Kabanata 17

4K 129 9
                                    

Kabanata 17

Good

Hindi pa rin ako makagalaw sa kandungan niya. Kanina pa kami tahimik habang nakaupo dito. Hindi ko na rin marinig ang mga tauhan niya sa labas ng bahay. Siguro umalis na dahil hindi naman na kami nag-aaway ni Calvino. Mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin, animo'y ayaw akong bitawan. Bagama't nakakailang sa akin dahil nandito siya at ganito pa ang posisyon namin, hindi ko na lang iyon pinansin.

He heaved a sighed.

"Kumain ka na ba?" he asked after awhile.

Napahinga rin ako ng malalim. Honestly, I didn't take my dinner because I thought the party would feed me. Hindi pala! Paano kasi, sumulpot siya dito kaya umalis ako sa birthday party ni Governor. Nakakahiya tuloy sa pamilya ni Kapitan lalo pa't nag effort siyang imbitahin ako sa kaarawan ng ama niya. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya niya? Na wala akong modo? Na umalis ako dahil sa nakita si Calvino doon?

"H-hindi pa." mahina kong sabi.

He sighed again.

"You should eat, Jachel. Kaya ka nangangayayat e! Look at your body, you lose a weight." he said strictly.

Umirap ako sa dibdib niya.

"Tsk! Paano ako makakakain kung sinira mo ang gabi ko?" inis kong sagot.

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"You run again that's why I have to chase you. Paano kung lumangoy ka sa karagatan na iyon ah? Tsk! Ayokong mapahamak ka ng dahil sa pagtakas sa akin." mariin niyang sabi.

Hinampas ko ng mahina ang balikat niya. Nakakainis ah! Siya pa itong mataas ang tingin ngayon sa aming dalawa! Ang kapal naman ng mukha niya!

"Hoy Calvinong, kasalanan mo rin naman iyon e! Ang kapal din ng mukha mo eh! Kasalanan mo rin kung bakit ako umalis sa bahay, at tumakbo palayo sainyo! Hindi ka manlang nagparamdam sa akin shit ka! Tapos ang lakas ng loob mong sabihin sa akin 'to ah!" inis kong sabi.

Tumawa siya kaya mas lalo akong nainis. Bwesit rin talaga e! Alam mo yung pakiramdam na halos mabaliw kakaisip sa lalaking mahal mo, kung nasaan na ba siya o kung mabuti ba ang kalagayan niya, tapos mababalitaan mong may fiance na pala! Hindi ka ba magagalit at maiinis sa ganoon tao ah? Aba'y syempre kumukulo ang dugo ko dahil sa ginawa niya! Walanghiya! Pwede niya namang sabihin sa akin ang dahilan sa gagawin niya e! I will understand him! Kasi mahal ko at iintindihin ko ang desisyong pipiliin niya.

That's the essence of love. You should know how to understand things that makes the relationship complicated. Ayokong isipin ang mga masasamang bagay na maaaring magdulot ng kasakitan sa akin. I can understand, I will accept his decision. Iyon ang tanging magagawa ko habang buhay. Karamihan sa mga tao ngayon ay madaling mapagod at lumisan para lang matakasan ang kasakitan, kaya sa huli nawawala sa landas. As long as possible, think positively. Para iwas problema at iwas sakit.

"I know and I'm sorry. I'm sorry for hurting you, sorry for giving you problem. Ngayong nandito ako para ayusin ang lahat. Ayusin ang relasyon natin. Gusto mong makasal sa akin diba?" he asked.

Natigilan ako, napahinga ng malalim. Yes, I want to marry him! Sino ba namang babae ang aayaw sa kasal? It's a blessing to accept, kaya handa akong tanggapin ang alok niyang kasal. At aaminin ko, mahal ko pa rin siya. Hindi naman nagbago e, natakpan lang ng galit dahil sa ginawa niya. Pero ngayong naliwanagan na ako, I can say that I still love him.

"S-syempre!" napataas ang tinig ko.

Ngumisi siya.

"Then I will marry you. I will marry you here. Dito tayo titira at bubuo ng sariling pamilya. Ibibigay ko sayo ang buong ako, walang ibang iisipin kundi ikaw lang at ang mga anak natin. Ganoon kita mamahalin, baby. Just take my hand and marry me." he said gently.

Costiño Series 8: Tagu taguan (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon