Unexpected Wedding
“Pare, I need your help.”
“What can I do for you Mr. Dela Costa?” biro ng nasa kabilang linya
“Im serious pare.” naiinis na wika niya. Wala na siyang naisip na ibang paraan para mapadali ang paggaling ni Carvy. Dalawang linggo na itong nakaratay sa hospital ngunit nanatili pa rin itong comatose. Hindi na siya mapakali sa bawat araw na lumipas na wala siyang ginawa kundi ang maghintay ng maghintay sa mga updates mula sa doctor na wala namang pagbabago simula ng dumating sila doon. Kaya naisipan niyang humingi ng tulong sa bestfriend niyang si Marlon na isa ding pinoy na doctor sa America.
“I didnt expect this pare. Ikaw si Steven dela Costa na hindi kailanman humihingi ng tulong kaninuman.”
“May dadalhin akong pasyente diyan sa Amerika, maipangako mo bang tutulungan mo siya?”
“Hey, what happened to tito?”
“Its not dad, you will find it out when we get there. Prepare everything ang we will arrive early tommorrow.”
“Ok then, ill wait for you pare.” Pagkababa nito ng telepono ay agad niyang inihanda ang mga dadalhin sa pag-alis. Nakausap na rin niya ang doctor at kumbinsido ito sa disisyon niya na doon ipagpatuloy ang pagpapagamot kay Carvy.
Paglapag ng sinakyan nilang eroplano ay agad isinakay sa nakaabang na ambulansiya ang wala pa ring malay na si Carvy. Dahil na rin sa mga contacts ng kaibigan niyang si Marlon kaya naging matiwasay ang lahat na ginawang paglipat sa pasyente.
“Pare, would you mind if ill ask who is this woman?” kuryusong tanong ni Marlon na tila nakapansin na rin dahil sa labis na pag-alala na ipinakita niya kay Carvy.
“She was my classmate before when we were in college.” matipid niyang kuwento
“I see. But I think theres something more than that, the way i see how you care for her.” pagpapatuloy nito sa panunukso sa kanya.
“At kailan ka pa naging tsismoso doc Marlon?” ganting biro niya dito. Gustuhin man niyang ikuwento dito ang katotohanan tungkol kay Carvy ay hindi niya magawa. Ayaw niyang magulo pa ang buhay ni Carvy, dahil alam niyang sa oras na magising ito ay babalik na sa dati ang buhay nito. At siya ay tuluyan na ring magpakalayo-layo dito. Wala siyang ibang hiniling sa panginoon kundi ang muli nitong paggising at mabilis na paggaling nito.
Mag-iisang buwan na sa hospital si Carvy ngunit comatose pa rin ito.
“But dont lose hope Steve, I could sense that shes a strong woman and a fighter. Lets just wait, may nakikita naman akong magandang responses mula sa kanyang katawan. Lets keep on praying.”
“Ngayon lang ako hihingi ng pabor sayo Marlon, Im pleading to you, please save her.” pagmamakaawa niya sa kaibigan.
“Hey, pare you dont need to say that. Its my responsibility as a doctor.” Napayuko nalang siya, nakaramdam siya ng pagkapahiya sa sinabi niya sa kaibigan. Tila hindi na niya alam ang mga lumalabas sa bibig dahil sa labis na pag-alala sa kalagayan ni Carvy.
Tinapik ng kaibigan niya ang kanyang balikat senyales iyun na naiintindihaan siya nito.
“I understand what youve gone through for this past few weeks Steven. But dont worry your girlfriend will gain her conciousness as soon as possible. I assure you that.” Gusto sana niyang sabihin dito na nagkamali ito dahil hindi naman niya girlfriend si Carvy, pero ayaw na niyang tumaas pa ang pag-uusap nila at baka kung saan-saan pa mapunta ang mga tanong g kaibigan.