Kabanata 10

782 22 7
                                    

Nandito kaming dalawa sa kotse niya, habang hinihila niya ako kanina pinagtitinginan kami ng mga tao. Hindi ko alam kung paano ako magsasalita dahil ang tahimik niya. Bakit niya ba akong dinala rito?

Tumikhim ako ng dalawang beses bago magsalita, "Ano po palang pag-uusapan natin Sir?" tanong ko, hindi siya lumingon sa'kin.

"Are you okay?" tanong nito.

"P-po?" lumingon naman siya sa'kin ng seryuso.

"Wala bang masakit sa katawan mo?" tanong niya ulit, nagtataka na ako sa kanya. Bakit naman ako masasaktan?

"W-wala naman po sir," sagot ko nalang.

"I'm sorry for what Camille did to you earlier." ay ayon ba ang dahilan kung bakit siya nagtanong. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Halos makalimutan ko na nga ang ginawa ng babaeng 'yon e.

"Nakalimutan ko na po sir, iyon lang po ba ang sasabihin niyo?" tanong ko. Kung 'yon lang, hindi niya naman ako kailangan hilahin ng mabilis kanina.

Kita ko kung paano siya umiwas ng tingin sa'kin, sinundan ko ang tingin niya pero pilit niyang iniwas. "H-huh? yeah, yeah. Ayon lang." sabi nito na ikinatango ko.

"Okay po, balik na po ako sa klase." akmang bubuksan ko na sana ang pintuan nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko, gulat akong tumingin sa kanya. Ang lapit namin sa isa't-isa, muntikan nang magkabanggan ang mga noo namin.

Tumingin siya sa kamay naming dalawa at siya na ang unang bumitaw. Umayos siya ng upo at lumunok ng dalawang beses. Ano bang trip ng isang 'to. "M-may sasabihin pa po ba kayo?" tanong ko.

Bumuntong hinga siya at tumingin sa'kin. "Don't go near to Kenjo," sabi na naman nito.

"Wala naman pong problema kay Sir Kenjo, ano po bang dahilan?" tanong ko, wala naman akong nakikitang masama para maging kaibigan si Kenjo.

"Just don't go near him," sabi nito at umiwas ng tingin. Napanguso ako sa inasta niya, wala naman siyang katanggap-tanggap na rason. Parte ba ng trabaho ko ang hindi kumaibigan sa ibang tao.

"Stop doing that," lumingon ako sa kanya nang magsalita ulit ito.

"Opo, masusunod sir. Hindi na po ako lalapit kahit sino." mahinang sabi ko.

"No, I mean yeah. But stop pouting." eh? tiningnan ko siya ng may pagtataka. Magsasalita pa sana ako nang may biglang kumantok sa bintana, bumungad sa akin ang mukha ni Mica na nagmamaktol. Iniwan ko pala siya kanina.

"Sir, labas na po ako." sabi ko at lumabas na, agad naman akong nilapitan ni Mica na nakakunot ang noo.

"Ang tagal niyo naman," bungad niya sa akin. Sabay naman kaming lumingon kay Rexford na lumabas na rin. Nilapitan siya ng kapatid niya at sinuntok sa braso. "Bakit mo ba siya kinuha agad, alam mo bang galit na galit si Camille sa ginawa mo. Nako naman Rexford, baka mapahamak si Rhenise sa ginagawa mo e. What's your problem?" sunod-sunod nitong sabi.

Tiningnan lang siya ni Rexford at umalis na. Napasinghap si Mica sa ginawa ng kakambal niya. "What a jerk twin," sabi nito. Humarap siya sa'kin na may panghuhusga sa mukha, agad akong umiling para sabihin na mali ang iniisip niya kung ano man 'yon.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong nito. Kumapa ako ng sagot, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kahit na wala naman talagang kaming ginagawa.

"N-nag-uusap lang kami," sabi ko.


"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong niya ulit.

"Ang sabi niya lang layuan ko raw si Kenjo," sagot ko, kumunot lalo ang noo niya.

Life Game Series 3: Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon