Kabanata 27

784 23 1
                                    

"What happened? Nag-away kayo?"

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata nang marinig ang pamilyar na boses. Kahit malabo ang paningin ko, nasisigurado ko pa rin na si Mica at Rexford ang nandito.

"H-hindi ko sinandya, ang tanga tanga ko."

"Rhenise!" hindi ko pinansin ang paglapit sa akin ni Rexford, mas inuna kong tiningnan si Mica.

Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdamang gumaan ito at wala na ang laman.

"Ang anak ko?" Umiwas naman ng tingin si Mica, nagtaka man ngunit tumingin nalang ako kay Rexford nang hawakan niya ako. "Nasaan ang anak natin, Rexford?" tanong ko sa kanya.

Inalis ko ang kanyang kamay nang hahawakan niya na sana ang pisngi ko. Hindi nila sinasagot ang tanong ko, may nangyari bang masama sa anak ko?

"I'm sorry. I'm sorry, love." Paulit-ulit akong umiling sa kanya. Sorry?

"Mica, saan ang anak ko?" Hinawakan ko ang kamay nito kahit nahihirapan akong kumilos.

Napaawang naman ang labi ni Mica na para bang may gustong sabihin pero walang salitang nilalabas.

"A-ate." Lumingon ako sa pinto nang pumasok bigla ang tatlo kong kapatid. Lumapit sila sa akin at niyakap ako.

Bakit sila umiiyak? Wala namang nangyaring masama sa anak ko hindi ba?

"Kumusta ka? Okay ka na ba?" bakas sa mukha ang pag-alala sa akin ni Rhian.

"Ayos lang ako, bakit kayo nandito? Si Tatay kasama n'yo ba?" Tumingin ako sa pinto kung naroon ba si Tatay pero wala.

Tumango naman si Rhian, "Nasa labas siya. Kausap ang doctor. Uuwi na tayo ate." Kunot noo ko siyang tiningnan. Nang tumingin ako kay Rhione at Rhema ay umiwas sila ng tingin.

"Bakit tayo uuwi?" Tumigil ako at lumingon kay Rexford. "Nasaan ang bata, Rex?"

Kanina ko pa ito tinatanong sa kanila pero wala manlang balak sumagot.

"A-ate, nakita na namin si Mama. Hindi mo na kailangan gawin iyon. Kusa siyang bumalik." taka kong tiningnan si Rhema nang sabihin niya iyon at ano? Tinawag niya akong ate?

Pero hindi iyon ang gusto kong marinig mula sa kanila. "'Yong anak ko ang tinatanong ko sa inyo, nasaan siya? Sagutin ninyo ako!"

"Kumalma ka muna at---"

"Kalma? Nasaan nga siya, Rexford nasaan ang anak natin? May nangyari bang masama sa kanya ha?"

Bakit ganito kung tumingin si Rexford, guilty o awa ang nakikita ko sa kanya. Ayaw ko ng tingin niya, ng tingin nila sa akin. "Bakit hindi ninyo ako sagutin kung nasaan ang anak ko?" paos kong sabi but still, umiwas pa rin sila ng tingin sa akin.

Lumapit sa akin si Rexford at tumabi naman sila, he held my hand. Puno ng hinagpis ang kanyang mukha. He held my chin, pinagmasdan ako ng mabuti at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry...hindi ko sinadya, I'm sorry." paulit-ulit ang katagang iyon mula sa kanya. Tinulak ko siya ng bahagya, sumasakit ang dibdib kong makitang malungkot at nasasaktan siya.

"Nasaan ba siya? Puwede mo ba akong dalhin sa kanya?" mahinahon kong sambit. Umiling siya nang umiling. "Bawal pa ba akong pumunta? Kailan ko ba makikita ang anak ko? A-ayos lang naman siya hindi ba?" hindi siya sumagot sa sunod-sunod kong tanong ngunit niyakap niya lang ako.

Tumingin kami sa pinto nang pumasok ang doctor at si Tatay. "A-anak ko," namamaos ang boses nito na halatang galing lang din sa iyak.

Lumapit siya sa akin kaya napahiwalay si Rexford, "A-ayos ka na ba? Kumusta ka? May masakit ba sa'yo?" Umiling ako.

Life Game Series 3: Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon