Wendy pov
Kapagod naman ang umagang to oh . Nagtapos ang umaga namin . Pero bago yun matapos bugtik na ko mamatay . Hindi dahil sa sinaksak ako , binaril , hinulog sa hagdan o sa rooftop kundi dahil sa sama ng tingin ni Bella . Anong problema nya sya na nga itong ipinagtanggol kahit sya yung nagkamali eh . Hay nako baliktad talaga ang takbo ng utak ng g*ga eh . Mukha pa nga syang galit sakin eh . May tama ba yun eh sya na nga yung niligtas ko sa kasumpa sumpang detention tapos sha pa galit ay wow just wow .
Kasalukuyan akong nagwawalis sa classroom namin . Hay nako ang kalat naman dito pero dapat pa ba kung magkaroon ng ganitong ekspresyon i mean lagi naman kasing dugyot tong classroom namin eh . Hay gutom na ko gutom na gutom as in kaya ko ng magmukbang ng limang beses ngayong tanghali hahaha .
Walis dito walis doon . Punas dito punas doon . Ayos dito ayos doon . Grabe kapagod naman . Ng matapos ay kinuha ko na ang mga panlinis at sinilid sa dayban . Ay basta yung lalagyan ng mga cleaning thingy dun ko nilalagay ok na ?
Napahinga na lang ako ng malalim at binuga yun ng may tunog hahaha .
Kapagod , humanda talaga sakin yung kapitbahay naming nagkakalat ng fake news nakooowwww ! Gigil na sabi ko .
Aalis na sana ako ng mapansin ang blockboard na hindi pa nalilinis kaya kumuha ako ng pamunas at pinunasan yung black board . Baka magcomplain sila kapag pati ito hindi ko pa nilinis eh . Matatapos na sana ako ng makita kung may tuklap yung black board . Weird hindi naman basta basta natutuklap ang isang black board eh . Matutuklap lang naman yan kapagtinuklap mo or either tinuklap ng kung sino man jang walang magawa sa buhay .
Napabuntong hininga na lang ako at binalik ang pamunas . Sabi ni maam V maglilinis lang ako hindi mag-aayos ng mga sirang bagay duh . Bago ako lumabas ng classroom inayos ko muna ang sarili ko bago kinuha ang bag at umalis .
Hindi ako mag-di-ditch ng klase at never ko gagawin yan . Sa garden ako mag-la-lunch buti nga may natira pang 15 minutes bago magtime eh inapura ko kase .
Ng makarating ay nilabas ko kagad ang baon ko at kumain na . Ang sarap kaya ng ulam ko . Gusto mo bigyan kita hahaha joke lang . Ang ulam ko ay dinuguan ang aking most of all favorite hihihi . Kayo anong paborito nyo ?
Ng matapos ay nagligpit ako hinakot ang mga kanin na nalaglag sa lamesa . Bawal kase magkalat . Alam nyo minsan nagtataka ako parang walang janitor dito eh . Ng matapos ay dumiretso ako sa public cr ng school .
Isa itong cr na may poset sa harap tapos sa likod may dalawang banyo girl and boy ganun tapos sa loob ng banyong yun may limang cubicle kaya bongga hahaha .
Hinugasan ko ang pinagkainan ko sa poset. Shempre huhugasan ko para hindi dumikit yung mga kanin mahirap kase tanggalin lalo na kapag natuyo na kaya hinuhugasna ko na . Tsaka sa bahay ko na lang sasabunin to kapal naman ng mukha ko kung dito ko pa to sasabunin at manghihiram pa ko ng sabon howaw .
Ng matapos ay nilagay ko na sa lalagyan ang baunan ko . Hehehe meron akong dalang ideal vision eh kasya naman sha sa bag ko kaso kailangan nung ideal vision baka kase matapon yung ulam o sabaw .
Naglalakad na ko ngayon habang nakapamulsa . Malapit na magtime pero pachill chill lang ako hahaha . Late din naman kase yung titser namin sa history eh kaya magpapalate na rin ako . Late kase sha palagi ng 30 minutes ang galing no hahaha . Kavibes ko yung titser na yun eh parehas kaming laging nadidisgrasya .
Nakarating. Ako sa classroom namin agad ako umupo sa upuan ko . Napabuntong hininga na lang ako at pumangalungbaba . Dapat pala nagtambay muna ko sa garden paniguradong late na naman yung history titser namin hay nako . Mas nauna pa kase ako. Tignan nyo nga ngayon oh kita nyo yang mga g*nggong na yan ayan na naman oh nagbabangayan tignan nyo yan mamaya may nagrarambulan na jan .
Tapos mamaya may nagsasabunutan na jan hahaha.
BINABASA MO ANG
The Lost Dark Princess ( On-going )
FantasyWendy Dela Rosa also called as 'walking disaster' Tinawag shang ganun dahil sha na ang pinakamalas na tao na makikilala mo. Laging natro-trouble at napapasok sa mga sitwasyong hindi nya naman gusto. Naranasan nya na rin ang near death experience nak...
