Philippines
Kalalapag lang sa NAIA ng eroplanong sinakyan nila ni Steven. Nakita niya ang matinding excitement sa mata ni Carvy pati na rin ang wala pang muwang na anak nila na si Jacob. Mali ata ang desisyon kung umuwi kasama si Carvy. Pero paano naman niya ipaliwanag dito kung uuwi siya na hindi ito kasama. At isa pa hindi niya kayang mawalay sa mag-ina niya kahit isang araw lang.
“Come to dada man.” aniya sa anak na karga ni Carvy, kinuha na ng driver na sumundo sa kanila ang dala nilang mga bagahe.
“This way sweetheart.” aniya sa asawa habang inalalayan niya ito patungo sa sasakyang sumundo sa kanila.
“It feels so good to be home sweetheart.” anito na hindi mapawi ang ngiti sa labi.
“Kuya!” narinig niyang sigaw ng papalapit na si Leslie.
“Hey, brat! Oh, na miss pala kita.” niyakap niya ang kapatid ng mahigpit.
“I hate you!” sagot naman nito. Napailing-iling naman siya, ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nagbabago kakulitan ng nag-iisang kapatid. Ginulo-gulo niya ang mahaba nitong buhok.
“Hey, dont touch my hair!” galit-galitan pa nitong sita sa kanya, napangiti naman si Carvy habang pinapanood sila na nagkukulitan ni Leslie.
“Hey, big boy. Did you miss Tita?” anito kay Jacob na hindi nagawang idilat ang mata dahil sa sobrang antok.
“He's still sleepy.” anito ng hindi pinansin ng pamangkin. “
“Hi, sister in law.” anito ng bumaling kay Carvy. Magiliw namang nagbatian ang dalawa.
Pagkasakay nila sa sasakyan ay hindi na naputol ang pagkukuwentuhan ni Carvy at ni Leslie. Masaya naman siyang nakita ang dalawa na mabilis na nagkapalagayan ng loob.
Habang tumatakbo ang sasakyan nila papunta sa hospital na kung saan naka confine ang kanyang ama ay pilit niyang ipinikit ang mata at gusto sanang umidlip man lang. Pagod ang kanyang katawan sa matagal na biyahe at pagod din ang kanyang isipan sa pag-iisip ng maraming bagay.
At kahit anong gawin niya, ay tila ayaw siyang dalawin ng antok. Pinagmasdan niya ang anak na mahimbing na natutulog sa bisig niya. Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ni Carvy habang kausap si Leslie. Napabuntung-hininga siya habang naisip ang sinabi sa kanya ng matalik na kaibigan na si Marlon.
“Malaki ang posibilidad na babalik ang alaala ni Carvy sa oras na tatapak siya ng Pilipinas Steven.” babala nito sa kanya ng magkausap sila bago pa man sila lumipad ng pamilya pauwi ng Pilipinas.
Isang buwan matapos ang kasal nila ni Carvy sa America ay ipinagtapat niya kay Marlon ang katotohanan tungkol sa kanila ni Carvy. Nahihirapan na siyang dalhin mag-isa ang sekreto niya. Noong una ay nagalit ito sa kanya sa kanyang ginawa, pero sa huli ay inintidi siya nito.
“I hope youre ready enough to face the possible consequences, pare.” makahulugang paalala sa kanya ng kaibigan.
Paulit-ulit niyang inisip kung tama ba ang gagawin. Alam na niya ang maaring mangyari sa oras na bumalik ang alaala ni Carvy, pero alam din niya na hindi habangbuhay na maitago niya sa asawa ang katotohanan. Hinanda na niya ang sarili, tatanggapin niya ang anumang ibigay na parusa sa kanya ng nasa itaas dahil sa nagawang kasalanan. Pero kahit anong mangyari hindi niya hahayaang masira ang pagsasama nila ni Carvy.
“Sweetheart, andito na tayo.” pukaw sa kanya ni Carvy, hindi niya namalayang dumating na pala sila