3 years later
Mabigat pa ang talukap ng mga mata ni Carvy ng magmulat siya, kanina pa niya naamoy ang bango ng preskong mga rosas na paborito niya. Napangiti siya ng mamulatan ang asawa na nakatunghay sa kanya.
“Good morning Mrs. dela Costa.” bati nito sabay kintal ng halik sa kanyang labi. Hindi pa rin napalis ang kanyang ngiti, paano sa tatlong taon nilang pagsasama eh hindi ito nabigong pasayahin siya araw- araw. Mas lalo pang napuno ng ligaya ang kanyang puso ng binuksan nito ang ilaw sa loob ng kanilang kwarto at tumambad sa kanya aang maraming rose petals na nakapalibot sa loob ng kwarto.
“Happy third anniversary, sweetheart.” wika nito kasama ang napakatamis na ngiti.
“Oh, Steve!, you never fail to surprise me.” aniya at masaya itong niyakap
“Oops, you haven't greet me yet.”
“Happy anniversary sweetheart! Thank you for giving me three years of unending happiness and unconditional love.” maluha-luha pa niyang wika. Mabilis siya nitong ginawaran ng halik sa labi at inihiga ulit sa kama. Ang sumunod na sandali ay nakadagan na ito sa kanya at ang mga labi nito ay nagsimula na namang maglakbay sa kung saan-saan.
“I love you sweetheart, And I wont stop making you happy.”
“I love you too, Steven.” at siya na ang kusang naghubad ng suot nitong pang-itaas.
“By the way, sweetheart how did you set-up this kind of stuff?” aniyang napahinto dahil biglang nakuryuso, hindi ito sumagot bagkus nginitian lang siya nito ng mapang-akit sabay kindat, nahampas niya tuloy ito dahil sa kalokohan.
“Dont tell me na hindi ka natulog?” tanong niya ng mapansin ang tila pagod na mata nito. At ng hindi sumagot ay gusto na niyang malunod sa labis na tuwa.
“But, you are allergies to roses right.” puno ng pag-alala niyang tanong.
“Im fine sweetheart, takot kaya ang allergy ko sa asawa ko.” pagyayabang pa nito. Natawa naman siya sa sinabi nito.
“Can we proceed now?” pabirong wika nito na alam naman niya kung ano ang nais nitong ipakahulugan. Ngunit hindi pa man ito nakagawa ng first move ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa doon ang kagigising lang na si Jacob.
“Mama, Dada?” tawag pa nito, habang kinusot-kusot pa ang mata nito.
“Come here baby, mama and dada is here.” wika niya, kamot-kamot naman ng ulo si Steven na umahon sa kama at kinarga ang anak. Pinagkikiliti nito si Jacob, na panay naman ang tawa ng huli. Napakalapad ng kanyang ngiti habang pinapanood ang kanyang mag-ama. Parang kailan lang ay dala-dala pa niya ito sa kanyang sinapupunan at ngayon ay magaling na itong magsalita. Dalawang taong gulang na ito pero sa hubog nito ay tila apat na taon na. Nakuha nito ang tangkad at pangangatawan sa ama, lahat na ata ay nakuha nito kay Steven, marami nga ang nagsasabi na parang pinagbiyak na bunga ang dalawa.
At gusto din niyang makuha din nito ang ugali ng ama. Gusto niya na tulad ni Steven ay lalaki itong mabait, may takot sa diyos, matapat, may prinsipyo at lalo na sa lahat mapagmahal. Wala na siyang mahihiling sa panginoon, masaya siya sa pamilyang binuo nila ng asawa. Ayaw na niyang humiling pa sa itaas at baka kalabisan na, kahit ang kanyang alaala na ipinagkait sa kanya ay hindi na niya hiniling na bumalik pa dahil alam niyang hindi nagsisinungaling si Steven sa kanya.
“Mama, ba-baby?” anito sa naglalambing na tinig habang karga-karga pa din ito ni Steven.
“Yes, baby?” hindi niya agad nakuha ang ibig nitong sabihin.
“Ba-bay, baby?” ulit pa nito, nakita naman niya na binubulungan ito ni Steve.
“Steven, stop teaching your child bad things.” sita niya sa asawa.
“Ofcourse not sweetheart, our son just ask me to have a baby sister na daw.” Natawa naman siya sa pagdadahilan pa nito.
“Si Jacob ba talaga ang may gusto o si dada?” nakangiti niyang wika, ngumiti naman ito ng malapad na lumapit sa kanya habang nakasakay naman sa likod nito si Jacob.
“Actually, we both like sweetheart.”
“Mag-ama nga kayo.” aniya bago pumasok ng banyo. Narinig pa niya ang pagtawa nito, kasunod nuon ay ang mahinang paghalakhak na naman ng dalawang taong gulang nilang anak.
Pagkalabas niya ay dumiretso na siya sa kusina paara maghanda ng almusal. Araw noon ng linggo walang pasok si Steven pero kailangan pa rin niyang magluto ng maaga dahil maagang nagising si Jacob.
Eksakto namang naihanda niya sa mesa ang cofee na tinimpla niya para sa asawa ng tumunog ang telepono.
“Hello?” napaayos ang upo niya ng malamang galing sa Pilipinas ang tawag at ang kapatid ni Steven na si Leslie ang nasa kabilang linya. Agad niyang tinawag ang asawa at ipinasa dito ang telepono.
“Leslie, napatawag ka?” Nakita niya kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Steven habang nakinig sa kabilang linya. Alam niyang may problema sa Pilipinas kaya napatawag ang kapatid nito.
Sa tatlong taon nilang pagsasama ni Steven ay dalawang beses pa lamang niyang nakita ang kapatid nitong babae at ang ama nito ng magbakasyon ito sa kanila dahil na rin sa kagustuhan ni Steven. Hindi niya alam pero nararamdaman niyang tila ayaw ni Steven na umuwi sila ng Pilipinas kahit na anong ginawang pangungulit ng kapatid nito.
Alam niyang nasa Pilipinas din ang mga kaanak niya, pero ayun kay Steven ay tanging ang namatay lang niyang ina ang nakilala nito. At sa pagkakaalam daw nito ay nasa malayong probinsiya ang iba niyang kaanak kaya hindi na siya nagtanong pa ng marami.
Nilapitan niya ang asawa ng matapos ang pag-uusap nito at ng kapatid sa telepono. Malungkot ang mukhaa nito at malalim ang iniisip.
“May problema ba Steve?” nag-alala niyang tanong, bigla siya nitong niyakap na tila nakahanap ng kakampi at nagsimulang magkuwento sa ibinalita ng kapatid nito.
“Dad is very ill Carvs, what should I do?” anito sa maalungkot na boses. Noon lang niya nakita na ganoon ka down ang asawa.
“Lets go home then.” suhestiyon niya, nakita niyang natigilan ito sa sinabi niya at napaisip ng malalim.