Chapter 8

128 2 0
                                    

Chapter 8

Kyle POV:

After we ordered, pumwesto kame sa nagiisang bakanting lamesa sa may corner, hindi parin maalis sa Isip ko ang ginawa niyang iyon pretending that we are couple to get a discount.
Pero okay narin yon, atleast alam kona ngayon na gusto parin niyang maging kame.

"Let's eat" Anya at agad siyang napasubo dahil sa kagutuman, icant stop smiling while seeing her eating
I really miss  this.

"Dahan dahan lang" Pagaawat ko sa kanya dahil tuloy tuloy ang pagsubo niya "Baka mabulunan ka" agad kung nilagyan ng malamig na tubig yung baso ng napaubo siya.

"Thank... you" anya Habang Hinahabol Ang Hininga niya at diko na napigilan pang tumawa

"anu? Ayus Kalang? Kaya pa?" Ngumiti siya nagin-hawaan siya pagkatapos niyang himikab ng malakas

"Hindi Masarap!" Daing niya pero simot na simot naman niya ang ulam at kanin niya.

Pinilit kong kumain kahit wala Akung gana, magpapalakas ako para sa kanya.

"Ang sarap!!" Saad ko pagkatapos kung kumain, pagkatapos ay hinaplos haplos ko ang tiyan ko at natawa siya.

"Anu yan?" Anya ng nilabas ko ang maliit na plastic bottle na lalagyan ko ng gamot

"Ahh.. Ito wala to, Vitamins lang" Saad ko at mukhang naniwala naman siya

"Tara na?" Pagyaya ko pero pinigilan niya ako

"May inorder pa kasi akung dessert" anya, kaya pala medyo tumataba siya dahil sobrang takaw niya sa pagkain.

"ang tagal naman" Angil niya

Sumilay ang pagkaexcite sa mukha niya ng nilagay ng waitress sa mesa yung inorder niyang dessert na mangga with spicy bagoong , Pagkaalis ng waitress ay gad niya itong binanatan, ni hindi manlang siya na-aasiman. Pati ako ay nangangasim narin Habang pinpanoud ko siyang kumakain

"Try it" Pagyaya niya

"Sige lang, Busog pako" Saad ko

" kahit kunti lang" Iniabot niya sakin ang isang slice ng mangga "Hindi ko to mauubos sayang naman" Pagpipilit niya

Kahit Bawal sakin ang maasim ay kinain ko iyon
Try mong isaw-saw dito sa bagoong para mas Masarap
Kumuha ulit ako ng isa pang slice at sinaw-saw ko ito sa bagoong bago ko isinubo.

"Masarap nga" Saad ko dahil Masarap talaga, kaya kumuha pa ako ng isang slice, diko namamalayan na nakarami na pala ako.

Napainom ako ng Maraming malamig na tubig dahil sa anghang ng dila at mga labi ko , pero si Shaina wala manlang Epekto sa kanya ang siling labuyo.

"ayus kalang? " Anya pagkatapos ay kinuhanan pa niya ako ng malamig na tubig "Uminom kapa"

"Sorry" Hinaplos halpos niya ang likoran ko ng napapaubo ako"Nakalimutan ko na mahina ka pala sa maanghang" Anya

"Im Fine" medyo nawala na yung ang ang-hang pagkainom ko ng malamig na tubig

Nagpatuloy na kame sa byahe pagkatapos naming nagpahinga,Dama ko padin ng kaunti ang anghang sa mga labi at dila ko kaya nagbukas ng sweet junk food si Shaina ,

"Eat this para mawala yung anghang " anya at agad kung binuksan ang bunga-nga ko ng sinubuan niya ako.

Mukhang Epekto nga dahil nawawala na yung anghang

"Thank you" Pagpapasalamat ko sabay ngumiti

Ilang sandali pa ay narinig naming nagring ang telepono ko, ng tignan ko kung sino ang tumatawag ay nakita ko ang picture ni mamie with her number.

"Hindi moba sasagutin?" anya

"Gusto mo sagutin ko para sayo?" anya at agad ko siyang pinigilan ng kinuha niya ang cellphone ko

"Ako nalang ang sasagot" Saad ko at agad niya itong binigay

"thank you" Saad ko at hinintay kong matapos ang music ng call bago ko tinurn off ang cellphone ko para hindi halatang pinatay ko ang tawag . Sorry mamie

four hours pa bago kame makarating sa launion Beach according sa map navigation ng kotse.

"Pahinga ka muna, Gigisingin nalang kita pagkarating natin" Saad ko ng napansin kong napapapikit siya, Ang cute niya talaga.

Hindi ko maiwasang sulyapan siya Habang nakatulog, nilagay ko ang kaliwa kong kamay sa tapat ng mukha niya Para harangan ang sinag ng araw na tumatama sa mga mata niya,pagkatapos ay ngumiti siya.

Continuation.......

Diko pinansin ang pamamanhid ng kamay ko Habang nagdadrive, Tinigil ko ang kotse sa may corner ng Biglang nanlabo ang panigin ko, Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng pagkahilo at Biglang pumatak ng malapot na dugo ang ilong ko. Please G not now.

Lumabas ako ng kotse ng nagtuloy tuloy ang pagdurogo ng ilong ko, napapatumba ako sa sahig dahil hindi ko mabalansi ang lakad ko dahil sa pagkahilo, hinubad ko nalang ang damit ko para pantapal sa ilong ko. Buti ay kaunti lang and dugong lumabas Sa ilong ko, Nagising si shaina ng nauntog ang ulo ko ng sumandal ako kotse.

Napatakip siya ng bunganga dahil sa gulat at napayupisak

"Tell me what to do!, Anung nangayayari sayo? " niyakap niya ako at Halos manginig ang boses niya dahil sa kakaiyak
Nararamdaman kodin ang nginig ng mga palad niyang nakalapat sa mukha ko.

"Ayus lang ako " Pagpapakalma ko sa kanya "Gusto ko nasa tabi lang kita" yun ang huling nasabi ko bago ako mawalan ng Malay

Accidentally Meet My Ex In Campaign Where stories live. Discover now