A/N
This story is kind of short kaya pagpasensiyahan niyo na.
Matagal ko na itong natapos at ngayon ko lang naisipang i-publish...
Nagawa ko ang story na ito dahil sa mga makukulit kong kaibigan na gustung-gusto na magkaroon sila ng sariling love story na sulat ko.
Kaya abangan niyo ang mga kuwento ng bawat isa sa mga karakter na nandito.
Enjoy reading....
Unexpected break-up
“What did he say?” excited na tanong ng bestfriend niyang si Jesica. Agad siya nitong sinalubong matapos ang pag-uusap nila sa telepono ng nobyong si Anthony.
“May mahalaga daw siyang sasabihin sa akin.”
“Oh my God! I think this is it!”sabat din ni Jocel na abala sa ginagawa nitong brownies. Inimbita sila nito para ipatikim ang bago daw nitong discover na brownies. Sa kanilang apat na magkaibigan ito ang nahilig sa pagluluto.
“Pupusta ako, mag propose na yan si Anthony sayo mamaya.” anang kakarating lang na si Meme.
“Bakit ang tagal mo Meme?”
“Nagtaka pa kayo, kailan ba yan maagang dumating sa usapan?” nakataas ang kilay na wika ni Jocel.
“Pero sali ako sa pustahan may kutob na rin ako.” dagdag pa nito sabay kiliti sa kanya.
“Sali din ako diyan.” sabat din ni Jesica
“Tumigil nga kayo, hindi kayo masyadong atat.” aniya pero sa loob ay gustung-gusto niya ang iniisip ng mga kaibigan.
“Ano ka ba Carvy, 5 years na kayo. Ano pa ba ang ini-expect mo?” malamig na wika ni Meme. Sanay na sila sa pagiging straight nitong magsalita, matanda ito ng ilang taon sa kanila kaya naman ay ito ang palagi nilang takbuhan kapag may problema.
“Oo nga Carvs, kung ako sayo hindi ko na talaga papakawalan si Anthony dahil hindi lang gwapo, responsable pa. Tingnan mo sa edad niya ay siya na ang namahala sa negosyo ng pamilya nila.” wika ni jesica
“Dapat ka ng mag-asawa Carvy, dahil malungkot ang mag-isa sa buhay.”ani Meme
“Tama si Meme, Carvs isang taon na ng maulila ka ng lubos panahon na rin na lumigaya ka ng lubos.” malungkot na wika ni Jesica. Naalala naman niya ang namayapang magulang. Oo nga isang taon na siyang namuhay mag-isa simula ng mamatay ang ina dahil sa atake sa puso ang ama naman niya ay pitong taon ng patay. Pero sa loob ng isang taon na wala ang kanyang ina sa kanyang piling ay pinupunan lahat ni Anthony ang pangungulilang nararamdaman niya. Kaya labis ang pasasalamat niya sa nobyo hindi lang sa pagmamahal nito pati na rin sa hindi nito pag-iwan sa kanya sa mga oras na lugmok siya.
“Napag-usapan na rin namin ang tungkol sa pagpapakasal, pero ayoko lang mag-assume. Dahil wala pa naman akong natanggap na proposal.”aniya na idinaan sa biro ang sinabi at sabay silang nagtawanang magkaibigan.
“Oh my God! Sinasabi ng instinct ko na mamaya na ang proposal girl!” kinikilig pa na wika ni Jesica.
“At kailan naman yan naging credible ang instinct mo babae?” kontra agad na sabi ni Meme