Chapter 3

264 17 0
                                    

Chapter 3: The Closure

Kyle Point Of View :

Nagising ako ng alas 3 ng madaling araw dahil sa sama ng pakiramdam ko, nanlalambot ako at nanghihina ang Buong katawan ko, Hindi ko rin maipwersa ang mga kalamnan ko sa katawan , Every end of the month ganito ang nararamdaman ko kapag malapit na akung mag kemo therapy.

Pinipigilan kolang ang ungol ko dahil sa sakit, dahil baka magising si shaina na mahimbing tulog, hinayaan ko nalang na bumohus ang mga luha ko sa mga mata para medyo mawala ang sakit na nararamdaman ko, bakit ngayon pa ako intake hayss wrong timing!!

Medyo nawala na yung sakit pagkainom ko ng anti-biotec
Pilit kung inangat ang katawan ko para umupo Mula sa pagkahitag, Hindi ko maiwasang mapatitig kay shaina ng marihin, Akala ko panaginip lang ang lahat pero totoo pala na nandito siya, katabi kopa, sana napatawad na niya ako.

Agad akung bumalik sa pagkahiga ng napagalaw siya
Halos sumakit ang likod ko dahil sa Lakas ng impack ng pagkakatumba ko, huminga nalang ako ng malalim para hindi niya mahalata , ipinikit ko ang mga mata ko ng umupo siya mula sa pagkahilatag at pasimpli akung nagtulog tulugan.

Shaina Point Of View:

Nagising ako ng pasado alas 3 na ng madaling araw
Para umihi, pero hindi ako natuloy sa paglabas ng may narinig akung malakas na alulong ng Aso, tang ina ang creepy! , Halos pagpawisan na ako sa kakapigil ng ihi ko ,

Ayaw ko sanang gisingin si Kyle dahil mahimbing ang tulog niya pero kinapalan ko nalang ang mukha ko. Dahil diko na talaga matiis.

"Kyle" mahinang pag-gising ko sa kanya dahil sa hiya
Please gumising kana Kyle grrr.

"KYLEEEE!!" Malakas ng sigaw ko na ikinagising niya sa gulat at agad siyang napaupo

"Bakit?!, Ayus kalang ba?" pagaalala niya

"Samahan mo naman ako sa labas, naiihi nako" pagmamakaawa ko sa kanya at agad niya akung sinamahan sa labas Hayss! nakakahiya talaga shit..

"Wag kang maninilip!" pagbabanta ko at narinig kong ikinatawa niya habang nakatalikod

"Dyan kalang ah, wag kang aalis!"
Sambit ko habang takot kung pinagmamasdan ang paligid

Pagkatapos kung umihi ay agad akung pumasok sa tent
Lumuwag ang pakiramdam ko at napahinga ako ng malalim dahil sa ginhawa pagkatapos.

"Thank you" pagpapasalamat ko sa kanya pagkapasok niya at Halos hindi ko siya matignan sa mukha dahil sa hiya

"Pahinga kana ulit, okay nako" wika ko at ngumiti siya Halata sa mukha niya na inaantok parin siya.

"Kung may kaylangan ka gisingin molang ako" sambit niya bago siya muling humiga Ilang saglit pa ay napahilik na naman siya.

Bigla nalang tumulo ng luha Ang Aking mga mata Habang tinititigan ko siya, Bumalik ang masasayang ala-ala naming dalawa noong kami pa at nong araw na pilit niya akung pinagtabuyan ng Kanyang masasamang salita.

"Wag ngayon Shaina! , Wala ka sa tamang oras" Pagpapakalma ko sa sarili ko pero nilamon ako ng nakaraan at diko na napigilang mapahagolgol sa kakaiyak at napahiga nalang ako patalikod sa kanya.

Kyle Point Of View :

Nakapikit lang ang mga mata ko pero nakikinig ang magkabilaang tainga ko, namula ang mga mata ko ng narinig ko siyang umiiyak. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sayo ang katotohanan, sana mapatawad mo ako shaina.

Accidentally Meet My Ex In Campaign Where stories live. Discover now