.
"Sure. Pupunta na ako doon." I said back.
She nodded. Lumabas naman siya kaya tumayo na ako at inayos pang muli ang sarili. Hinayaan ko ang buhok na bumagsak sa balikat. Tumingin pa ako sa salamin bago nagpasyang lumabas at pumunta sa ground floor. Doon kasi gaganapin ang big announcement kaya siguradong nandoon lahat ng employee ngayon. Napahinga ako ng malalim habang naglalakad sa corridor papunta sa elevator. Huminto ako sa bungad ng elevator, I press the ground floor. Naghintay ng ilang oras bago bumukas iyon. Pumasok ako at tumayo sa gilid.
Muling bumalik sa alaala ko ang batang nasa tiyan ko. Napangiti ako habang dahan-dahang hinahaplos ang tiyan. Ngayon pa lang ay sobrang nagagalak na ang puso ko dahil nandito na siya. Hindi ko pa man hawak, alam kong magiging masaya kami. At lalo kaming magiging masaya kapag dumating na ang ama niya. Kaya kailangan ko talagang maging malakas para maalagaan siya at maibigay ang magandang buhay. I smile happily. Huminto ang elevator sa tenth floor, bumukas ang pinto at may mga pumasok na empleyado.
Umatras pa ako dahil marami silang sumakay. Niyakap ko ang tiyan dahil nagsisiksikan na. Napahinga ako ng malalim, kinalma ang sarili dahil medyo nararamdaman ko na ang init sa katawan. Maraming elevator ang building na ito, bakit dito pa sila sumakay lahat? Full na rin ba ang ibang elevator? Oh God, nagsisiksikan na kami dito e. Umiling-iling na lang ako at hinayaan ang sitwasyon ngayon. Muling umandar ang sinasakyan namin, napahawak ako sa gilid dahil medyo nahilo ako. Napakagat-labi ako habang hinihintay ang floor namin.
Nakinig na lang ako sa mga chismisan ng mga babaeng nakasakay. Nagtatawanan ang iba dahil sa mga pinag-uusapan nila. Napailing-iling na lang ako at ngumiti ng lihim. Ilang sandali na paghihintay, bumukas ang pinto dahil nasa ground floor na kami. Muli akong napahinga ng malalim, nagsilabasan na sila kaya lumabas na rin ako. Tama nga ang hula ko, maraming empleyado ngayon dito. Ano ba kasi ang big announcement nila? Bakit kailangan pang ipatawag ang lahat ng mga manggagawa dito? What's the big announcement?
![](https://img.wattpad.com/cover/242227045-288-k68505.jpg)
BINABASA MO ANG
Costiño Series 8: Tagu taguan (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceFalling in love was very far from Calvino Costiño mind. He doesn't want to love because for him, it's just a waste of time. Falling is the cheap way to a person. But, he doesn't know that he was falling in love to his sister. Mali bang magmahal ng s...