Kabanata 19

676 24 1
                                    

"Sigurado ka bang nasa Manila ang magaling nating ina?" tanong ni Rhema.

Dalawang Linggo na ang lumipas simula nang nakapag salita si Tatay at nang humingi siya ng pabor sa amin, dahan-dahan na rin siyang nakakalakad.

Tiningnan ko si Rhema na malaki na talaga ang t'yan, isang buwan nalang ay manganganak na ito. Kinakausap niya na rin ako pero laging pagtataray pero ayos lang, at least nakakausap ko siya kahit hindi maayos.

"Ilang araw na nating hinanap dito sa Salvande pero hindi naman natin siya nakita, baka naroon lang siya sa Manila." sagot ko.

Magbabasakali lang naman na baka mahanap ko siya roon, kahit matagal basta mahanap ko siya at ipaliwanag sa amin kung bakit niya kami iniwan.

"Kapag hindi mo siya makita hayaan na natin. Ipapaintindi nalang natin kay Tatay na wala na siyang pakealam sa ati-"

"Huwag," putol ko sa kanya. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Baka mapano pa si Tatay ulit, ako na ang bahala maghanap ng paraan. Alagaan n'yo nalang ang sarili ninyo rito." dagdag ko.

Tiningnan ko ang dalawa kong kapatid na nakikinig lang sa amin, ngumiti ako sa kanila. "Mag-aral kayo ng mabuti." sambit ko.

Pinag-aral ko na sila ulit, sapat naman ang ipon ko mula sa pagtatrabaho, kaya na nilang bumalik sa pag-aaral.

"Mag-iingat ka, Ate." Napangiti ako kay Rhione at niyakap siya.

"Oo, sige na. Aalis na ako."

Nag-aantay sa akin si Josh sa labas, tinuloy niya nga ang sinabi niya na mag-aantay sa akin bumalik sa Manila.

"Let's go?" I nodded.

"Saan ba kita ihahatid?" tanong niya, kinuha ko ang address na nakasulat sa papel at binigay sa kanya.

"Cool, malapit ka lang din sa akin." Gulat akong tumingin sa kanya. He chuckled. "Malalakad lang mula sa amin. You're working here?" I smiled and nodded as a response.

"Bibisitahin kaya kita minsan? Or ikaw pumunta sa bahay kapag day-off mo? What do you think?" parang batang sambit nito.

"Hindi ko pa alam Josh, pero susubukan ko." sagot ko. Natigil ako nang maalala ang rason kung bakit ako bumalik sa Manila, to find my mother.

"Nguso mo," he said. "Don't worry. Makikita rin natin siya."

"Natin?" Kunot-noo kong tanong. Tumango naman ito na may ngiti.

"Yes, natin. Tutulungan kitang mahanap ang mama mo. I will be your best buddy again for everything." Napailing nalang ako sa kanya.

Kahit naman tumanggi ako, hindi rin siya magpapapigil. He is Josh, makulit kong kaibigan. I can't win against him.

***

"Mayaman amo mo?" tanong nito sa akin nang makarating kami sa harap ng bahay nila Ma'am Elaine. Inirapan ko siya nang makitang mukhang natutuwa siya kung ano man ang nasa harap niya.

"Oo. Nga pala, nasaan ang inyo?" tanong ko at tumingin pa sa paligid ng subdivision.

Tinuro niya naman ang isang bahay na hindi kalayuan sa amin ngayon, totoo ngang malapit lang kami.

"Puntahan mo lang ako ah." Nakangiti niyang sambit. Tumango lang ako at akmang magsasalita para magpaalam sa kanya nang napahinto dahil sa narinig na boses.

"You didn't call me," sambit ng isang baritong boses. Kinabahan ako bigla. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at kita ko kung paano niya tiningnan si Josh na para bang susugurin niya na.

"Siya ba ang alaga mo?" Josh whispered near to me na kulang nalang ay mahalikan niya ang tainga ko. Bahagya akong lumayo sa kanya, nakakahiya. Nasa harap pa kami ni Rexford.

