Kabanata 31

885 29 1
                                    

It's been weeks nang sinabi ni Mica na may nahanap na sila pero until now wala pa rin. Umatras ba siya? Ayaw niya na ba?

"Ilang linggo ka nang hindi kumakain, Rhenise." Napatingin ako sa Mama ko.

Nang nalaman niyang umuwi ako, sumugod kaagad siya sa akin at pilit akong inaalagaan. Hindi naman ako ang may kailangan ng aruga, kundi ang taong nakahiga pa rin ngayon.

"May nahanap na raw ba ulit para sa heart transplant?" tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.

"Ang sabi ng pamilya ni Rexford ay umatras ang nauna pero naghahanap naman daw sila ulit." Tumayo ako at tumingin sa kanya.

"P-paano kung wala na silang mahanap? H-hindi ba puwedeng ako nalang? Nahihirapan akong makita siyang hindi pa nagigi-"

"Ang selfish mo!" Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya. Gulat sa ginagawa nito.

Ang makitang umiiyak ang Mama ko ngayon ay mas mahirap pa lalo ang nararamdaman ko.

"H-hindi kita nakasama, hindi ko kayo nakasama. Bumalik ako para sa inyo, tapos tatapusin mo lang ang buhay mo para sa isang tao! Hindi mo naiisip ang pamilya mo, ang mga taong nag-aalala rin sa'yo." I smirked at hinarap siya.

"Iniisip ang pamilya Ma? Sa akin mo ba talaga dapat sabihin 'yan? Sino ba ang nawala ng ilang taon na hindi pinaalam sa amin na kinasal na pala sa iba? Sino sa atin ang hindi iniisip ang pamilya?"

Hindi niya alam ang naranasan ko dati, wala siya noong nawalan ako ng anak. Wala siya noong hirap na hirap kami nila Papa tapos ngayon, parang sa akin siya galit.

Umatras ako at winakli ang kamay niyang akmang hahawak sa balikat ko. I can see her guilt in her eyes, sadness.

"A-anak, may rason ako kung bakit. Patawarin mo ako. Kung hanggang ngayon nakatatak pa rin sa inyo ang ginawa ko. Pero Rhenise, hindi mo kailangan isuko ang sarili mo, hindi mo kailangan i-sakripisyo ang sarili mo para sa kanya. P-paano kung nailigtas mo nga siya at ikaw ang nawala, sa tingin mo ba talaga hindi niya ulit tatapusin ang buhay niya dahil wala ka na?"

I diverted my gazed, pinipigilan ang mga luhang kanina pa umaagos.

Gumising ka na kasi, Rex.

"M-magagawan naman natin ng paraan iyan. Makakahanap din tayo, tiwala lang." Hinawakan niya ang kamay ko. Hinayaan ko siyang yakapin ako ng mahigpit.

Sana nga, gusto ko nang magising siya.

Kinabukasan, laking tuwa ko nang mayroon na silang nahanap. Ang sabi nila kusa raw itong lumapit. Binilin niya pa ang sasabihin sa pamilya niya, ngayon ko lang naisip na sobrang hirap magpaubaya sa taong hindi mo naman kadugo pero ginagawa pa rin nila para sa mga taong mahal nila.

Ngayong araw na rin mismo inoperahan si Rexford at kanina pa ako nag-aantay sa kanya, na lumabas ang doctor sa ER. I am hoping na magiging successful ang operation, malaking sakripisyo na ang ginawa ng kung sino man iyon.

"He will be fine." Tumingin ako sa saglit kay Mica nang tumabi ito sa akin. I didn't respond, kinakabahan lang ako lalo.

"The day you left," panimula nito kaya napatigil ako at hinantay pa ang sasabihin niya. "The day you left him made him suffered a lot. He didn't explained to us kung bakit nagbago ang ugali niya noong magkasama pa lang kayo, kaya malaki ang kagustuhan naming gumaling siya at magising para kapag dumating ang araw na magkita kayo, sa iyo niya sasabihin ang lahat."

Naalala ko na naman ang nakaraan, pero hindi na ngayon ang panahon para magalit ulit, kailangan niya ako.

"Ilang taon ka niyang inantay at hanggang ngayon inaantay ka pa rin niya. Patuloy siyang lumalaban kahit hindi niya tayo nakikita," dagdag nito.

Life Game Series 3: Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon