Chapter 2

18 1 0
                                    

I cried all night. Wala akong pake kung marinig niya ang mga hagulgol ko. Kailangan kong ilabas ang galit, sakit at frustrations ko. Inabot ako nang four ng madaling-araw kakaiyak, kada pikit ko para sana matulog pumapasok ang eksena kanina. Unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. Bakit? Dahil ba doon sa babae niya?






Ang hina mo Dahlia, hindi ka pinalaki ng magulang mo para dito. Kung wala siyang pake sa'yo edi gawin mo din sa kanya. Mawalan ka din ng pake.







Late na ako nagising kinabukasan. Mugto ang mata, pati ang ilong at pisngi ay namamaga. Nang makaramdam ako ng gutom, bumaba na ako para maghanda. I stopped walking down the stairs. Paano kung nandito sa sala si Stephen? Hindi pa ako handang makita siya. 







Dahan-dahan kung sinilip ang sala. Wala naman akong nakitang anino niya kaya tumuloy na ako sa kusina. Umalis na naman siguro siya. Ganoon niya talaga ako ka-hate. Pero mas mabuti na din na wala siya dito, mas nakakagalaw ako. 





I prepared a simple breakfast for me. Hotdog and bacon then may tirang rice naman kaya iyon ang pinares ko. Hinanda ko ang center table sa sala at bnuksan ang tv. Nang wala akong makitang magandang palabas, binuksan ko na din ang DVD player. Mayroon akong collections ng CDs ng movies and iyon ang papanoorin ko. 







I spent almost 2 hours chilling here. "Ano pa bang pwedeng gawin? I'm bored" I tried texting Sydney, she's my bestfriend and turns out that she's also stephen's sister. 







'Yow, wanna go out?' I texted. While waiting for her reply, or if she'll ever reply, I cleaned the house first. I organized the stuffs here in the living room, washed the dishes left in the sink, throw the waste in the trashcan outside our house. While showering, Sydney finally replied to me. 






'Sure, magprepare ka na I'll fetch ya' and that's what I did. Since hindi naman ako mapili sa mga sinusuot ko, hindi ako nagkaproblema sa oras. I finished preparing early. After many minutes dumating na din si Sydney. 








"AHHH Lia!! I miss youu" she hugged me tight. "Kamusta? Nasaan si Kuya?" nilibot niya ang tingin para hanapin si Stephen. Pinalo ko siya sa braso na kinagulat niya. 







"Parang ewan naman kasi. Alam mo naman hindi non kayang nakikita ako dito. Kaya paniguradong wala siya ngayon" I faked my smile. She faced me, worried. "Ano ba, wag mo nga akong tingnan nang ganyan. Maayos pa naman buhay ko. Hahahaha"







"I'm sorry Lia, pagsasabihan ko si kuya. Kahit arranged kayo wala siyang karapatan na balewalain ka. Aba parang wala siyang crush sa'yo noong high-- Oops!"







Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. May crush sa akin si Stephen? But then she was about to say na highschool pa iyon, 8 years ago na. "Pero sorry talaga Dahlia, naipit ka pa tuloy sa problema" 







"Huwag kang magsorry parang timang. Walang may gusto sa nangyari atsaka kung ayaw niya sa akin wala na akong magagawa" Muling nagbadya ang pagtulo ng mga luha ko. Ngumiti na lang ako para hindi halata. 







"Yah! Magsaya tayo ngayon, ilang linggo din akong na-busy sa work. Kaya it's besties day, treat ko kahit saan mo gustong pumunta" hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako palabas ng bahay. Nilock ko muna ang bahay tsaka ako sumunod. 







I Will Never Be His WifeWhere stories live. Discover now