Ilang araw na ang lumipas simula ng umalis ng bahay si Carvy at Jacob, ngunit tila wala pa rin siya sa sarili. Gustong- gusto na niyang makita ang mga ito pero pilit niyang tinitikis ang sariling damdamin. Gusto niyang tuparin ang pangakong bibigyan niya ng pagkakataon na makapagisip-isip si Carvy at kung anuman ang maging disisyon nito ay tatanggapin niya ng maluwag.
Ilang araw na din siyang abala sa pag-aasikaso sa mga naiwang transaksiyon ng ama. Madalas na nagkasalubong ang landas nila ni Anthony sa loob ng dela Costa bldng ngunit hindi sila nagpapansinan, hanggat hindi kailangan para sa kompanya.
Araw noon ng linggo at hindi niya nakayanan ang labis na pangungulila sa anak kaya nagpasya siyang puntahan ang mga ito sa tinutuluyang hotel. Ngunit hindi pa man siya nakababa ng kotse ay nakita na niyang sumakay ng taxi ang kanyang mag-ina. Nagtatakang sinundan niya ang taxi na sinakyan ng mga ito. Nakita niyang bumaba ang mga ito sa isang parke malapit sa hotel.
Ipinagkasya nalang niya ang sarili sa panonood sa malayo sa anak na naglalaro. Ilang sandali pa ay nakita niyang dumating si Anthony na may dalang pagkain. Para namang hiniwa ang kanyang puso ng makita ang masayang mukha ni Carvy na sumalubong dito.
Tila gumuho ang mundo niya sa mga oras na iyun. Hindi na niya nakayanan pang magtagal sa panonod sa mga ito. Nakalimutan na niyang may nais sana siyang sabihin Carvy.
Pagdating niya ng bahay ay dumiritso kaagad siya sa kanilang mini bar, na kung saan naroon ang mga koleksiyon ng ama sa ibat-ibang klaseng wine at pati mga nakakalasing na inumin. Iyun ang lugar na tambayan ng ama simula ng iwanan ito ng kanilang ina. At hindi niya akalaing siya na rin ang naroon ngayon habang nilalasing ang sarili.
Nakaubos na siya ng ilang bote ng beer ng pumasok ang kanyang kapatid na kararating din lang.
“Can I join you kuya?” anito na hindi hinintay na sumagot siya at agad ng nilagok ang laman ng isang bote ng beer.
“Hey, slow down!” sita niya sa kapatid ng nagtangka na namang tunggain ang pangalawang bote.
“I already broke the engagement with Anthony, kuya.” kasabay ng paghagulgol nito. Hindi niya inaasahan ang ibinalita sa kanya ng kapatid.
“But why?”
“Theres no reason for me to cling up on him anymore.” bakas sa mukha nito ang sakit at pait.
“I let him go, because i wanted him to follow his happiness. Ganoon daw talaga ang pagmamahal eh. Walang mali sa magmahal ang mali kung patuloy mong ipipilit ang pagmamahal na hindi kayang suklian.” pagkasabi nitoy walang habas na ininum ang laman ng mga boteng nasa mesa.
Ilang sandali lang ang lumipas ay bumagsak na ito sa kalasingan. Habang siya nahulog malalim na pag-iisip.
“I envy your courage brat, sana kakayanin ko din ito.” pabulong niyang wika sa kapatid habang inaakay niya ito sa silid.
Kinabukasan paggising niya ay nakabuo na siya ng malaking disisyon. Agad siyang nagbihis at pinuntahan sa tinutuluyang hotel ag kanyang mag-ina. Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago pa kumatok. Nakita niya ang sandaling pagkabigla ni Carvy ng makita siya.
Tahimik siya nitong pinapasok, nakakapanibago ang lahat. Ngayon tila isa siyang estranghero dito. Wala na rin ang glow sa mga mata nito na dati-rati sumasalubong sa kanya.