Chapter 2

400 19 0
                                    

Chapter 2: Meet My Ex

Palubog na ang araw ng nakarating kami sa mini chocolate Hills, namanhid ang pwetan ko Dahil sa halos walong oras na nakaupo sa byahe, from manila to pangasinan

Pero agad na nawala ang pagod namin ng nakarating kame,
Napakagandang pagmasdan ng paligid, ang sarap humiga sa
Berding damohan na kumikinang kinang dahil sa reflection ng araw at sumabay pa ang sariwang simoy ng Hangin.

Tanaw na tanaw namin ang palubog na araw sa kalangitan,
Nagsilabasan ang mga travelers na kagaya namin sa kanilang mga tent at masayang pinagmasdan ang araw, napapasigaw pa ang iba at pumapalakpak. Lalong tumatamis ang ngiti sa mga labi namin habang pinagmamasdan ang araw na unti unting bumababa sa kawalan, Sinilayan namin ito hanggang sa naglaho sa aming paningin bago kame naglatag ng tent .

Nakakalungkot lang isipin na ako lang ang single sa aming magbabarkada, masaya nilang kinakabit ang ang nga tent nila ng magkasama, pagkatapos kong naayus ang tent ko ng magisa ay pumunta ako sa pinakacorner ng kapatagan, humiga ako sa damuhan at pinagmasadan ang makikinang na bituin sa kalangitan.

"Malamig dito ang daming lamok, Tara na don sa bonfire na ginawa ni niko" Pagyaya si hazel sakin.

"Sige susunod ako" walang ganang sagot ko bago ko ipinikit ang ang aking mga mata. Nagulat nalang ako at napamura ng hindi oras ng biglang siyang lumapit at humiga sa tabi ko.

"Tang ina mo Hazel!!"
Gulat na saad ko na ikinatawa niya

"Sorry na agad" paghingi niya ng tawad

"Siya na naman ba ang nasa isip mo?"

"Hindi ah" pagsisinungaling ko at huminga ako ng malalim bago napahigang muli.

"i know you more, than you know yourself, wag munang ikaila!" pangungulit niya

"Guys Tara na shot na tayo" pagtawag samin ni niko, walang hiya talaga si niko sinigaw pa talaga niya.

Agad kaming pumunta sa dati naming pwesto at pinalibutan namin ang bonfire na nasa harapan namin.

"Look at this guys i have a magic"
Payabang na saad ni leo Habang tinitimpla ang gen na may juice at napapatawa nalang kame

Binuksan niya ang alak gamit ang ngipin niya katulad ng pagbukas niya sa naka pack na powder ng juice. Pinaghalo niya ang tubig at ang powder ng juice sa may pitsel bago inihalo ang kalahating laman ng alak.

Pinaapuyan niya ang natitirang alak sa may bote at pinagliyab niya ito bago isinubsub ang ulonan nito sa pitsel na may lamang juice, inulit niya ito ng Ilang Beses hanggang sa maubos ang laman ng bote, napapanganga nalang kami sa bilib, expertong experto pala si leo pagdating sa alak

muli niyang pinagliyab ang bote ng alak na wala ng laman bago niya ito muling isinubsub sa pitsel , napanganga nalang kami ng hinigop ng bote ang laman ng Pitsel at lumipat ito sa bote ng alak,

Inahun niya ang bote ng nakalahati na ang laman nito at muling pinaapuyan ang bote bago isinubsob sa may pitsel, hinayaan niyang umagos pababa ang laman ng bote sa pitsel at umikot ikot ang laman nito na parang turnado. Napapalak pak kame sa bilib at nagtawanan pagkatapos.

"Tang in* ang lupet" bilib na saad ni niko

"CHEEEEERS!"Sambit ni hazel sabay itinaas niya ang baso niyang puno ng alak at agad naming kinuha ang basong may alak sa harapan namin pakatapos ay pinagsalobong namin isa isa bago ininom.

Accidentally Meet My Ex In Campaign Where stories live. Discover now