Halos tumalon ang puso ko sa kaba nang may tumawag sa akin. Akala ko nasundan ako ni Stephen pero laking ginhawa ko nang hindi pala siya ang nandoon.
"Marcus? Ikaw lang pala" he chuckled and I don't know why that laugh will make me feel comfortable. "Bakit? Anong nakakatawa?"
"Nothing, I just find it funny na lagi tayong nagkikita. By the way, bakit ka nga pala nasa labas sa oras na 'to?" dahil sa sinabi niya ay muli kong naalala kung bakit ako umalis ng bahay.
"Nag-away kasi kami ng asawa ko. Ayokong umuwi sa amin. Balak ko sanang magcheck-in pero kulang itong nadala kong pera" I smiled para naman hindi halatang miserable. Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko. "Why? Bakit ganyan mukha mo?"
"Ahh wala. I just thought you're single"
"Ohh, hindi ko pala nasabi sa'yo before? Well hindi rin naman ganoon kaimportante iyon. Arranged lang naman ang kasal namin kaya parang wala lang rin na kasal kami" honestly that statement of mine hurts. I can admit it to someone but I can't when it comes to myself.
"Uso pa pala ang arranged marriage sa panahon ngayon? Anyways, diba naghahanap ka ng matutulugan? Pwede ka sa bahay namin, I'm sure hindi ka rin magiging uncomfortable kasi nandoona ng kapatid kong babae. Masyadong late na at kung ayaw mo sa bahay niyo mas mabuting doon ka muna sa bahay"
Napaisip ako sa alok niya. I don't know him that much. May posibilidad na psycho siya. Pero pag-iisipan ko pa ba siya ng masama sa kabila ng lahat ng tulong niya? Nandoon din naman daw ang kapatid niya kaya hindi lang kaming dalawa ang nasa bahay. Sa huli ay tinanggap ko rin ang alok niya.
Naglalakad na kami ngayon paputa sa bahay nila. Medyo malapit lang pala sa village namin at medyo malayo sa kung nasaan kami kanina kaya bakit nandoon siya. "Uhh Marcus?"
"Hmm?" tumigil sya sa paglakad at tiningnan ako. "Bakit nga pala nandoon ka sa mall kanina?"
"Pinuntahan ko kasi ang kaibigan ko sa condo niya. May sakit daw kaya ako ang bumili ng gamot niya" Ohh gets ko na.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa pumasok na kami sa gate ng bahay nila. Maganda at malaki iyon. I can say na talagang mayaman ang may-ari non. Brown ang gate nila at maglalakad ka pa sa pathway kung saan walang damo patungo sa pinto ng bahay nila. Madaming tanim sa labas at may swing din.
"Pasok ka" pumasok ako sa loob ng bahay nila at sumalubong sa akin ang husky na alaga nila. Mabuti na lang at hindi ako takot sa aso kundi ay nataranta na ako sa paraan ng pagtakbo nito.
"Dang!" Nilingon ko si Marcus dahil sa sigaw niya. "Bakit? Anong meron?" gulong tanong ko na maski siya ay naguluhan.
"Ha?"
"Bakit ka sumigaw ng Dang! Naipit ka ba or what?" nakakunot na ang noo ko ngayon.
YOU ARE READING
I Will Never Be His Wife
Ficción General"Cause I don't exist for him. He never loved me!" "I'm tired!" "I can't love you anymore"