Chapter 3

14 1 0
                                    

We watched movies 'til midnight. Gusto daw kasi ni Sydney manood ng murder case kaya inaya niya ako. "Ang bobo naman niyang killer. Bakit naman siya mag-iiwan ng ebidensya?" Please lang, bakit ba ako nagkaroon ng ganitong kaibigan? Napaka-brutal. "2 a.m na Sydney, tulog na tayo" I pouted. 





"Tulog ka na diyan Lia, saglit na lang naman 'to. Promise hindi na ako mag-iingay" Okii binabawi ko na iyong sinabi ko kanina, maswerte ako na kaibigan ko itong alien na 'to.





I was in the middle of sleeping when I heard a loud noise. Bumangon agad ako dahil sa gulat. I saw Sydney peacefully sleeping on the couch. Tsk! tinulugan na ang palabas. The noise came from the tv pala, It's when they discovered something. I don't know basta may nagdabog sa palabas. 





When i'm turning off the TV someone opened the door. Dahil bagong gising ako, tumalon ako sa gulat. When I saw Stephen, my initial reaction is to step backwards. I don't know why I'm feeling scared he might hurt me again. 







"Anong kailangan mo?" I asked but preparing to defend if ever he'll hurt me again. "Bakit ka nandito? Sasampalin mo na naman ako?" nanlaki ang mata niya matapos kong bitawan ang mga salitang iyon. 







"No, that's not it. May narinig lang akong dabog, akala ko may nangyaring masama dito" he explained.







"Walang nangyari dito, pwede ka na umalis" when he closed the door I ran toward it and click the lock. If ever he tried to enter this room. Bumalik na ako sa kama ko para matulog ulit.





Surprisingly, mabilis akong nakatulog nang gabing iyon kahit sobrang daming nangyari. Pagod na siguro talaga ako na naghahanap na ang katawan ko ng pahinga.





"Dahlia?" I opened my eyes after hearing someone. Then I saw Sydney standing beside me. "Hmm?"



"Aalis na muna ako, hanap ako sa work eh. I'll try to visit you later okay?" she kissed my cheek.





"Kahit wag ka na muna pumunta dito, alam kong may mga kailangan ka pang gawin. Kapag free ka na siguro?" kinusot ko ang mata ko at tiningnan siya. "Eh... Paano kayo ni Kuya dito? I need to be here" pilit niya.





"I can handle him naman, okay na yan. Focus ka muna sa work mo" she agreed to me finally and said goodbye once again. Hinatid ko siya sa kotse niya and she finally left. PAkiramdam ko tumanda ako nang ilang taon sa sitwasyon ko ngayon.





Wala na naman si Stephen sa bahay. Ito na ba ang magiging routine namin? Literal na walang pansinan, literal na hindi magkikita? 





I decided to go to the grocery store to buy food stocks and some necessities. Nilakad ko na lang palabas ng village namin para makapag-exercise din ako. "Good Morning kuya Ben!" bati ko sa guard. "Good Morning Ma'am..." he smiled apologetically "Pasensya na ma'am nakalimutan ko po pangalang niyo" 







"Ahh okay lang kuya Ben. Ako po si Dahlia Dominguez" sabi ko. 





"Po? Asawa po kayo ni Sir Stephen?" tumango ako sa kanya. "Ahh sorry po ma'am, pero kasi palagi ko po siyang nakikitang may kasamang babae palabas at papasok dito. Akala ko po iyon ang asawa" natulala ako sa sinabi ni kuya. So may kasama din siya palabas ng village. Akala ko tuwing gabi lang. 







Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Okay lang po kuya Ben, sanay na po ako. Sige po, punta lang po ako sa grocery" 





Tulala akong naglakad papunta sa kabilang kanto kung saan ang grocery. Even while walking across the street nakatulala pa din ako. Muntik na akong masagasaan ng truck, kung hindi lang ako sinagip ng tao sa likod ko. Bumalik na ako sa katinuan dahil sa nangyari. I looked at the person who saved me. 



I Will Never Be His WifeWhere stories live. Discover now