Kabanata 1

1.5K 29 21
                                    

Nakarating kami sa malaking bahay, nahihiya pa ako dahil bumungad sa'min ang naggagandahang babae.

"Girlfriend mo brother?" tanong ng isang babaeng matangkad, maputi ito at may kulay ang buhok na kulay blue sa dulo.

"Mukha ba akong may girlfriend?" pagsusungit ni sino nga ulit to? umalis ito nang hindi kami tinitingnan.

"Ang sungit talaga ng kapatid mo." sabi naman ng isang babae, halatang may mga lahi sila. Ang isang babae ay blonde ang buhok at medyo kulot. Nakatingin lang ako sa kanila, nag-aantay na mapansin. Nakakahiya, nahihiya ako dahil ang dugyot ko.

"Hi! girlfriend ka ba ng pinsan ko? I am Kendrine by the way, mas matanda nga lang ako sa kanila pero bawal sila tumawag sa'kin na ate kasi bata pa rin naman ang mukha ko, ikaw anong pangalan mo?" parang batang sabi niya, nahiya ako lalo nang hawakan niya ang kamay ko, nabitawan ko tuloy yung dala kong bag. Ngumiti akong may hiya at mas lalong nahiya pa nang ang isang babae ang nagdampot ng bag ko sa lupa, kinuha ko naman agad 'to.

"P-pasensya na po," sabi ko.

"Ang daldal kasi ni Kendrine, hi ako naman si Mica, kakambal ako nung lalaking masungit." gulat akong napatingin sa kanya.

"M-magandang araw po," nakayuko kong sabi. Nakarinig ako ng mahinang pagtawa.

"Ano ka ba, huwag ka mag po. Mukhang magka-edad lang naman tayo." sabi sa'kin ni Mica na may ngiti sa labi. Magkaibang-magkaiba sila ng kapatid niya.

Magsasalita pa sana ako nang may biglang lumabas mula sa loob ng bahay, naagaw ang attention namin sa kasama ng lalaking masungit.

Isang lalaking hindi katandaan pero nababakas pa rin sa mukha nito ang kisig ng isang lalaki. At ang babaeng kasama nito ay natitiyak kong asawa niya.

"Hindi ka naman nagsabi na maganda pala ang girlfriend mo, Mico." sabi ng babae. Nakita ko kung paano umirap si Mico? huh, hindi ko maalala na Mico ang pangalan niya.

"She's not my girlfriend Mom," sabi nito at umalis ulit. Mahilig mag walk-out ang isang 'yon. Napailing ang ina niya at lumapit sa'kin na may ngiti.

"Magandang araw, pumasok ka muna." aya niya sa'kin, kahit nahihiya ako nakasunod ako sa kanya, nasa likod ko naman si Mica at si Kendrine.

"Akala namin hindi na talaga papayag si Mico na magkaroon ng yaya niya pero akalain mo nga naman siya na mismo ang nakahanap." pagsasalit ng ina nito, hindi ko pa rin alam kung ano ang mga pangalan nila.

"Hon, ikaw na muna ang bahala, I need to go now." biglang pagsingit ng daddy nung Mico.

"Oh, okay. By the way ija, this is my husband, Jalwin and my name is Elaine, I bet kilala mo na ang dalawang dalagita na 'yon?" turo niya kina Mica na nakaupo sa sala. Ngumit ako at tumango.

"Magandang araw, sir at ma'am." bati ko.
"Goodluck to my son, anyway. I'll go now hon, I love you." sabi nito at hinalikan si ma'am Elaine sa labi, napaiwas ako ng tingin. Nawa'y lahat hinahalikan.

"Pasensya na ija, ganon talaga ang asawa ko. Halika ka sa sala, pag-uusapan natin ang magiging trabaho mo." sabi niya sa'kin nang makaalis si sir Jalwin. Sumunod naman ako sa kanya, umupo siya sa tabi ni Mica.

"By the way tita, I need to go na rin pala. Dad keeps calling me, magiging dragon na naman 'yon kapag hindi ako nakauwi." tumayo si Kendrine at lumapit kay ma'am Elaine para magpaalam.

Life Game Series 3: Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon