Chapter 6

8 1 0
                                    

I am now sitting on our sofa. Hindi ako makatingin nang diretso kay Stephen dahil sa mga nangyari. I feel guilty kahit na wala naman akong ginawang masama. Siya pa nga itong maraming kasalanan sa akin eh





"Bakit ka umalis kagabi? Bakit kayo magkasama? Bakit sa kanya ka pa sumama?" sunod-sunod na tanong niya. "Halos mabaliw ako kakaisip kung nasaan ka tapos malalaman kong kasama mo yung hayop na yon?" he ruffled his hair because of frustrations. Kunot noo niya akong tiningnan at nagpipigil na mag-rap sa harap ko. 




"Huwag mo siyang tawaging hayop!" sagot ko. Tumawa naman siya ngayon kahit wala namang nakakatawa.




"Bakit mo sya pinagtatanggol? Ano? May gusto ka sa kanya? Gumaganti ka sa akin? Gusto mo din magloko?" dahil sa sinabi niya hindi ko nakontrol ang sarili ko na lapitan siya at sampalin sya.






"Alam mo ba kung bakit ako umalis kagabi? Kasi napagod na akong intindihin ka! Puro na lang tayo away! Kailangan kong magpalamig, kailangan kong umalis dito kasi kung hindi mababaliw ako" umiwas siya ng tingin. "Bakit sa kanya ako sumama? Kasi nandoon siya nung kailangan ko ng malalapitan! Dinamayan niya ako. At tungkol naman sa kung gusto ko siya? Paano kung sabihin ko na oo? Magagalit ka na naman?".





"May nangyari ba sa inyo?" he asked that made me laugh without humor. Ibang klase tong lalaki na to. Wala sa topic biglang isisingit.






"What the fuck Stephen? Talaga bang itutulad mo ako sa'yo. Tingin mo bibigay na lang ako basta? Ganoon kababa ang tingin mo sa akin, ha? Hindi ako katulad mo na cheater. Kahit kasal lang tayo sa papel hindi pa rin tama para sa akin na gawin iyon sa iba tapos pagbibintangan mo ako? Ikaw ang cheater sa ating dalawa kung nakakalimutan mo!"







"Dahlia..." singit niya. He's frustrated and I am too. I can't read his mind. Magulo siya dahil iba ang actions niya sa mga sinasabi niya.





"Ano?!"






"Please huwag mo na siyang lapitan kahit kailan" kalmado niyang sabi.






"At bakit naman? Sino ka para utusan ako?"






"Sumunod ka na lang-"






"Hindi! Kaibigan na ang turing ko sa kanya kaya bakit bawal ko siyang lapitan? Nandyan siy--"







"KASI NAGSESELOS AKO!" the.....fuck?







Natuod ako sa sinabi niya. I am shocked... As in shocked. Why the hell would this guy say that. Bukas ang bibig ko sa gulat pero wala namang lumabas na salita. Nakatingin siya sa akin tsaka umiling.






"Come again?" hamon ko. 





He left the living room while I'm still processing what he just said. Nakita ko siyang pumunta sa kusina iniiwasan na sagutin ang tanong ko.






I Will Never Be His WifeWhere stories live. Discover now