Chapter 11

200 5 0
                                    

Shaina POV:

Pagkatapos kung kumain ay ininom kona ang gamot ko tulad ng sabi ni Kyle, ilang sandali pa ay nagulat nalang ako ng pumasok ang bestfreind kung si Hazel na luhaan.

"Bakit ka umiiyak? Anung nangyari? " nanlaki ang mga mata ko

Bumwelo siya ng Ilang segundo bago nagsalita "Wala na Si kyle! " Hindi ako naniwala sa sinabi niyang iyon dahil kasama kolang kanina si Kyle

"Anu bang pinagsasabi mo? , ee magkasama lang kame kanina" saad ko " Sabay panga kaming kumain ee" tinuro ko yung pinggang pinag-kainan namin na nakapatong sa mesa , pero mukhang hindi siya naniniwala sakin at patuloy lang siya sa pag-iyak

Nagulat ako ng nilapitan niya ako at Bigla niya akung niyakap "Alam kung masakit!! ,pero... kaylangan mong tanggapin na wala na siya!! " diniinan niya ang pagkakasabi niya sa bawat salita Habang umiiyak

"Teka lang mahintay ka dito" Sininyasan ko siya "tatawagin kolang siya! "  Tumayo ako at naglakad papunta sa cr.

Hindi natuloy ang pagbukas ko sa pintuan ng cr, tumayo muna ako ng Ilang segundo sa tapat ng pintuan ng cr para magbwelo, Dahil Kinutoban ako na baka totoo ang sinasabi niya ng napansin kong almost 30 minutes na ay hindi parin siya lumalabas si kyle sa cr.

Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan ng cr, napatakip nalang ako ng bunga-nga ko ng hindi ko nakita si Kyle sa loob ng cr, this is not real!! diko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko, pero hindi ako nawalan ng pag-asa na makita siya dahil nakita mismo ng dalawang mata ko si Kyle sa mismong harapan ko kanina .

"Baka.. lumabas lang siya! "pilit kong pinapakalma ang sarili ko Kasabay ng pagpipigil ko sa iyak ko, patuloy parin sa pag-iyak si Hazel at sumusunod siya sa bawat kilos ko, Ayaw kong maniwala sa sinasabi niya kaya hinanap ko sa kyle sa labas, sa Hallway ng hospital hindi kona pinansin ang mga nurse at patient na nagtitinginan sakin, Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita si Kyle .

"Kyle asan ka?" Sigaw ko, inisa-isa kung nilibot ang Bawat corner at room ng hospital, pero hindi ko siya nakita ni kahit anino manlang niya.

"Kyle!! Magpakita kana!! Sigaw ko ng mas malakas" Wag ka naman magbiro ng ganito oh!!" Paki-usap ko

"Kyleee!!" Tawag ko sa kanya na may kasamang pagluha

"Tama na!" niyakap ako patalikod ni Hazel para awatin pero kumalas ako ng Nakita ko yung nurse na nagbigay ng pagkain samin kanina ni Kyle .

"Miss wait?" Tumigil siya sa paglalakad

"Diba ikaw yung nagbibigay samin ng boyfriend ko ng pagkain kanina? "  Tinuro ko siya pagkalapit ko sa kanya

medyo na delay ang  pagsagot niya ng Ilang sigundo dahil napa-isip pa siya " Ahh. Ou ako nga, ikaw yung nasa room 105" buti naman at naalala niya ako, bigla akung nabuhayan ng pag-asa na makita si Kyle

"Kitam!" Tumingin ako kay Hazel "Totoo yung sinasabi ko! " pagmumukha ko sa kanya

"Pero... Wala Akung nakitang kasama mo kanina don sa room" anya , ee sino yung Kyle na kasama ko kanina? Kaluluwa niya?? Napahawak ako sa braso ni Hazel ng nanghina ang buong Katawan ko sa sinabing iyon ng nurse.

"Pagkatapos... nakita ko na may kina-kausap ka, pero.. wala namang ibang tao dun kanina kundi ikaw lang, kaya umalis ako kaagad" hindi kona nakakayanan pa ang mga nangyayari kaya napayupisak ako at napahagul-gul sa iyak

"Hindi yan totoo!!" Sigaw ko at halos mamaos nako, lumapit sakin ang dalawang babaeng nurse kasama si Hazel para awatin ako ng nagwala ako, nagdilim ang paningin ko at hindi kona macontrol ang emosyon ko, naramdaman kong may itinurok sa kamay ko bago ako nawalan ng Malay.

"Sabi nila Kapag mahal mo daw Yong isang tao kaylangan mo siyang pakawalan,Pero paano??"

"Masakit maglibing ng taong Minamahal, yung mahal natin sa buhay na Nakasama natin sa hirap at ginhawa , yung taong nagpapasaya  satin at nagbibigay inpirasyon para gumising tayo araw - araw."

"I don't know how to start again! , He is My life, My source of strength and my everything, paano na ako magsisimula nito?"

Mahirap pero kailangan nating tanggapin na hanggang doon nalang ang buhay nila, na hanggang ala-ala nalang, kaylangan kong tanggapin na wala na siya, na hindi kona siya makikita, yung matamis niyang mga ngiti, Tawa, halakhak, yung mainit na yakap niya sa tuwing nalulunkot ka, yung mga banat niyang corny pero nakakatawa, at yung pangungulit niya kapag nabobored siya.

Kaylangan nating sanayin yung sarili nating mag-isa, dahil hindi sa lahat ng oras ay makakasama natin sila,
maikli lang ang buhay, kaya hanggat kasama pa natin ang minamahal natin sa buhay, gumawa tayo ng paraan para mapasaya sila , wag mong hintayin na may pagsisihan ka kapag nawala na sila.

The End of book 1..

📗Book two (2) teaser will be post on next update . 👇

Accidentally Meet My Ex In Campaign Where stories live. Discover now