"Oo, sige na Josh. Maraming salamat. Magkita nalang tayo sa susunod." Hinampas ko ang braso niya nang hindi naman masyadong malakas pero kung maka-react napaka-oa.

Ginulo niya pa muna ang buhok kk bago tumingin kay Rexford na tinanguan niya lang. Tinulak ko na agad siya palayo. Ang dami pang alam eh.

Nang tumingin ulit ako may Rexford, napayuko kaagad ako nang makita ang mukha niyang seryosong nakatingin sa akin.

"Maganda araw po, Sir." bati ko.

"Hindi ka manlang nagsabi na babalik ka na... Sana ako ang sumundo sa'yo."

"Po?" tanong ko nang hindi marinig ang huli niyang sinabi.

"Get in, Mom is waiting you to come back." he said and walked away.

Mommy niya ba talaga ang nag-antay na bumalik ako o siya? Napailing nalang ako sa naisip, bakit niya naman ako aanta-oh shit! Naalala ko na naman ang huli naming pagkikita, that kiss!

"Are going to slap yourself there o papasok ka?" Gulat akong tumingin sa kanya. Did I just slap myself? Come on! Naalala ko lang naman ang ginawa mo sa akin, hangal ka!

Umayos ako ng tayo, I smiled at him. "Papasok po, Sir." Hindi ko na siya inantay na magsalita pa, kaagad akong tumakbo patungo sa likod ng bahay para roon na dumaan.

"Rhenise!" Niyakap ko kaagad si Manang nang lumapit siya sa akin, same as Ate Nita. "Nako naman ikaw bata ka! Bakit hindi ka manlang tumawag kung kumusta ka na at kung babalik ka pa ba!" Natawa ako sa papanermon ni Manang, nakakunot pa ang kanyang noo.

"Pasensya na po, nagka-problema po kasi sa bahay." tanging sambit ko.

Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap naming tatlo kaya pumasok na ako sa kwarto ko. Umalis daw sila Sir Jalwin at Ma'am Elaine kaya wala rito sa bahay, si Mica naman daw ay kasama si Kendrine sa kanila dahil kasama ang Daddy ni Kendrine kina Ma'am Elaine. Si Rexford lang pala ang naiwan dito.

Kumusta kaya siya? Hindi niya naman siguro nakalimutan inumin ang mga gamot niya? Sa ilang Linggo ko kasing pananatili sa probinsya, hindi ako gumamit ng cellphone masyado dahil wala akong load at mas mahalaga ang gastusin kaya hindi ko siya na-t-text. Nagtatampo kaya siya? Pero, bakit naman siya magtatampo? Wala naman dapat ikatampo.

"Manang, nasaan ang susi ko?" Napahinto ako sa pagpupunas ng mga plato nang marinig ang boses niya. Wala rito sila Manang.

Nilagay ko muna ang huling hawak ko at lumingon sa kanya. "Ah, Sir. Wala po rito sila Manang. Namamalengke po. Hahanapin ko nalang ang susi." Mabilis akong umalis sa kusina pero naalala kong hindi ko alam kung nasaan ang mga susi.

"Nevermind, antayin ko nalang sila." he said. Tumango ako at saka bumalik sa kusina pero naramdaman ko ang pagsunod niya.

"May kailangan pa po kayo Sir? Gamot mo po ba? Sandali p-"

"Rhenise," he cut me off. "Can we talk?" Napalunok ako ng dalawang beses. The way he looked at me makes me melt, anong ginagawa niya sa akin sa tuwing titingnan niya ako ng seryoso?

"S-sige po. A-ano po bang pag-uusapa-" Nanlaki ang mga mata ko nang hinila niya ako bigla at saka sinandal sa may pader. Shit!

Pilit kong inilayo ang aking ulo sa kanya dahil sa sobrang lapit niya. Amoy na amoy ko ang pabango nito na hindi nakakasawang amuyin. Halos manlumo ako nang nilapit niya ang bibig sa tainga ko at saka bumulong na kinatigil ng paghinga ko.

"Be mine, baby."

Life Game Series 3: Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon