Noong unang panahon may Limang kaharian ang namumuno sa mundo ng Ruby.
Ang mundo ng Ruby ay isang mundo kung saan lahat ng imposible ay nagiging posible. Ang mga panaginip ay maaring magkatotoo at ang nga bangungot rin. Ang mga kantang isip lamang na bagay katulad ng mga halimaw, fairy at serena at totoo. Sa mundong ito kabutihan ang namumuno. Sa mundong ito lahat ng mga nabubuhay ay may kanya-kanyang abilidad o mas gusto nilang tawaging kapangyarihan.
Ang apat na kaharian ay ang sumasagisag at binabalanse sa apat na elemento. At ang panglima naman ay ang puno't dulo ng mga kaguluhan kung saan nanggagaling ang mga bangungot kung saan nabubuhay ang mga masasama.
Ngunit masasama nga ba talaga sila o gusto lang nilang makipagkaibigan ngunit walang lumalapit sa kanila dahil kakaiba sila. Dahil puno ng itim ang kanilang mga kapangyarihan.
Ang Fire Kingdom ang nangunguna sa lahat ng kaharian hindi dahil sa ang apoy ay sumasagisag sa liwanag kundi dahil sa mga naninirahan ditong matatapang at gandang magbuwis ng buhay na nga tao . Ang Fire Kingdom ay nakatayo sa gilid ng isang bulkan kung kaya't napakainit roon ngunit natatagalan yun ng nga mamamayan dahil lahat sila ay immune na sa init kung baga kaya nilang tumagal sa init. Ang pangunahing kabuhayan ng mga taga fire kingdom ay ang paggawa ng mga sandatang pandigma kaya sa kanila inaangkat ng apat na kaharian ang mga sandata.
Ang Water kingdom ang pumapangalawa sa Fire Kingdom hindi man sila ang nangunguna sa lahat ng kaharian ay malalakas rina ng mga tao rito ngunit lahat sila ay may pusong mamon kung kaya't lahat sila ay mababait ngunit kung aabusuhin mo ang kanilang kabaitan mapipilitan silang labanan ka sa anumang paraan. Ang Water Kingdom ay nakatayo sa gilid ng dagat na pinapalibutan ng bundok na nagyeyelo kung kaya't napakalamig ng panahon sa kanila dalawa lang din ang klima sa kanila tag-init at tag-lamig . Ang pangunahing kabuhayan ng mga taga Water Kingdom ay pangingisda at panghuhuli ng mga sea foods at kung ano-ano pang lamang dagat.
Ang Air Kingdom ang pumapangatlo sa pinakamalala ka na kaharian kahit pangatlo lang sila matatapang ang mga naninirahan sa kanilang kaharian hindi lamang matatapang kundi masisigasig din . Ang Air Kingdom ay nakalutang sa mga ulap kung susumahin ay ang Air Kingdom ay nakalutang lamang ngunit hindi umaalis sa kinalalagyan parang isang Lobo na may pabigat kaya hidni madaling tangayin ng hangin . Ang air kingdom ay kung saan naninirahan ang mga hayop na may kakayahang lumipad kagaya ng pegasus, Phoenix at ilang mga dragon kung kaya't importante talaga ang kahariang ito. Ang pangunahing kabuhayan ng mga taga air kingdom ay ang pag-i-imbento ng mga bagong teknolohiya na makakatulong sa hinaharap.
Ang Earth Kingdom kahit na ito ay pang-apat lamang malakas rina ng kahariang ito wag mong mamaliitin ang kahariang ito dahil ang mga naninirahan dito ay naniniwala sa salitang team work lahat sila ay nagtutulungan upang palaguin ang ekonomiya ng kanilang sariling kaharian walang mababa at walang mataas sa kanila . Ang earth kingdom ay nakatayo sa isang patag na lugar ngunit napapaligiran ng mga sakahan at kagubatan. Sagana sa masusyostansyang pagkain ang earth kingdom. Ang pangunahin nilang kabuhayan ay ang pagsasaka at pagha-hunt ng mga hayop.
Ang dark kingdom ang pinaka mahinang kaharian kung saan naninirahan ang mga nilalang na may angking itim na kapangyarihan o pagkatao . Pinakamahina dahil lagi naman silang talo ng apat na kaharian. Lagi naman silang nabibigo sa inuumpisahan nilang digmaan. Dark kingdom ang itim na kaharian kung saan lahat ng tao ay may agenda at kanya-kanyang kagustuhan sa buhay. Masama sila kung ituring pero masama nga ba talaga sila?
Hindi man sagana ang kanilang mga lupain at kagubatan sumasapat naman ang kanilang mga inaani galing sa mga natural na yaman. Salat man sa pagkain minsan ngunit mayaman naman silang lahat sa pagpapahalaga. Hindi man halata pero pinapahalagahan nila ang lahat ng naninirahan sa kanilang kaharian.
Ito lang ang tanging tanong na maitatanong ko sa inyo.
Maniniwala ba kayo kung ang dark kingdom pala ay hindi masama ?
🎀*🎀*🎀*🎀*🎀*🎀*🎀*🎀*🎀*🎀
Author's note :
Hindi ko alam kung may nagaya ba kung plot o mga eksena pero sana pagpasensyahan nyo na lang ang estoryang to at intindihin dahil pati ako naguguluhan eh.
First time ko kase magsulat ng isang story sana suportahan nyo po!
Thank you!
BINABASA MO ANG
The Lost Dark Princess ( On-going )
FantasyWendy Dela Rosa also called as 'walking disaster' Tinawag shang ganun dahil sha na ang pinakamalas na tao na makikilala mo. Laging natro-trouble at napapasok sa mga sitwasyong hindi nya naman gusto. Naranasan nya na rin ang near death experience nak...
