Tinawanan ko ang sinabi niya sa akin. "Si Stephen? Patay na patay? Eh kulang na lang patayin ako non eh--" tinakpan ko ang bibig ko sa mga nasabi ko. Shit isang mahabang explanation na naman ito.
"May ginawa na naman siyang masama sa'yo? O tungkol 'to doon sa mga babaeng inuwi niya?" usisa niya sa akin. Hindi ko alam kung magsasabi ba ako ng totoo o tatahimik na lang. Mabuti na lang at tumungo ang cellphone niya kaya nawala ang atendyon niya sa akin.
"Hello?" nakinig siya sa kausap niya habang kunot ang noo. "ANO?! Sige pupunta kami. Saang ospital?" pati tuloy ako napatingin sa kanya. SInong nasa ospital? Kinagat ko ang kuko ko dahil sa kabang naramdaman kahit hindi ko pa alam ang nangyayari. "Lia, nasa ospital daw si kuya ngayon. Lasing daw kaya nabunggo yung kotse"
I didn't think twice after hearing Sydney. Tinakbo ko ang parking kung nasaan ang kotse niya. Agad din naman siyang sumunod sa akin. I am breathing heavily, I never encountered such accident before and knowing Stephen is drunk... alam kong malala ang nangyari.
Kaibigan daw ni Stephen ang nagdala sa kanya sa ospital. Siya rin ang tumawag kay Sydney pati ang nagtext ng address. "Kinarma ang gago" bulong ni Sydney. I can feel that she is nervous but still talking like this to his brothers. Siblings indeed.
I hate him, I really do. Sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pero hindi ko magawang sabihin na 'buti nga' ngayong naaksidente siya. Mas nangibabaw ang takot at alala sa akin. Asawa ko pa rin siya kahit magkaaway kami at oo mahal ko siya. I am overthinking. Paano kung malala ang pagkakauntog? Will he suffer from amnesia? Macocoma ba siya?
Kaya nang tumapat kami sa ospital ay pinatigil ko ang sasakyan. "Bakit? Magpaparking pa tayo" umiling ako at lumabas ng sasakyan. I can't wait for the parking, gusto ko nang malaman ang lagay ni Stephen. Nairita pa ako dahil ang daming tanong ng guard. This is a private hospital, I know. Pero sana alam nilang kailangan kong puntahan ang asawa ko sa loob.
Tiningnan ko muna kung nasa emergency room siya pero mukhang nailipat na sa private room.
"Stephen Alex Dominguez" I asked the available nurse. May tiningnan siya sa computer pati sa papel na hawak niya.
"Room 346 po" dali dali akong tumakbo sa kabubukas pa lang na elevator at umakyat sa 3rd floor. I saw some family members of other patients outside. When I saw Stephen's room I opened it quickly. Nakita ko siyang nakahiga. May benda sa ulo at oxygen mask. May mga aparato ring nakakabit sa kamay niya. Halong tuwa at kaba ang naramdaman ko nang makita ko siyang nagpapahinga.
"Mabuti ayos ka lang" umupo ako sa gilid niya at hinawakan ang kamay niya. May gasgas pati sa kamay at braso niya. Tumitig ako sa kanya kaya mas napansin ko ang mga pasa sa ibang bahagi ng mukha niya. "Tsk! Bakit ka kasi naglasing? Mali, bakit ka nagdrive nang lasing?" tanong ko na para bang sasagot talaga siya.
"Hay nahanap ko din" tiningnan ko si Sydney na hingal habang pumapasok sa kwarto. "Concern na concern si wifey yiee"
"The fuck?" hinagis niya sa akin ang gamit ko pati na ang pagkaing binili kanina. "Parang kanina alalalng-alala ka ah tapos ngayon ganyan na reaksyon mo?" puna ko dahil sobrang ligalig niya.
"Eh kasi ang tanga ni Kuya kaya siya nagkaganyan, pero okay lang kasi nandyan naman si Wifey diba?' umirap ako sa kanya. May sanib yata at ganyan umasta. "Tingnan mo nga naman ang daming pasa" pinasadahan niya ng tingin ang katawan ni Stephen sabay balik ng tingin sa akin at ngiti.
YOU ARE READING
I Will Never Be His Wife
General Fiction"Cause I don't exist for him. He never loved me!" "I'm tired!" "I can't love you anymore"