Kabanata 9

730 25 21
                                    

"H-huh?" hindi ko alam kung ilang ulit ko ng naitanong sa isip ko 'yon at ngayon lang lumabas sa bibig ko.

"I'm just kidding, don't min-"

"Babe!" sabay kaming lumingon sa babaeng kakarating lang. Agad siyang lumapit kay Rexford at pinalupot ang kamay niya sa braso ni Rexford. "Bakit ang tagal mo? may kukunin kalang ma something from....Mica?" tumingin siya sa'kin na parang nandidiri.

"Yeah, tapos na. Let's go." naunang tumalikod si Rexford sa kanya at naglakad papalayo. Napaatras naman ako nang biglang lumapit sa'kin si Camille na ang sama ng tingin.

"Binabalaan kita," mahinang sabi nito na sakto lang para marinig ko. "Lumugar ka kung saan ka nababagay, ang akin ay akin." napa-aray ako nang itulak niya ako bigla.

"Camille!" naramdaman kong may umalay sa'kin para patayuin.
"Rhenise, what happened?" rinig kong sabi ni Mica pero hindi ako makatingin sa kanila dahil ang ang sakit ng likod ko.

"Bitch, anong ginawa mo sa kan-"

"Oh shut up! I just teached her a lesson." sigaw ni Camille. Nang makatayo ako napatingin ako sa umalay sa'kin, si Rexford.

"Lesson? kailan ka pa naging teacher bruha ka?" ramdam ko ang galit ni Mica sa boses niya, akmang susugurin niya na si Camille nang hilahin ko siya pabalik.

"Pabayaan mo na, h-hindi naman masakit." napasinghap siya sa sinabi ko, tiningnan ako na puno ng pag-alala. Tumingin siya ng masama kay Rexford.

"Ilayo mo 'yang bruha mong girlfriend sa paningin ko ah. Baka makalimutan kong girlfriend mo 'yan." sabi ni Mica at hinila ako palayo sa mga tao. Marami narin palang nakatingin sa'min, nakakahiya. Unang araw ko palang ganito na agad ang nangyari.

"Ayos ka lang ba? ano pang ginawa ng bruhang 'yon?" hinawakan ko si Mica sa kamay para patagilin. Wala namang nangyaring masama sa'kin. Ngumiti ako sa kanya para ipaalam na maayos ako.

"Huwag ka ng mag-alala ma'am, wala naman po-" gulat akong tumingin sa kanya nang takpan niya ang bibig ko.

"Huwag mo akong tawaging ma'am kapag nandito tayo sa school." tumango ako sa kanya nang maintindihan ko, dahan-dahan niya rin namang inalis ang kamay sa bibig ko.

"Lagot talaga sa'kin ang babaeng 'yon, akala niya kung sino siya panget naman." gusto kong matawa sa sinabi niya at sa mukha nitong inis na inis.

"Pabayaan na, hindi naman ako nasaktan." nakangiti kong sabi, kumunot naman ang noo niya at ngumiwi.

"Manhid ka ba? hindi mo kailangan magsinungaling sa'kin, simula sa araw na ito ako na ang magiging kakampi mo. Isama mo na si Kendrine." sabi niya.

Nakatingin ako sa mukha niyang maganda, sana lahat ng magaganda ganito kabait kagaya nila Mica at Kendrine. Hindi ko alam kung anong nagawa ko at binigyan ako ng mga taong ganito.

"Hoy, anong tingin 'yan? bawal ka ma-inlove sa'kin ah. Lalaki ang gusto ko Rhenise." muntik ko na siyang hampasin dahil sa sinabi niya pero naudlot nang maalala kong hindi pa kami masyadong close.

"Thank you ah, hindi ko alam kung bakit nagagalit si Camille pero wala naman akong ginaga-"

"Good morning class," hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang may dumating bigla. Lahat ay nagkagulong bumalik sa upuan nila.

"Mamaya nalang tayo mag-usap, sobrang strict kasi nyan. Kahit ako ngang pamangkin ng may-ari rito sinusungitan niya." bulong sa'kin ni Mica nang maka-upo siya sa tabi ko. Tanging tango nalang ang tinugon ko at tumingin sa babaeng nasa harap.

"We have a new student," natahimik ang paligid at ramdam kong sa akin sila nakatingin. "Miss, please come in front and introduce yourself. Pakibilisan nang magsimula na tayo." pagsusungit niya.

Life Game Series 3: Untold Feelings (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon