Wendy povAng ingay naman . Hindi tuloy ako makapag-syesta . Lumipas na ang isang oras at lahat kami tapos na pwera na lang dun sa mga nagbabaka sakaling may mga sagot na nakalantad jan na pwedeng kopyahin hahaha .
Yung katabi ko namang si Marlon A.K.A baby hell eh ito nagce-cellphone . Nako iba talaga kapag may kaya . Eh ako eto lugmok na lugmok na madaming raket kaya ayun sumabog hahaha na-over load mwehehehe .
Curious kayo no kung pano kami nagkakilala ni Marlon ganito kase yan .
Sa pagkakaalala ko grade 6 kami nung magkakilala kami ni Baby hello este Marlon pala nagkakamali na tuloy ako.
Sabay kami nun umuuwi nun eh . Malapit lang naman ang bahay nila Marlon sa school pero may bahay din sila malapit samin kaya tuwing friday umuwi sila dun . Kasabay namin silang dalawa ni tita tuwing uuwi kami ni nanay .
At dahil hindi ko pa alam ang totoong name ni marlon naki baby hell na rin ako . Akala ko kase yun ang totoong name nya eh alam nyo naman kapag bata ka dapat sabay ka lang sa agos mahirap sumalungat kase baka matumba ka lang sa lakas ng mga alon ng buhay hahaha .
So , ayun na nga naging bespren lang kami nung grade 7 kase sa row 1 ako sya din sa may unahang upuan kami yung malapit sa black board ganun tapos sa harap ko sha nun . Buti na lang kilala nya pa ko akala ko kase nalimutan na ko ng ungas na to eh .
Hanggang sa tumuntong kami sa grade 9 tapos naging enemy kami nun . Alam nyo yung friends kayo pero enemy . Parang kafling oo parang ganun kami nun . Away dito away doon pero ang naging enemy ko talaga si Eros na manyakis bwesit yun eh kung ano anong sinasabi kesho magpakasal daw kami ay bwesit kaya ayun kinarma pinatumba ni Trinity buti nga sa kanya mwahahaha .
Ay basta madaming nangyare nung grade school namin hahaha . Pero alam nyo kung anong pinakadabest sa lahat . Yung pagkakaibigan na nabuo sa pagitan naming dalawa . Alam nyo napagkakamalan na nga kaming magsyota eh pero hindi naman talaga . At never mangyayare yun alam nyo kung bakit HINDI KAMI TALO !
Biglang bumukas ang pinto kaya lahat kami napaayos ng upo . As in takbuhan pabalik sa mga upuan namin . Strict kase si maam kapag hindi ka nakaupo sa proper seat mo ipapalinis nya sayo yung public toilet ng school hahaha tae .
Pass your papers now mariing sabi ni maam . Madaming tumutol at umangal dahil hindi pa raw sila tapos mangopya hahaha pero anong magagawa mo eh sha yung titser eh estudyante ka lang naman . Sha yung batas sa claasroom na to at ikaw lang yung mamamayan na sumusunod sa bawat batas hahaha .
Para tuloy kaming nasa korte . Tapos yung pinaglilitisan yung score namin sa quiz jusko .
Umalis na si maam dala-dala ang mga quiz papers namin . Paglabas na paglabas pa lang ni maam . Eto na naman kami nag-iingay . Alam nyo para kaming mga bubuyog sa isang bee hive no ?
Kanya-kanyang kwentuhan sila . Meron pa ngang nag re wrestling eh . Kami na ang pinakakakaibang estudyanye dito . Lahat ng mga nakilala kung estudyante maliban sa mga kaklse ko eh tahimik lang kung makipagdaldalan at walang wrestling na nagaganap pero ano yung nakikita ko ngayon ayun dambahan tumbahan at hampasan ng mga libro at bag .
Mapatingin ako sa pinto ng may mahagip akong parang pigura ng tao . At nakita ko si ser . Yung ser namin sa arts . Sya yung nagpapagawa samin ng miniture houses or buildings na gawa sa recyled materials at kung ano-ano pa .
Agad akong umayos ng upo at kinalabit yung katabi kung nakikipagharutan sa katabi nya . Wow eh harutan pa . Maawa naman kayo sa mga walang jowa dito oh . Parang katulad ko walang jowa wahahaha . Pero hindi ko naman kailangan nyan eh . Ang kailangan ko swerte kahit kunti lang ambunan nyo ko ng swerte dito sa lupa .
BINABASA MO ANG
The Lost Dark Princess ( On-going )
FantasiaWendy Dela Rosa also called as 'walking disaster' Tinawag shang ganun dahil sha na ang pinakamalas na tao na makikilala mo. Laging natro-trouble at napapasok sa mga sitwasyong hindi nya naman gusto. Naranasan nya na rin ang near death experience nak...